-----------Amnotquinlex-------------
"Hindi ako aalis hanggat wala si Mika" bulong ko sa kanila. Na sila namang nagtinginan sakin.
"Baka naman umuwi na si Mika" sabi ni Anton.
"Nararamdaman kong nandito pa siya" bulong ko ulit.
"Huh?" Nagtatakang ni James.
"Kung nandito siya bakit hindi siya mag pakita? Magtext o tumawag man lang satin? Pinag tataguan nya ba tayo?" Dagdag pa nito.
"Tsaka pano kang nakakasigurado na nandito pa siya?" Tanong ni Anton.
"Dahil mag kambal kami" sagot ko.
Tiningnan nila akong lahat. Alam ng mga kaibigan kong babae na kambal kami pero sila lang. Ayokong ilabas sa iba.
"Alpha" bulong ni Karen sakin.
"Kambal? Eh bakit Sandoval ang apilyedo niya?" Nagtatakang tanong ni Anton sakin.
"Teka. Alpha Mira Sandoval?" Bulong ni Anton.
"Pinaghiwalay kasi kaming dalawa. Yung Santos na apilyedo ko kay mama yon. Yung Sandoval kay papa. Sobrang close kami dati halos hindi mapaghiwalay. Hanggang sa dumating nga yung araw na naghiwalay si mama at papa" kwento ko sa kanila.
"Pero nag kagalit kami noon. Dahil iisang lalaki yung nagugustuhan namin. At mas lalo siyang nagalit sakin dahil yung lalaking yon. Ako yung gusto hindi siya" kwento ko pa ulit.
"Nasan na yung lalaki?" Tanong sakin ni Anton.
"Hindi ko alam. Bigla na lang siyang hindi nag pakita sakin. Nawalan na ko ng balita tungkol sa kaniya" sagot ko.
"Mahal mo pa ba?" Tanong niya ulit sakin.
"Oo. After 9 years patuloy ko parin siyang hinahanap hanggang ngayon. May ibinigay nga siyang sing sing sakin eh. Parehas kami" Sagot ko ulit sa kaniya. Pinakita ko yung singsing na nasa daliri ko.
"Eto yun" saka ko iniabot kay Anton.
FLASHBACK *****
"Alpha may ibibigay ako sayo" sabi sakin ni arron.
"Ano yun?" Tanong ko.
Iniabot niya sakin yung sing sing. At lumuhod siya.
"Will you marry me?" Tanong niya.
"Ano ka ba kabata pa natin no." Sagot ko.
"Edi pag laki natin saka tayo mag papakasal" sabi niya.
"Di mo pa sinasagot yung tanong ko. ayaw mo ba?" Malungkot niyang tanong.
"Tanungin mo ko ulit" pang aasar ko sa kaniya.
"Will you marry me?" Tanong nya naman ulit.
"Oo naman siyempre" Sagot ko.
At inilagay nya sa daliri ko. Pinakita niya sakin na mayroon din siya. Couple pala yung ring.
"Wag kang mag alala. Papakasalan kita pag dating ng araw. At sabay nating tutuparin mga pangarap natin" sabi niya.
END FLASHBACK*****
Tiningnan niya ko mabuti. Ibinalik sakin ni Anton yung sing sing. at umalis bigla.
"Anyari dun?" Tanong ni Karen.
"Baka nag selos" pang aasar ni Jamie.
Tumakbo ako papunta kay Anton. Sinundan ko siya. Nakita ko siya sa park. At lumapit ako.
YOU ARE READING
I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101
HorrorIf you want to be feel inlove, and scare. Read this story. Story about family, friends and someone important. Who will be killed and Who is the killer. Everybody should know at the same time how they can survived. FACE YOUR FEAR! ~Amnotquinlex. PUBL...