[Alpha's POV]
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
Nakakatakot. Puti yung isang mata niya. Tapos yung isa umiikot yung itim. Hindi ko mapaliwanag yung mga daliri niya. Ang dungis niya, mukha siyang nahulog sa kanal. At may hawak siyang mahabang kutsilyo.
"Natatakot na ko. Angelica please" Nag mamakaawang sabi ko sa kaniya. Naka harap siya sakin. Unti unting lumalakad papalapit.
Hinawakan niya ng mahigpit yung kutsilyo, at sabay itinutok sa kaniyang leeg. dahan dahan niyang kiniskis ang kutsilyo sa kaniyang leeg. Ramdam ko yung dugong tumutulo sa kaniyang katawan.
"Angelica! Wag!" Wala na kong ibang sinabi kundi wag niyang gawin iyon.
"Bakit angelica?" Naiiyak kong sabi sa kaniya. Pinipigilan ko yung kamay niyang gawin iyon ngunit patuloy parin siya sa pag laslas ng leeg niya.
"tulungan mo ko alpha" huling salitang narinig ko sa kaniya hanggang sa mapigtas na ang ulo niya mula sa kaniyang katawan.
Bumagsak siya sa sahig kasabay ng pag bagsak ng kaniyang ulo. Ang daming dugong pumu pusitsit. Ang daming dugong nakakalat sa sahig. Dilat ang kaniyang mga mata at nakangiti. Yung kutsilyong bumitay sa kaniya ay may pangalan niya.
Pumunta ako sa pulis station para mag report. Nang makarating na kami sa bahay kasama ng mga pulis ay wala na si Angelica, tanging bakas na lamang ng dugo niya ang naiwan sa sahig. Ang gulo ng boarding. Nagkalat lahat ng mga gamit, nag kabasag basag yung mga baso, tasa pati mga pinggan.
"Nasan yung namatay?" Tanong sakin ng pulis. Tinignan ko sila nung nag tanong sila.
"Hindi ko po alam, nandito lang yun! Dun siya mismo nag pakamatay! Sa may bakas ng dugo" tinuro ko kung saan ko siya huling nakita. At nung lumingon ako, wala ng bakas ng dugo. Ang linis ng bahay.
"Pinaglololoko mo ba kami? Halika na nga, nag sasayang tayo ng oras sa babaeng to" Galit na sabi ng pulis. Sabay aya niya sa mga kasamahan niya at umalis na sila.
Pano nangyari yon? Nakita ko talaga si angelica nag pakamatay siya. Mismong sa harap ko pa. Namamalikmata nanaman ba ako? Juskoooo! Nakita ko to kanina ang dumi, ang kalat. Tapos ngayon sobrang linis na. Wala yung kutsilyo. Wala si Angelica. Ano na ba nangyayari?
*Ringgg!* *Someones calling*
"Hello. Karen? Bakit?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.
"Beshyyy" Naiiyak siyang nagsasalita.
"Umiiyak ka ba? Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko. Kinabahan ako bigla.
"Si.. si Angelicaaaa" sagot niya. Halata sa boses niya na humahagulgol siya sa iyak dahil pautal utal siya.
"Bakit? Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko na mas lalong bumilis tibok ng puso ko. Nakita ko siya dito sa bahay, tapos andon na si Angelica?
"Patay na siya beshy" mas lalo kong narinig yung iyak niya nung sinabi niya yon.
"Nasan ka? Nasan siya? Pupuntahan kita" tanong ko sa kaniya na medyo napabilis mag salita dahil gusto kong malaman kung anong nangyayari sa earth. Wth!
"Andito kami malapit sa bahay nila madadaanan to papunta sa kanila, andito rin siya" sagot niya sakin, at bago ko pa marinig ang pag singhot ng sipon niya ay pinatay ko na agad upang pumunta kung saan man sila naroroon.
