CP Eight: Who are you?

54 37 6
                                    

Nakatapos kami sa base 3, base 4 at base 5. Papunta kami ngayon sa base 6 narinig namin sa isang student na base 6 ang isa sa pinakamahirap dahil may aakyatin sa puno at talagang nakakatakot ang daan dahil sa likod ito ng lumang building. Kaya mas lalo akong kinabahan.

"Aray!" Sht. ano ba yan. napatid pako katanga ko talaga. Hindi ako gaanong napababa dahil nakakapit ako kay Anton. pero tumama yung hita ko sa malaking bato. Sakit tss.

"May sugat ka" eka ni Anton. Kinuha niya yung First Aid kit niya tapos ginamot yung sugat ko. Pero di parin ako makalakad.

"Kapit ka sa likod ko. Isalabay na lang kita" dagdag nya. ikinapit niya yung kamay ko sa likod nya para masalabay nya ko. Hanggang sa susunod naming base.

"Guys! Nasan si Mika?" Tanong ni Kristine.

"Guys naiihi ako. Leanne samahan mo ko" Aya ni Karen.

"Wag kayong mag hiwa hiwalay at umalis na kayo dito!" biglang may nagsalita sa gilid. Isang matandang babae. Nakakatakot.

"Karen, Leanne mag sabi muna kayo sa facilitator bago kayo umalis. Masyado na tayong malayo sa kanila dahil dulo yata to ng school. Nasan na ba si Mika?" Tanong ni Anton.

"aaaaaaahhhhhh!!!" biglang sumigaw si Jamie.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni James.

Tinuro ni Jamie yung puno. Parang may nakasabit.

"Kristine?" bulong ko. biglang tumulo yung luha ko. Buhok at likod pa lang alam ko ng siya yun.

"Alpha tulungan nyo ko" narinig kong may bumulong sakin pero di ko alam kung sino yun.

"Anong nangyari?! Tumawag kayo ng facilitator!" Sigaw ni Anton. Nilapitan namin si Kristine. Umakyat sya ng puno para tanggalin yung pag kakatali.

"Kristineeeeee! Sinong gumawa neto sayo?! Papatayin ko!" Kanina pa sigaw ng sigaw si Sam. Umakyat din sya para tulungan si Anton.

"Tumawag kayo ng facilitator kami ng bahala nila Justin dito" sambit ni James. Nakikita ko sa kanila yung kaba at lungkot. Habang kami ni Jamie tumakbo na kahit medyo masakit pa yung paa ko papuntang gym ng school kung saan andon sila Mam.

Nakasalubong naming tumatakbo din si Karen umiiyak.

"Bes! Si Leanne! Wala na siyaaa" sambit ni Karen na mas ikinagalit ko.

"Nasan siya?! Pati sya?!" sigaw ni Jamie.

"Anong pati sya?" Tanong ni Karen.

"Waa wala na rin s si Kristine" Sagot ni Jamie na hindi gaanong makapagsalita.

Anong nangyayari? Hays ang hirap huminga. Umaatake nanaman yung sakit ko. Bat ngayon pa? tss.

*****
"Mag pahinga ka muna. Nag collapse ka kanina" narinig kong may nag salita sa gilid ko.

"Anton?" Bulong ko nang makita ko siya.

"Nasan tayo?" Tanong ko pa.

"Nasa room, andito parin tayo sa Christian Academy" sagot niya.

"Kailangan kong puntahan si Kristine. Humihingi siya ng tuloooong!" Sigaw ko. Habang paalis sa kinahihigaan ko. Naaalala ko nanaman yung nangyari sa kaniya.

Pinipigilan akong umalis ni Anton. Niyakap niya ko. Naiiyak nanaman ako. Hindi ko man lang siya natulungan. Kailangan niya koooo.

"Wag ka ng umiyak. Andon sila Karen. Mag pahinga ka muna. Ano ba kasi nangyari? Bat nag collapse ka? May sakit ka ba?" tanong niya sakin.

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now