CP Six: Anton

60 41 4
                                    

[ Alpha's POV ]

Haaay!! Umaga nanaman. Kakain, maliligo, papasok, tapos uuwi. Paulit ulit na gawain. May namatay tapos may namatay ulit. Hindi na natapos na problema. Walang nakakaalam kung bakit sila namatay. Imbestiga dito. Imbestiga don. Tsk. Lalabas na nga muna ko. Kanina pa ko gising di pa ko bumabangon.

"Kambal! Gising ka na pala. Nag luto na ko ng umagahan natin." Sambit neto agad. Nilutuan niya ko? Madalas kasi si Karen ang nag luluto.

"Nasan si Karen?" Tanong ko sa kaniya.

"Maagang umalis kanina. May pupuntahan daw siya" Sagot niya naman.

"Kain na tayo" dagdag nito habang inihahanda yung mga niluto niyang pag kain.

Pagkatapos naming kumain ay gumayak na ako at umalis na din agad para puntahan si James. Itatanong ko kung ano ba talagang nangyari kay Angelica, dalawa nang kaibigan namin ang namatay hindi ko na hahayaang may sumunod pa.

Pagkadating ko ay agad bumungad sa harapan ko si. Di ko kilala. Yung nakabungguan ako na hindi man lang ako tinulungan.

"Alpha" Sambit nito. Tss, ikaw nanaman. -_-

"Problem?" Tanong ko.

"Halika bilis! May pupuntahan tayo!" Sabay hila niya sa kamay ko. Sa sobrang bilis hindi ko na nahila yung kamay ko.

Nakarating kami sa park ng school. Mayroon kasing park na pwedeng pag tambayan. Tutal wala pa namang klase kaya napasama na lang din ako.

"Bat tayo nandito?" Tanong ko. Pano niya ba kong napa oo na sumama sa kaniya? Hays. Matagal ko na siyang nakikita dito sa school kabatch ko din kasi siya pero hindi ko alam pangalan niya.

"Wala lang. Gusto ko lang ng kasama" sagot niya.

Duh? -_- Pag gusto niya ng kasama hihila na lang siya ng kahit na sino?

"Eh bat ako?" Tanong ko.

"Ano bang pangalan mo? Di naman kita kilala eh. Duh?! " tanong ko sabay irap sa kaniya.

"Anton nga pala" sagot niya. sabay iniabot niya yung kamay niya.

"Ah ok" maikli kong sagot. Hindi ako nakipag hand shake sa kaniya. Duh?!

"Hindi ka man lang nakipag shake hands sakin" sabi niya na parang nalungkot na nag tatampo. Kakatawa naman to hahahaha parang bata. Ang cute niya din pala HAHA.

"Oo na. Magpapakilala din ako. Alpha nga pala" iniabot ko yung kamay ko sa kaniya. At siya naman 'tong nakipag kamay din sakin.

"Yeey!" Sagot niya. Para talagang bata.

"Kaibigan mo si Alyssa diba?" Tanong niya.

"Oo bakit yon?" Sagot ko. Tss naalala ko nanaman siya. Hanggang ngayon di pa rin alam kung bakit siya namatay.

"Nakita ko siya nung huling gabi bago siya namatay" sambit nito. Kinabahan ako bigla alam niya?

"Pero please, wag na wag mong sasabihin sa kahit na sino. Lalong lalo na sa mga kaibigan mo." Dagdag pa nito na mas ikinaba ko pa lalo.

"Oo promise. Please sabihin mo. Alam mo kung pano siya namatay?!" tanong ko sa kaniya. Medyo napalakas pa yata ng konti yung boses ko.

"Hindi yon aksidente or suicide. May pumatay sa kaniya" Bulong niyang sabi. Di ko namalayan bigla na lang tumulo yung luha ko.

"Anong nangyari sa kaniya? Sino pumatay sa kaniya?" Nanghihina kong sabi.

"Dalawa sila. Isang babae isang lalake" Sabi niya.

"Ayokong mag bintang pero nakita ko si Alyssa na kasama si Karen nung gabing namatay siya at dun din sa lugar kung saan nakita si Alyssa. Pero hindi ko nakita yung lalake" dagdag pa nito.

