"Tinawagan mo na ba sila Jamie?" Tanong ko.
"Oo sabi ni Justin pupuntahan niya raw si Jamie" sagot ni Anton.
Ayoko munang makigulo sa kanila. Dami kong inaalala. Tapos ilang araw na kaming hindi nakakapasok. Wala pang balita kila Kristine at Leanne. Ano ba yan? -_-
*Pst! You have one message*
"From unknown number:
Be with us!"
Be with us? Parang nakita ko na noon to. Ano bang ibig sabihin nito? Nireplyan ko..
"Excuse me? Who's this?"
Napatingin ako kay Anton. At nakita kong nakatingin siya sa cellphone ko pero di niya mababasa kasi nasa harapan ko siya.
"Sino yung nagtext?" Tanong niya.
"Wala kaklase ko. Nangangamusta lang" sagot ko.
"lalaki?" tanong niya tapos tumaas yung isang kilay niya.
"Bakit? Nag seselos ka?" Pang aasar ko sa kaniya.
"Iw. Kadiri ka. Hindi no" Sagot niya tapos inirapan niya ko.
"Manliligaw ko yun. Nagtext. Sobrang gwapo niya nga eh" Sabi ko tapos ngumiti ako para kunwari kinikilig ako HAHAHAHA.
"Nagpapaligaw ka naman? Di ka mahal non di ka nga niya dinadalaw sa bahay nyo eh" sabi niya tapos tingnan ako ng masama.
"Kasi ayoko. Binigyan niya ako ng teddy bear human size unan na heart. Dozen roses. Chocolates tsaka lagi niya kong pinagluluto ng mga favorite foods ko. Mas masarap siya mag luto kesa sayo" pang aasar ko HAHA.
"MAS GWAPO NAMAN AKO!" Sigaw niya.
"Duh?! Mas gwapo yun. Matangkad. May abs. Matalino. Tsaka mabait yun! Ikaw kasi hindi. HAHAHA" Sabay tinawanan ko siya. Tapos binato niya ko ng unan.
"Aray ko! Tsaka siya hindi nananakit!" Dagdag ko pa. Sabay tinawanan ko nanaman haha.
"Hays edi mag sama kayo!" bulong niya sabay irap.
"Ano yun?" tanong ko kahit narinig ko yung bulong niya.
"Wala" sabi niya sabay umupo.
*Pst! You have one message*
"Uuuy! Nag text nanaman yung mahal ko!" Sabi ko medyo malakas para marinig niya talaga HAHAHAHA.
Tumingin siya sa cellphone pero iniwas niya rin agad. Pero diko pa tinitignan.
"SINO BA KASI YAN?!" Sigaw niya.
pag tingin ko sa cellphone ko...
"From 1234:
Ang iyong load ay expire na mag register ulit text 1234"
"Oh my gooood!! Nag text ulit siyaaaa kinikilig ako!" sigaw ko ulit para mas mainis siya.
Bigla niyang kinuha yung cellphone ko. Binasa niya sakto nakaharap sa nag expired na yung load ko tas tingnan niya ko ng masama.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Wala nakong ibang ginawa kundi tumawa HAHAHA Nauto ko siya!
Binigay niya ulit yung cellphone ko. Hahahahaha natatawa pa rin ako sa kaniya.
"Nag seselos ka nga HAHAHAHAHA Yiiiie selos siya!" Pang aasar ko sa kaniya.
*Someone's Calling*
Si Jamie tumatawag. Sinagot ko.
"Hello babe? Ay bes pala." Sabi ko. Tas tiningnan ako ni Anton.
Wala kong marinig na salita. Pero may naririnig akong kung ano sa kanila.
"Hello?" tanong ko ulit.
Hindi ko pa rin pinatay. Hello ako ng hello baka choopy lang or mahina signal.
"Tulungan mo ko" may biglang bumulong sa kabilang linya. Pero hindi ko malaman kung sino yung nag salita hindi ko alam kung kaninong boses yon pero alam ko hindi sa kanila.
"Hello? Sino to? Nasan kayo? Nasan si Jamie?!" tanong ko sa kung sino man yung nag salita.
Ilang sandali ay wala nanamang nag salita. Biglang nag end yung call. Kaya tinawagan ko ulit gamit yung cellphone ni Anton. Kaso hindi na niya sinasagot yung tawag.
"Anong nangyari?" Tanong ni Anton.
"May narinig akong nag salita pero hindi ko kilala yung boses babae tapos may naririnig akong umuugong na di ko alam" kwento ko sa kaniya.
"Try mo ulit tawagan isa pa" sabi niya.
Tinawagan ko ulit kaso ring lang ng ring. Naalala ko nakakaconnect yung phone ko sa location kaya mahahanap namin yung sim ni Jamie.
"Teka try ko iconnect sa location yung sim niya" sabi ko sa kaniya.
"Sige mag gagayak nako puntahan natin sila" sabi niya.
Nasa bahay sila? Nakita ko na yung location. Bat anong nangyayari sa bahay? Pagkatapos kong makita ay nag gayak na din ako.
"Nasan sila?" Tanong ni Anton.
"Sa bahay" sagot ko.
"tara na" aya ni Anton.
Nag madali na kaming pumunta sa bahay baka sakaling maabutan pa namin sila.
"Dito na tayo" bulong ni Anton. Pag tingin ko sa labas ng bahay yung mga gamit ko nasa labas na.
"Anong nangyari? Puro gamit mo to ah" tanong niya.
Bubuksan ko sana yung pinto kaso sarado nakalock kahit buksan ko ng susi.
"May iba pa bang daan?" tanong ni Anton.
"Dun sa likod" sagot ko. Pumunta kami ni Anton sa likod ng bahay. Bukas yung pinto.
Pag bukas ko ng pintuan. Wala ni isang tao. Pero ang gulo ng bahay.
"Nasan sila?" Tanong ni Anton.
"Di ko alam bat ganito dito?" tanong ko din. Malamang parehas naming hindi alam ang sagot kaya inikot namin dahan dahan yung loob ng bahay pati loob ng kwarto nilibot din namin.
"Alpha!" Tawag sakin ni Anton kaya lumabas ako sa kwarto.
"May nakasulat" sabi niya tapos inabot sakin yung note. Binasa ko.
"64 44 5 52"
Dugo yung pinang sulat sa tela. Halatang dugo kasi mahahalata kung dugo o food color lang. Tsaka medyo basa pa kaya nahawakan ko. Ibig sabihin ngayon lang to?
"San mo to nakuha?" Tanong ko.
"Sa ibabaw ng kama mo" sagot niya.
Tiningnan ko sa likod may nakalagay pa pero di ko masite kung ano yun. May linyang kulay pula. May linyang kulay green at may linya ring kulay blue. at may arrow sa gitna
"Wala na bang iba to?" Tanong to.
"Yan lang yung nakita ko eh" sagot niya.
"Tingnan ko ulit location kung nasan yung sim ni Jamie."
Kinuha ko cellphone ko para tignan kung asan na sila.
"Nandito pa rin yung phone ni Jamie" bulong ko.
Biglang nag sarado lahat ng pinto at bintana. Lahat din ng ilaw namatay. Sht.
*****
YOU ARE READING
I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101
HorrorIf you want to be feel inlove, and scare. Read this story. Story about family, friends and someone important. Who will be killed and Who is the killer. Everybody should know at the same time how they can survived. FACE YOUR FEAR! ~Amnotquinlex. PUBL...