CP Eleven: MIKA, DON'T!

57 32 1
                                    

"Alpha" narinig kong may bumubulong sakin. Nilingon ko.

Walang tao. Nasan sila Anton? Sila Mika? Bumangon ako para hanapin kung asan sila.

"Alpha" sht may bumulong ulit. Nilingon ko wala nanaman.

"Mika! Anton!" Sumigaw ako. Pero wala sila. Ang gulo ng bahay. Nagkalat lahat ng gamit. May nakita akong parang note sa ref kaya nilapitan ko.

From Alyssa,

Bes wag!

Pag lingon ko sa likod. Sht! Nabitawan ko yung sulat. Puro dugo yung pader. Lahat pati sahig. May nakasulat sa itaas gamit yung dugo.

"Be with us"

Patay bukas yung ilaw. Gumagalaw yung mga lamesa. Pati litrato ko, namin ni mika nabasag.

"Ayoko na!" Sigaw ko. Nanghihina na ko. Ayoko ng ganito!

"Please tama na!" Sigaw kopa ulit hanggang sa mapaupo nako.

"Alpha" Narinig kong may nagsalita sa gilid ko.

"Ayoko na please tumigil kana" sabi ko. Habang hawak ko yung tenga ko. Ayokong makarinig ng kahit ano.

"Alpha ako to. Anong nangyayari sayo?" Narinig ko boses ni Anton. Lumingon ako.

"Anton?" Bulong ko. Nilingon ko yung paligid. Ang ayos parang walang nangyari. Niyakap ko siya. Natatakot ako.

"Wag kang matakot andito na ko" bulong niya.

"Nasan si mika?" Tanong ko.

"Nasa kwarto niya" sabi ni Anton.

Pinuntahan ko agad si Mika sa kwarto para kamustahin.

"Kambal?" Bulong ko.

"Kambal pasok ka" sabi niya.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo ayos na salamat sa inyo" sabi niya sabay ngumiti.

"Sinong may gawa neto sayo?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Pumunta ako sa room nung time na nag gagames tayo para kunin kopa yung isang flashlight kaso namatay yung ilaw. Narinig kong may pumasok pero diko kilala kung sino. Naramdaman kong may sumuntok sa tyan ko. At tinulak niya ko. Nauntog ako sa pader tapos di ko na alam kung ano ng nangyari. Nagising ako nakatali na ko at nakapiring sa mata kaya diko makita. Walang hiya siya nararamdaman kong may humihiwa sa baso ko. Sigaw nako ng sigaw nag mamakaawa nako pero hindi sya tumigil. Pinag susuntok niya ko. Sinampal ng ilang beses. Wala syang awa" kwento ni Mika.

Mas lalo akong naiinis sa gumawa neto. Dapat mapakulong ko sino man siya. Wala siyang puso.

"Sorry. Hindi man lang kita napagtanggol samantalang ikaw nung mga bata pa tayo lahat ng umaaway sakin inaaway mo rin. Walang dapat manakit sakin dahil lagot sila sayo. Tapos ako ni hindi man lang kita kayang ipagtanggol" sabi ko sa kaniya. Naiiyak nanaman ako hays.

"Napakaiyakin mo talaga. Tama na nga yan. Okay lang ako. Basta tandaan mo lagi kitang poprotektahan" bulong niya sakin.

Niyakap ko ulit siya. Pagkayakap ko ay may nakita akong phone. Kinuha ko tas binuksan. Nakita ko yung picture ni James.

"Kay James ba to? Bat nasayo to?" Tanong ko. Ang tagal bago niya sagutin.

"Alpha! Mika! Breakfast is ready" Narinig kong sigaw ni Jamie kaya napatingin ako kung san ko banda narinig, at binalik ko rin yung tingin ko kay Mika.

"Mika?" Bulong ko. Nakita ko siya may hawak na kutsilyo. Nakatingin sakin ng masama. Nakakatakottt.

"Mika araaaaay nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kaniya. Habang nararamdaman kong sinasakal niya ko. unti unting humihigpit yung hawak niya sa leeg ko.

"Ka..kam bal please a a..ko to" pinipilit kong magsalita. Baka sakaling marinig niya ko. Ang higpit. Hindi ako makahinga. Nanghihina nako. Parang hindi siya yung kambal ko.

"Susunod kana" narinig kong sabi niya.

"Mika! Wag mong gawin yan sa kambal mo!" Narinig kong sabi nii Jamie. Binuksan niya yung pinto.

Pinipigilan ni Jamie si Mika pero mas lalong humihigpitt yung kapit niya sa leeg ko. Ang sakit. Di nako makapagsalita.

*****
"Wag mong lalapitan si Alpha!" Narinig kong nag salita si Anton. Ang sakit ng leeg ko kinapa ko habang unti unting tumingin kay Mika.

"Kambal. Sorry na. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Hindi ako yun. Parang may ibang kumokontrol sakin. Alam mo namang hindi ko magagawa yun sayo diba?" Sabi niya habang papalapit sakin pero pinipigilan nila Anton.

"Muntik mo na siyang patayin!" Sigaw ni Jamie.

"Mika" bulong ko.

"Kambal ko..." sabi niya habang nag mamakaawang lumapit siya sakin.

"Halika" sabi ko sa kaniya habang iniabot yung kamay ko sa kaniya.

"Alpha.." bulong ni Anton.

"Okay lang. Okay na ko" bulong ko.

At pinalapit na nila Anton sakin si Mika. Niyakap niya ko.

"Sorry na. Hindi ko talaga alam nangyayari nun. Parang may ibang kumokontrol sakin" sabi ni Mika, naramdaman kong tumutulo yung luha niya.

"Okay lang. Wag kana umiyak. Okay lang ako" bulong ko sa kaniya.

May naaninag ako sa salamin ng bintana ko. Nilingon ko. May nakatayong babae. Nakatingin sakin.

"Alyssa?" bulong ko. Nakakatakot. Kitang kita ko parin yung pagkamatay niya. Wala siyang isang mata. Tapos puti yung kabila niyang mata.

"huh?" Sabi ni Mika. Pagka tingin ko ulit sa bintana. Nawala na siya.

Lagi na siyang nag papakita sakin. Hindi kaya siya yung pumapatay? Baka ako yung isusunod niya. Wala naman akong kasalanan sa kaniya ah.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now