CP Nineteen: Red line

30 18 0
                                    

Pumunta kami sa bahay kung saan nakita namin yung cellphone ni Jamie.

"May dala kang compass?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala eh" sagot niya.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"5:12pm" sagot niya. Tumayo ako para malaman kung saan ang north.

"Dun! Dun yung north!" Sabi ko tapos tinuro ko.

"Wow pano mo naman nalaman?" Tanong niya.

"Kapag 1pm-5pm tumingin ka mismo sa araw tapos kung saan ang left mo dun yung north" sagot ko.

"Ay ang galeng" sabi niya tapos pumalakpak HAHAHAHA Abnormal.

"Kapag naman umaga 8am-10am tumapat ka ulit sa araw nasa right mo naman ang north" habang nagpapaliwanag ako nakatingin ako sa kaniya nakatunganga lang sakin na parang ewan.

"Huy! Nakikinig ka ba?!" Tanong ko. Parang siyang nabilib HAHA ngayon niya lang alam yun?

"Pano mong nalaman yan?" tanong niya HAHAHAHA Sabi na di niya alam eh.

"Alam ko lang" sagot ko.

"Start na natin!" Dagdag ko. Tapos kinuha ko na yung cellphone niya. Nakacapture kasi dun yung red line.

"Pano yan?" Tanong niya.

"Sundan nalang natin yung line" sagot ko.

Habang nag lalakad kami at sinusundan yung line kapag may lilikuan sa may kanto na kami pupunta alangan lumiko kami sa walang kanto edi nabunggo kami.

"Tignan mo to" biglang singit ni Anton may pinulot siya sa ibaba tas pinakita sakin.

"Red stone?" Bulong ko.

"Kanina pako nakakakita ng ganyan mula sa nilalakaran natin" sabi niya.

"Balikan natin!" Sabi ko.

"Anlayo na natin! Jusko naman nakailang kanto na tayo!" Sigaw niya.

"Kung kanina mo pa sana sinabi edi hindi na sana tayo babalik diba?!" Sigaw ko rin. Wala na siyang nagawa sumama din siya sakin.

Red stone may maliit may malaki. Ano kayang ibig sabihin nito? Pareparehas ng design iba iba lang ng size. Binalikan namin lahat kinuha namin. Buti may dala akong lalagyanan yung iba kasing medyo malaki mabigat ng onti.

"Halika na start na natin ulit nabalikan na natin lahat" sabi niya.

At naglakad na ulit kami papunta sa red line. At pinupulot namin yung mga nakikita naming red stone.

"Huling liko na to. Puro bahay saan naman na tayo pupunta? Saan dito?" tanong niya.

Tinignan kong mabuti may pitong red line na hiwahiwalay.

"- - - - - - -" Like this.

"Ano yan pitong hakbang? o pampitong hakbang?" tanong ni Anton.

"1008012?" bulong ko.

May nakita akong bahay na may nakaukit sa pader nila na 1008012. Naalala ko parang ganun yung nasa susi. Pero di ko dala yung susi tss.

"Diba yan yung nakalagay sa susi?" tanong ni Anton habang papalapit kami sa gate na may nakaukit sa pader na number.

"Pindutin ko yung doorbell?" Tanong ulit niya.

"Sige tignan natin baka may tao" sagot ko.

Kaya pinindot niya yung doorbell. Ilang sandali ay may lumabas na matanda galing sa loob ng bahay.

"Ano ang kailangan nyo iha?" Tanong ni lola.

"Itatanong lang po sana namin kung ano ibig sabihin ng 1008012 na nakaukit po sa pader ninyo" sagot ko.

"Halika pasok muna kayo" aya ni lola samin. Papasok sana ako bigla akong hinawakan ni Anton.

"Hindi natin siya kilala. Baka kasabwat yan ng pumapatay?" Sabi sakin ni Anton.

"Gusto kong malaman kung ano ibig sabihin nung mga numero. Parang alam niya" sagot ko. Tinignan niya ko. Tapos binitawan ko yung pag kakahawak niya sakin.

Pag pasok namin sa bahay ay pinaupo naman kami sa kanilang sala at ikinuha ng maiinom. Ang laki ng bahay nila. May nakita akong batang lalaki sa may loob ng kwarto sa itaas. Nginitian ko pero sinaraduhan ako ng pinto. Abay bastus na yon.

"Lola apo nyo po yung bata sa itaas?" Tanong ko.

"Wala akong kasama dito. Umalis yung mga anak ko nag tatrabaho kasi sila" sagot ni lola. Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko ulit yung kwarto sa taas pero nakasarado pa rin.

"Bakit gusto ninyong malaman yung mga number sa pader?" Tanong ni lola.

"May nag bigay po kasi ng location samin tapos yung number na yan nasa susi po" sagot ko.

"Bagong gawa pa lamang yang pader na yan hindi pa tuyo. May isang batang babae na naglalaro dyan. Nilagyan niya ng 1008012 hanggang sa matuyo bumakat yung inilagay niya" kwento ni lola. Nagtaka naman ako sino yung bata?

"Sino po yung bata? Bakit niya po nilagyan ng number dyan? Ano po ibig sabihin nun?" tanong ko.

"Sa pag kakaalam ko namatay yung batang babae. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun eh" sagot niya.

"Batang babae?" bulong ko.

"Mayroong isang kahon dito sabi nung iba sa kaniya raw yun hindi ko mabuksan matagal ng nandito gusto ko na ngang itapon eh" sabi niya

"Pwede pong patingin?" Sabi ko. At kinuha niya naman iyon.

Umakyat siya. Pumasok siya sa kwarto kung saan nakita ko yung bata. Ilang sandali ay bumaba na rin siya dala dala yung kahon.

"Nasan yung kasama mo?" Tanong ni lola. Pag lingon ko sa gilid ko wala na si Anton. Nasan naba yun? hays iniwan ako.

"Eto iha" iniabot niya sakin yung kahon na hawak niya. Pag tingin ko may lock na 4 numbers at may isa pang lock na kailangan ng susi.

"Lola baka ito po yung kailangan namin kaya kami pinapunta dito pwede po ba naming mahiram?" Tanong ko.

"Oh sige iha. Itatapon ko na nga sana yan eh" sagot niya kaya naman kinuha ko na.

"Ano yan?" biglang may nagsalita sa gilid ko. Nagulat pako hays.

"Yung babaeng nag lagay ng number sa kaniya daw to" sagot ko.

"Pano nating mabubuksan yan? Nakadouble lock" Tanong niya.

"try natin yung susi na pinag gamit sayo" sagot ko.

"Sige po lola mauna na po kami. Maraming salamat po" paalam ko sa kaniya.

"Thank you po lola" paalam rin ni Anton.

"Sige mag iingat kayo" sabi niya rin ni lola samin at inihatid niya kami papuntang labas.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now