CP Seven: Wanna Play?

75 37 9
                                    

[Alpha's POV]

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami agad kay Sir sa kaniyang office. Gaya nga ng sinabi niya nilibre niya nga ako. HAHAHA. Yayamanin!

"Andyan na pala kayo" biglang salita ni Sir sa likod namin. Nagulat pa ko.

"Good afternoon sir" bati ni Anton kay sir.

"Hello sir. Sino po yung mag tuturo samin?" Tanong ko.

"There is she! Si Ms. Ellaine" sabi ni sir, at umalis na din agad tong si sir.

"Ellaine?" Bulong ni Anton. Sabay naman kaming nagtinginan sa likod dahil may nagsalita mula roon.

"Ow! Hi Anton!" Bati ni Ellaine kay Anton.

"Mag kakilala kayo?" Tanong ko.

"Yes" sagot ni Ellaine sabay ngiting parang plastik sakin.

"Ikaw mag tuturo ng step samin?" Tanong ni Anton.

"Yes and yes. Ayaw mo ba? Di mo ba ko namiss?" eka ni Ellaine.

Hindi na lang pinansin ni Anton at tumingin sakin na parang sinasabi niyang wag ko na lang ding pansinin. Enebe. Iniirapan ako ni Ellaine kanina pa. Problema nun? Duh! -,-

Habang nag tuturo siya ng sayaw ay iniirapan niya ko. Ang hirap ng step, and ako yung kapartner ni Anton pero mas feel na feel niya pang siya yung kapartner. May something ba sa kanilang dalawa? Baka mag jowa sila? Hays.

"Alpha ikaw naman dito" sabi ni Anton.

"Hindi niya pa alam" sagot agad ni Ellaine.

"Talagang hindi niya malalaman kung ikaw ang gumagawa imbis na siya. Taga turo ka lang ms. Ellaine" Eka ni Anton.

Inirapan nanaman ako ni Ellaine medyo napahiya kasi siya. Hahaha okay lang yun. Totoo naman yung sinasabi ni Anton.

Matapos ang pagkahaba habang turo na di maintindihan ay sa wakas natapos na din. Anong oras na din pala mag aala sais na. Hays.

"Hatid na kita" eka ni Anton habang inaayos niya yung mga gamit niya.

"Wag na malapit lang naman sakayan" sabi ko sa kaniya.

"Halika na mamaya kung mapano ka pa dyan sa labas madilim na din oh" aya niya ulit sakin.

"Ayaw niya nga wag mo ng pilitin" Biglang sabat ni Ellaine. Andyan pa pala siya sa likod namin.

"Hindi. Halika na Alpha" sabay hila sa kamay ko. At sumunod na din ako papuntang kotse niya. Oo nga buti hahatid niya ko. Mamaya pag diskitahan pa ko ni Ellaine. Jusko mukhang malaki galit sakin.

"Sorry sa kanina sa inasal niya" biglang nag salita si Anton.

"Ah ok lang yun. May past ba kayo?" Tanong ko. Medyo awkward kasi bigla siyang tumahimik.

"Sorry mali ata natanong ko. Wag mo na lang sagutin sorry" dagdag ko.

"Wala. Hindi niya lang matanggap na ayoko sa kaniya noon pa lang. Halos siya mismo nanliligaw sakin. Pero ayoko talaga sa kaniya." Kwento niya. Wooooow! Babae talaga nanliligaw? Ang gwapo niya ha.

"Gwapo mo ha?" sabay irap ko sa kaniya.

"Hindi kasi ganon yung tipo ko" sagot niya.

Di ko na lang pinansin. Malapit naman na ako sa bahay eh.

*****
QuinLex: Wanna Play? Lets fast forward our game :)

*****
[Alpha's POV]

"Ngayon ay nandito tayo sa Christian Academy. Mamayang gabi ay mayroon tayong mga activity. Ibaba muna ang mga gamit, hanapin ninyo ang inyong mga pangalan sa nakapaskil sa labas ng mga room" sambit ni Mam Gonzales. Andito rin kasi yung mga teacher namin nag fafacilitate sila.