"Imposibleng siya ang pumatay kasama ko siya nung gabing namatay si Alyssa. Nasa party kami. Pero." Natigil ako bigla kasi naalala kong umalis din pala agad si Karen nung gabing yon.

Umalis na ko bigla dahil naalala ko may klase pa pala ko. Iniwan ko na siya hindi na ko nag paalam. Si Karen kaya ang pumatay sa kaniya? Hindi eh. Bakit niya naman papatayin yung kaibigan namin. Hays.

"Ms. Santos!" Nilingon koo kung sino iyon.

"Sir Ramos? Goodmorning sir, bakit po?" Si sir Anthony Ramos lang pala. Principal namin.

"Since ikaw ang pinaka maganda sa section niyo at ikaw ang muse may ibibigay akong ibibigay na project sa inyo. Kayo ang representative ng school natin." Sabi niya ng walang pag aalinlangan na hindi ako papayag dahil scholar ako ng school at siya ang nag bibigay sakin ng allowance.

"Kami? Sino pa po kasama ko? Ano pong gagawin?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Anton ng section 2. Hindi kasi kayo bagay ng escort mo sa room niyo kaya siya ang napili kong ipartner sayo since escort din siya ng section 2. Okay lang ba sayo?" malumanay niyang sagot na sinasabi niyang mag oo ako.

"Syempre naman po sir. Kahit ano po kakayanin ko" magalang kong sabi. Escort pala yun. Yung mokong na yon. Wahahahahaha. Hindi naman ako makatanggi kay sir.

"Sasayaw lang naman kayo. No worries may mag tuturo na ng sayaw sa inyo. Pumunta kayo mamayang hapon dito mga 1. Inexcuse ko na kayo sa mga teachers nyo" Sagot niya. Sabay ngiti sakin.

"Sige po sir" Nginitian ko rin siya at umalis na ako. Patungong silid.

Pagkadating ko ng silid ay dumating na rin ang amin si Mam Tsu. Teacher namin ng Science. Pagtapos mahaba habang letchur ay agad din itong natapos.

"Alam mo na ba yung tungkol sa camping sa susunod na sabado?" Biglang may nag salita sa likod ko. Jusko si Kristine lang pala. Nagulat pa ko.

"Bes wag ka nga bigla biglang nag sasalita. Nagugulat ako eh. Alam ko na.." napahinto ako. Naalala ko yung sinabi ni Sir. Baka dun namin ipaplay ni Anton yun.

"May play pala kami ni Anton. Kasasabi lang sakin ni Sir Ramos. Pero di ko sure if dun namin gaganapin" dagdag ko sa kaniya.

"Anton? Yung gwapo sa section 2?" Natatawa niyang sabi na parang kinikilig.

"Gwapo ba yun?" Tanong ko. Hahaha naasar siya bigla.

"Bes bagay kayo!" Pang aasar niya sakin.

"duh?! -,- mamili ka naman bes" sabay irap ko sa kaniya.

"Ehem!" May ibang taong nag salita. Nilingon ko.

"Speaking!" Eka ni Kristine.

"Anton?" Napatingin ako sa kaniya. Nagulat pa ko nasa likod ko lang pala.

"Kanina ka pa dyan?" Dagdag ko.

"Oo. Narinig ko nga mga pinag sasasabi mo eh. Anong duh ka dyan" Tinaasan niya ko ng kilay.

"Wala yun. Namali ka lang ng rinig. Bat ka andito?" tanong ko sa kaniya.

"Sasabayan kitang mag lunch" eka ni Anton.

"Wait wait alis na din ako. Maiwan ko na kayo dyan. Maglulunch na din ako with Sam mah baby" sabi ni Kristine sabay alis. Naiwan kaming dalawa ni Anton dito sa room dahil kumain din yung ibang mga kaklase ko.

"Tara na kung sasabay kang kumain sakin" sambit ko sa kaniya.

At pumunta na nga kami sa madalas kong pag kainan tuwing tanghali.

"Puno ng tao. wala ng bakante?" Tanong ko.

"Wala na daw. Tara Mcdo na lang tayo! Libre ko" Sabi niya sabay hila ng kamay ko. Walking distance lang naman Mcdo dito eh. Kaya okay na rin. Tsaka libre niya naman daw. HAHAHAHA.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now