[Alpha's POV]
"Dito na lang ako. Kaya ko na. Umuwi na kayo. pahinga na kayo. Salamat sa pag hatid" sabi ko kila Anton. Inihatid kasi nila ako dito sa bahay.
"Sige tawag mo lang kami kapag may kailangan ka. Pahinga ka na din" sagot ni Anton.
Umalis na sila at ako naman ay pumasok na sa bahay.
"Oh kambal. Musta lakad? Nagluto na ko. Kumain naba kayo" tanong sakin ni Mika.
"Sakto. Hindi pa nga kami kumakain eh nag miryenda lang" sagot ko.
"Oh tara lets eat" sabi niya at nag hain na nga siya.
Habang kumakain kami ay natabig ni Mika yung tasa.
"Aw sorry lilinis ko lang saglit" sabi niya.
Napatingin ako sa basag na salamin dahil tutulungan ko sana sya. May naaninag ako nakatayo.
"Karen?" bulong ko.
Nilingon ko kung saan nag rereflect yung salamin. Nakita ko si Karen nakatayo. Unti unti ko siyang nilapitan. Ako lang dahil may kinuha pa si Mika.
"Bes tulungan mo ko" bulong niya nakita kong biglang may tumulong luha sa mga mata niya.
"Alpha!" Narinig kong sigaw ni Mika.
Napalingon ulit ako kay Karen biglang nag iba yung tingin niya kay Mika. At itinaas niya yung kutsilyo.
"Ikaw! Ikaw ang nag tatangkang pumatay samin! Ikaw ang dahilan ng lahat ng to! Papatayin kita!!" Sigaw ni Karen bigla siyang tumakbo papunta kay Mika habang hawak yung kutsilyo
"Wala akong kasalanan sayo! Anong pinag sasasabi mo?!" Sigaw ni Mika.
Pinipilit saksakin ni Karen si Mika kaya pinuntahan ko si Karen para pigilan.
"Karen tama na! Bitawan mo yan!" Sigaw ko habang pinipigilan ko siya.
"Umamin ka nga! Ikaw ba ang pumatay kila Alyssa?!" Tanong ko na pasigaw.
Biglang huminto si Karen. Binaba niya yung kutsilyo at tumingin sakin ng masama.
"Hindi ako ang pumatay. Tingin mo ba magagawa ko yun?!" Tanong niya.
"Sa lagay na yan mukha bang hindi ka papatay? Gusto mong patayin si Mika!" Sigaw ko sa kaniya.
"Dahil siya ang pumatay!" Sagot niya.
Tiningnan ko si Mika. Umiiyak sa gilid nakaupo.
"Tumigil ka na!" Sigaw ko.
Nilapitan ko si Mika. Pinunasan ko yung luha niya.
"Nasan si James?" Tanong ko kay Karen.
"Patay na sya" bulong niya.
Tumingin ako kay Karen. Umiinit na dugo ko. Wag ngayon please lang.
"Ano?!" tanong ko.
"Pinatay na siya! Bakit hindi mo tanungin yang kambal mo!" Sigaw niya.
Binalik ko yung tingin ko kay Mika. Umiiyak pa rin siya. Di ko malaman kung saan ako maniniwala. Iniwan ko silang dalawa umalis ako.
Wala akong sasakyan kaya nag lakad nako para puntahan si Jamie. Naiiyak nako. Haaaays. Wala na si James? Di ako naniniwala.
*Calling Jamie*
Haaaaays. Jamie sagutin mo. Nakalimang missed call na ko. Di pa rin nya sinasagot. Tss. Naglakad lakad pako pumunta ako sa park. Ang aga aga palang bat wala ng tricycle hays.
*Calling Anton*
"Hello?" Biglang nag salita si Anton gulat pa ko kala ko di nya din sasagutin.
"A.. a.. nton" di nako makapagsalita ng maayooooos juskooo.
"Anong nangyari? Umiiyak ka ba? Nasan ka?" Tanong niya.
"Hindi. Nandito sa park" sagot ko.