"Alpha dito tayo. Nandito yung pangalan mo" eka sakin ni kristine.

Mag kakasama kami nila Kristine, Jamie, Karen, Leanne kasi mag kakaklase rin naman kami.

"Guys! May ipapakilala ako sa inyo. New student of San Sebastian University. She is Aliyah Mika Sandoval" sabi ni Mam Gonzales.

"Mika?" Bulong ko.

Nag tinginan kami ni Karen. Sila Leanne naman ay pinuntahan agad si Mika.

Medyo pagabi na din pala. Nag ayos na kami ng gamit sa kwarto. Nag kekwentuhan sila habang ako nag iisip pa rin tungkol sa nangyari kay Alyssa at Angelica. Maya maya ay nag tatawag na si Mam Gonzales sa labas. Kami naman ay agad na ding lumabas.

"Mag iingat ka" may bumulong sakin. Nilingon ko. Walang tao si Karen lang pero medyo malayo sakin. Hindi ako komportable dito biglang tumaas balahibo ko sa kamay. Parang may mali.

"Alpha halika mag kakateam tayo nila Karen" narinig kong may nag salita sa labas ng room. Si Anton pala.

"Tara na. Karen! Tara na!" Aya nya rin kay Karen.

"Uy Alpha mabait pala yun si Anton. Teka? Pano niya ko nakilala?" Tanong ni Karen sakin.

"Ewan ko. Tanong mo sa kaniya" Sagot ko.

Lumabas na kami sa kwarto kasama sila Leanne pero nagkahiwa hiwalay kami dahil mag ibang team kami.

Ako, si Karen, si James, si Anton kaming apat ang mag kateam. Nirequest daw ni Anton na kaming apat na lang ang magkakasama.

"Guys ang mechanics ng game natin ngayon ay mayroon tayong 20 base. Then kada group ay pupunta sa ibibigay naming base hindi na kayo mahihirapang mag hanap ng base na pupuntahan dahil idadala kayo doon ng mga facilitators. Bawat base may activity kayong gagawin at sila na din ang mag tuturo ng gagawin nyo don. Pag may hindi kayo naintindihan pwede kayong mag tanong sa mga facilitators. Okay guys?" Sabi ni sir Ramos. Siya kasi ang nag papagames samin.

"Kagroup nyo na lang din sila Leanne. Tutal mag kakaibigan naman kayo sobra kasi ng isang group then kayo lang ang kakaunti kaya one group nalang kayo" sabi ni mam Gonzales.

Ako, Karen, James, Anton, Leanne, Jamie, Mika, Kristine, si Sam boyfriend ni Kristine, at si Justin. Kami ang magkakasama sa grupo. Magkakatropa si James si Anton si Justin at Sam kaya nag sakto dahil tropa din kami nila Karen.

"Guys walang mag hihiwalay ha?" Eka ni Anton.

"Dun kayo mag start sa base 3 sa likod ng building na to" Sabi ni Mam Gonzales.

"Mam wag niyo na po kaming ihatid kami nalang po pupunta don" sabi ni Leanne. Katapang naman nun. Nakakatakot kaya sobrang dilim.

Habang naglalakad kami dadalawa lang ang dala naming flashlight kaya nagtabi tabi kami. Nanginginig yung kamay ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ako komportable sa school nato pagpasok ko palang.

"Kinakabahan ako. Sobrang dilim" bulong ko.

Biglang hinawakan ni Anton yung kamay ko. Sabay tumingin siya sakin.

"Wag kang kabahan. Kumapit ka lang sa kamay ko. Andito lang ako." Bulong niya sakin. Narinig niya pala yung sinabi ko. Medyo nawala yung kaba ko nung sinabi niya yun. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now