[James's POV]
Nandito ako sa tapat ng bahay nila Alpha. Nabalitaan ko yung tungkol kay Angelica, Baka hindi niya pa alam. Yes. Kilala ko si Angelica, Classmate ko siya noon kaya alam ko ang ugali niya.
"Alpha!" Sigaw ko sa kaniya. Lumingon naman siya agad sakin.
"Uy james! Nabalitaan mo na ba?" Tanong niya agad sakin.
"Yung tungkol kay Angelica" dagdag pa nito at halata sa kaniyang mukha na medyo naiiyak na siya.
"Oo, Kaaway mo yun diba?" Tanong ko sa kaniya.
"Kahit naba. Bestfriend din kami dati, madami din kaming pinagsamahan ni Angelica" malungkot niyang sagot.
"Tara na." Aya ko sa kaniya.
"San tayo pupunta?" Tanong niya.
"Kay Angelica. Para makita natin kung ano ba talaga nangyari" sagot ko.
Sumakay na siya sa kotse at pumunta kami agad kung saan naroroon si Angelica.
"Ang daming pulis. Baba tayo" sabi ni Alpha. Pagkababa namin ay bumungad agad samin ang masangsang na amoy.
"Karen!" Sinigawan ni Alpha yung kaibigan niya. Karen pala pangalan nun. Madalas kong makita yon, pero hindi ko alam ang pangalan.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Karen.
"Sa.. sabi nung iba nakulam daw siya, nakita na lang nila na wala na yung isang mata niya, tap.. tapos nakadilat yung isang mata niya. Nagkaputol putol yung mga daliri niya" Naiiyak niyang sabi. naguguluhan ako. Sinong tao ang gagawa nun sa kaniya? Wala na akong ibang kilala na kaaway niya. Si Alpha lang. Teka, si Alpha kaya?
Hindi, hindi magagawa ni Alpha yun. Siguro galit siya pero hindi niya magagawa yun. Hindi siya mamamatay tao.
"Kaibigan mo si Alpha?" Tanong sakin nung isang babae. Hindi ko maaninag yung mukha dahil nakayuko siya.
"Oo, bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Layuan mo siya, hindi mo siya kilala" sagot niya at tumakbo siya papalayo. Hinabol ko siya ngunit ang bilis niya, Hindi ko na nakita yung mukha niya.
"Sino kaya yun?" Bulong ko.
"huh? Ano yon?" Biglang tanong ni Alpha sakin.
Tinignan ko siyang mabuti, mga ilang segundo at iniwasan ko na siya ng tingin pagkatapos. Parang may sinasabi yung mga mata nya, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
"Huuuy! Ano na? Tulala ka dyan!" sigaw ni Alpha sakin.
"Ah? Hindi. Wala" Sagot ko, sabay tumawa ng konti dahil sa itsura nyang mukhang ewan. Hahaha.
Inirapan niya ko at bumalik na siya. Ang ganda pala ng mga mata ni Alpha kahit medyo mataray ang dating. Tss, ano ba yan! Ano nanaman nasa isip ko. Hays. bumalik na ko kung saan naroon na ang mga ambulansya. Hindi na kami sumama nila Alpha, at sobrang namumugto na ang mata ni Karen, halata rin sa mata ni Alpha yung mga luhang pigil na pigil na sa pag patak.
[ Alpha's POV ]
Naguguluhan ako, nakita ko si Angelica sa bahay nakakatakot siya sobra. Bakit ko sya nakita? Nag papahiwatig ba sya na namatay na sya? Minumulto nya ba ko? Wala naman talaga akong kasalanan sa kanya. Hindi naman talaga ako ang nagkalat non, at uulitin ko, wala akong kasalanan sa kaniya.
*****
Who is? Who is the killer?
YOU ARE READING
I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101
HorrorIf you want to be feel inlove, and scare. Read this story. Story about family, friends and someone important. Who will be killed and Who is the killer. Everybody should know at the same time how they can survived. FACE YOUR FEAR! ~Amnotquinlex. PUBL...