CP Fifteen: -__-

51 23 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero parang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko si Anton. Hays -_- ano ba yan Alpha. Gumising ka nga.

"Huy? Kanina kapa tulala dyan!" May nag salita sa gilid ko. Di naman ako nakatulog pero parang naalimpungatan ako HAHAHA.

"Ah?" maikli kong sagot. Mukha talaga akong sabog.

"Siguro iniisip mo yung kanina no? HAHAHAHA Kinikilig siya ay!" Pang aasar niya nanaman sakin. Jusko naman -_- hindi pa pala siya tapos sa pang aasar.

"Hindi no!! Mahiya ka nga sa pinag sasasabi mo!" Sigaw ko sa kaniya tapos sabay talikod.

"Uwi kana. Hatid na kita" sabi niya sabay pinaandar niya yung kotse niya.

"Wag please. Wag muna sa bahay. Ayokong umuwi" bulong ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Nandun si Karen at Mika. Nag bibintangan sila kung sino ang pumatay. Naguguluhan ako. Sabi ni  Karen patay na daw si James. Tapos si Mika raw ang talagang pumatay ang gulo hindi ko maintindihan. Ayoko munang umuwi" bulong ko nararamdaman ko nanamang biglang may tumutulong luha ko.

"Andon si Karen? Wala na si James?" Tanong niya na pabulong din na parang naguguluhan.

"Hindi ko alam magulo" sabi ko sa kaniya habang pinupunasan yung luha ko.

"Sige sa bahay na lang muna tayo. Mag pahinga ka muna then tatawagan ko nalang sila Justin sa nangyari" sabi niya.

Habang papunta kami sa kanila medyo malayo pa kasi sa kanila. Naiisip ko pa rin mga nangyari kagabi. Hindi ko pa nalalaman kung sino ang pumatay. Di naman siguro magagawa ng kambal ko yun. Kahit si Karen imposible kasi mag kakaibigan kami. Haaaays.

"Uy gising kana?" Biglang may nagsalita sa gilid ko. Si Anton pala. Nilingon ko yung paligid. Tapos tiningnan ko si Anton.

"Nakatulog ako? Eh? HAHAHA Parang kanina lang kausap ko pa yung bintana ng kotse mo ha?" Sabi ko sabay tawa. Hahahaha ano ba yan nakatulog pala ko.

"Oo nga eh. Ang dami ko ngang kwinento pag tingin ko sayo tulog ka na pala" sabi niya sa parang ewan.

"Tapos alam mo? Nag lakad ka ng tulog papunta dyan sa hinihigaan mo" sabi niya sabay tumawa nanaman.

Tinignan ko siya ng masama. Tapos bigla siyang tumahimik pero pinipigilan niya yung tawa niya mukha talaga siyang ewan.

"De, binuhat kita. Ang bigat mo nga eh" dagdag niya pa. Ano ba yaaaan!! -___- kinuha ko yung unan tapos binato ko sa kaniya lahat.

Binato niya rin abnormal binalik niya sakin hahahahaha.

"Alam mo ba kung ilang minuto kang nakatulog?" Tanong niya sakin.

Inirapan ko lang tapos hinanap ko yung cellphone ko. Nasa gilid ko lang pala. pag tingin ko... watta?! 3pm na?! Juskoooo! 5am lang kaninaaa!

Tiningnan ko si Anton pinipigilan niya nanaman yung tawa niya. Haaaaays!! Kakainis!

"Gutom ka na no? May foods sa kusina halika na" sabi niya na hanggang ngayon tinatawanan parin ako.

"Ayokong kumain!" Sigaw ko sa kaniya tapos humiga ulit ako.

"Kaarte bahala ka dyan masarap pa naman yun"

di ko pinansin niyakap ko yung unan na malambot. Tapos narinig ko biglang sumarado pintuan. Tingnan ko wala siya. Abay hayup na yon hindi ako pinilit kumain -___- hays. Inayakap ko ulit unan pinikit ko mata ko baka sakaling makatulog ulit.

"Oh kumain kana madam" narinig ko bumukas pinto tas nagsalita siya. Kaya napatingin ako. Nakita ko siya may hawak hawak na tray na may ulam kanin at maiinom. HAHAHAHAHA.

Napaupo ako . Tapos inilagay nya yung tray sa harap ko.

"Waaaaaaw!! 😍😍💜💜" ang bango ng luto niya. Chicken Curry pa paborito ko 😍 nakakatakam!

"Kain ka na madam. Kung may kailangan ka pa sabihin mo lang sakin" sabi niya. Tiningnan ko siya tapos inirapan ko. Hahahahaha. Ang kapal ng mukha. Pero ang sweet niya juskoo. HAHA.

"Sige" yun lang sinabii ko hahaha ang kapal talaga ng mukha ko.

Kaya kinain ko na yung hinanda niya. Ang sarap sobra. Sya ba nag luto neto? Parang hindi naman HAHA. Ang sarap talaga. Nalingat yung tingin ko sa kaniya. Nakita ko nakatingin pala siya sakin. Tapos bigla niyang iniwas yung tingin niya tas pinipigilan nanaman yung tawa niya.

"Labas ka dun. Di ako makapag concentrate. Di mo ba alam tiniis ko lang luto mo kasi gutom ako" sabi ko sa kaniya.

Tumawa sya tapos bumulong..

"Talaga lang ha? Mukha nga" sabay alis. Hahahahaha. Mukha siyang ewan. Pero ang sarap talaga niloloko ko lang sya. Haha.

Pag kataposs kong kumain ay inilabas ko na yung mga pinagkainan ko sa kusina para hugasan. Sobrang kapal naman na ng mukha ko kung di ko pa huhugasan.

"Anong ginagawa mo?" Biglang nagsalita si Anton sa likod ko. Nagulat pa ko -__-

"wag ka bigla biglang nagsasalita! Mag huhugas ng pinag kainan ko" sabi ko.

"Wag na ako na dyan" sabi niya tapos lumapit sakin hinawakan yung kamay ko tapos hinugasan nya kasi puro sabon na.

"Ako na nakakahiya naman" sabi ko.

"Bahay namin to kaya ako na. Alangan namang ipapahugas ko pa sayo? Diba?" Sabi niya. Tapos inusog niya ko para siya na yung nakatapat sa lababo at siya na yung nag hugas.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now