"Anong ginagawa mo dyan ng alas tres ng madaling araw?" Sabi niya.
Tiningnan ko cellphone ko. Sht alas tres na nga pala. Kanina pa pala ko nandito.
"Ay HAHA Oo nga alas tres na pala. Sorry sa abala tulog ka na ulit" sabi ko sa kaniya.
Ney? Pinatayan ako. Bastus na to. Siguro inaantok pa HAHAHA. Ayokong umuwi nakakastress. Gusto ko munang magpahangin dito. Tutal hindi naman to puntahan ng tao dahil lumang park na to.
Inaantok na ko tsss. Papahinga muna ko. Hays.
"Anton?" Bulong ko. Di ko namalayan nakatulog pala ko.
Niii. Andito naman na ko sa kotse ni Anton. Pero nandito palang rin kami sa park. Ang sweet naman netong si Anton pinuntahan pa ko.
"Anong oras na ba?" Bulong ko. Tas kinuha ko yung cellphone ko. 5am pa lang pala.
Tinitigan ko si Anton. Ang gwapo niya pala HAHAHAHA. Ang cute matulog may pag kasingkit kasi tsaka maputi nag mukha tuloy siyang koreano. Nilapitan ko pa ng konti yung mukha niya.
"Alpha?" bulong niya. aaaaahh. Biglang dumilat si loko hahahahaha nasa harapan niya pa man din ako. Nakakahiya hayup.
"Ah?" wala na kong ibang nasabi. HAHA Nahihiya ako.
"Balak mo siguro akong halikan no?" pang aasar niya sabay tumawa.
"Hoy kapal naman ng mukha mo. Hindi no!" Sabi ko sabay layo sa mukha niya tas inirapan ko sya. Kapal nya naman tinitingnan ko lang naman siya ih.
"Talaga ba? Pwede ko namang ibigay eh. Mag nanakaw halik ka pa" sabi niya ulit tapos tumawa nanaman.
Hays abnormal. Hindi naman kasi talaga eh ano ba yaaaan -___-
"Halika dito" dagdag niya. Tapos hinawakan niya kamay ko sabay ipinatong sa balikat niya. Kaya nagkalapit nanaman mukha namin siguro mga 2inches lang pagitan.
Bat ganooooon?! -___- Ayaw umalis ng tingin ko sa kaniyaaaa! Unti unti siyang lumalapit. Shit hahalikan niya ba ko?! Alpha umalis ka!!!
"Gumugusto ka rin eh" bulong niya sabay tumawa.
Napapikit ako bigla na parang natauhan. Juskooooo alphaaa! Anong ginagawa mooooo!
"Ah? Hindi! Hayup ka!" Sigaw ko tas umupo ulit ako sa pinauupuan ko. Nyeta Alpha nakakahiya ka! Jusko!
Tumawa lang siya ng tumawa. haaaays -___- kainis . Tinatawanan niya ko.
"Ano palang ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kaniya para maiba yung topic.
"May isa kasing tao na abnormal na pupunta ng park mag isa ng alas tres ng madaling araw" sabi niya. Sabay tumawa nanaman. Hallaaaaa. -__-
"Oh tapos? Pinuntahan mo naman?" sabi ko sabay irap sa kaniya dahil alam kong ako yung pinagsasabihan niya. Abnormal pa raw hays.
"Syempre" sabi niya.
"Crush kita eh" dagdag niya pa sabay kindat sakin. Tapos lumapit nanaman siya sa mukha ko.
Parang tumigil nanaman yung mundo jusko. Bat ganooon?! Kapag lumalapit siya parang di kona macontrol katawan ko. Laaaa anong nangyayari?!
"HAHAHAHA JOKE LANG!" Sabi niya sabay tawa nanaman. Kinnana. Ano ba yan. Tss. Tas bigla siyang lumayo.
*****
YOU ARE READING
I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101
HororIf you want to be feel inlove, and scare. Read this story. Story about family, friends and someone important. Who will be killed and Who is the killer. Everybody should know at the same time how they can survived. FACE YOUR FEAR! ~Amnotquinlex. PUBL...