"Anton?" Bulong ko.
Wala akong makita. Ang dilim. Nasan na ba si Anton?
"Alpha!!" Narinig kong sigaw niya mula sa malayo dahil sa hina hindi ko narinig kung saan banda.
"Anton nasan ka?!" sigaw ko. Kinakapa kapa ko yung gilid ko medyo memorize ko yung daan dahil bahay naman namin to. Alam ko nasa kusina ako.
"Alpha!" Narinig ko ulit sigaw niya palagay ko nasa kwarto siya. Kinapa ko ulit hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Karen. Pag bukyas ko ng pinto ang dilim pa rin.
"Nasan ka?!" Sigaw ko.
Lumabas ako lumipat ako sa kabilang kwarto. Sa kwarto ko. Pag bukas ko ng pinto nakita ko siya may ilaw flashlight pero nakatutok lang sa kaniya.
Nakaupo siya sa parang machine. Naka lock yung dalawang kamay niya sa upuan .
"Sino may gawa sayo neto?" tanong ko.
"Hindi ko alam pag patay ng ilaw naramdaman ko nalang na biglang nandito na ko" sagot niya.
"Nasan yung susi?" Tanong ko.
"Alpha.." bulong niya.
"Wait lang tignan ko lang tong paa mo baka sakaling nandito yung lock" sabi ko habang hinahanap yung susi.
"Alpha may tao sa likod mo" bulong niya. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Unti unti akong lumingon sa likod ko.
Nakita ko siya. Nakakatakot yung mukha niya. Sunog yung buong katawan niya. Wala yung isang mata tapos puti yung isa. Nakakatakot. Unti unti siyang lumapit samin .
"Anton natatakot ako" tumingin ako sa kaniya tapos tinalikuran ko yung babae. Nanghihina ako. Ayoko siyang makita.
"Anong kailangan mo?!" sigaw ni Anton.
"Ikaw ba may gawa nito sakin?! Paalisin mo ko dito!" dagdag niya pa.
Tiningnan ko yung babae mas lumapit pa siya samin mas nakakakot dahil nakita ko may tahi yung bibig niya. May iniabot siyang parang papel. Kinuha ko dahan dahan tapos umalis na siya.
Tiningnan ko may linyang pula at linyang asul. Naalala ko yung nakita ni Anton kanina. Kinuha ko tapos pinag dikit ko. Ano to? Pano?
"Hindi kaya lugar yan?" tanong ni Anton.
"Feeling ko nga din eh" sabi ko.
"Pero kailangan mo munang makaalis dito" dagdag ko.
*blagsh!*
Nagtinginan kami ni Anton sa kung anong bumagsak sa gilid. Hiniram ko yung cellphone sa gilid ng bulsa niya kinuha ko. Flinashlightan ko. Tas unti unti kong nilapitan.
May nakita nanaman akong papel. May linyang pula at at berde. Ano ba ibig sabihin nito?
"Alpha try mo yung susi na yun" sabi ni Anton tapos tiningnan ko yung tinitignan niya.
Kinuha ko yung susi may nakalagay na "10" sa itaas ng susi. trinay ko sa kamay ni Anton kaso ayaw. Trinay ko sa lahat nag sakto sa paa ni Anton. Kaya nakaalis siya.
Tatlong papel na ang nakikita namin na may mga linya. Pero di parin namin malaman kung pano to. Sa bawat linya may makapal may manipis.
"Sa dalawang kamay ko na lang tsaka sa mukha" Sambit ni Anton.
May biglang umilaw kulay pula sa bandang dulo ang dilim tanging ang flashlight lang na nakatutok kay Anton at yung cellphone niya ang ilaw. Inilawan ko. Parang bomba na may timer na kulay pula.
"5:00.. 4:59.. 4:58.." Shiiiit!
"Umalis kana!" Sigaw sakin ni Anton.
"Hindi! Hahanapin ko yung susi wait lang!" Sabii ko habang hinahanap yung susi.
Dalawa pang susi ang kailangan ko sa kanang kamay at kaliwang kamay. Yung sa ulo niya code ang inilalagay hays. Pano na to?
"Mapapahamak ka lang" Sabi niya sakin.
"Eto nakita ko na! Yung dalawang susi" sabi ko habang ikinakabit sa kamay niya. May nakalagay na "08" at "012" sa kanan.
Sa ulo na lang. Tiningnan ko yung timer...
"1:43.. 1:42.. 1:41.." Shit. Anong code neto?!
Seven na numbers?
"Baka yan yung code ng bawat number sa mga susi" sabi ni Anton.
Trinay ko
"1008012"
Ayaw mag open! Fck! Nagtry ako ng ilan pero ayaw parin!
Tingnan ko ulit yung timer..
"39.. 38.. 37.."
"Umalis kana!" Sabi ni Anton sakin.
Teka naalala ko may isa pang code. Nasan na ba yun?
"Nasan yung tela na nakita mo kanina?!" Tanong ko kay Anton.
"14.. 13.. 12.."
"Eto" inabot ni Anton yung tela.
"6444552"
"Shit! Nag open!" Napasigaw pako nakita ko yung timer habang tinatanggal yung nakakabit sa ulo niya..
"8.. 7.. 6"
"Halika na!!" Sabay hila ko kay Anton. Tas nag bukas yung mga ilaw. Nag liwanag yung paligid. Huminto yung timer.
"Sandali lang" sabi niya tapos huminto siya sa paglalakad.
"Yung babae kanina" bulong niya. Tapos may tinuro siya. Tinignan ko yung tinuturo niya. Yung babae unti unting lumalapit. May inaabot.
Kinuha naman agad to ni Anton. Isa ulit papel may linyang asul at pula. Tinignan niya ko tapos umalis na yung babae.
*****
YOU ARE READING
I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101
HorrorIf you want to be feel inlove, and scare. Read this story. Story about family, friends and someone important. Who will be killed and Who is the killer. Everybody should know at the same time how they can survived. FACE YOUR FEAR! ~Amnotquinlex. PUBL...