chapter: 3 ( good bye )

19 8 0
                                        

Professor's POV

Pag dating palang ng apat na babae ramdam ko na ang kakaibang enerhiya, malakas iyu at napapalibutan sila ng maiitim na awra, dahil siguro sa mga napag daanan nila, habang nilalamon ako ng aking pag iisip bigla kong naala ang kakaibang enerhiyang nadama ko, kung hindi ako nag kakamali sila ang THE FOUR ELEMENTS OF LOVE?  Eh bakit sila nandito? Di' maiwasang mangamba nalalapit na nga! Hindi sila nararapat sa school na ito, mayroon mas nangangailangan sa kanila, denial ko ang head chairman namin para maipadala sila sa BD-Academy upang matulungan ang mga tao, mahigit 15 years na silang naka kulong at pilit na pinapaniwala ang sarili makakalabas na sila, at ang tanging pag-asa lang nila ay ang apat na babaing mayroong kakaibang lakas, subalit di' ko lubos matanggap na ang natatangi nilang pag-asa ay nilalamon ng kasamaan, hindi maari ito, kailangan kong mapatunayan na mayroon pa silang natitirang kabutihan, subalit ang hirap hanapin kung sila mismo pilit na tinatabunan ang natitirang puti.
"Hello Ms. Ching? Hello?"
Dahil sa sobrang lalim ng aking pag iisip hindi ko napansing kanina pa palang nag sasalita si MR. Jeong sa kabilang linya, siya ang head chairman dito sa School.
"I'm sorry! Mr. Jeong gusto ko lang ipaalam sayo na naka balik na ang apat na elemento ng pag-ibig."
"Alam ko na iyan, kanina lang nandito sila, ramdam ko ang kakaibang lakas nila."
"Ano po ang desisyon niyo?"
"Inilipat ko na sila BD- Academy."
"What? Hindi natin dapat sila hayaang maka pasuk doon, maaring tuluyan na silang madaig ng kasamaan sa puso nila."
"Trust me for this! Kinausap ko na ang magulang ni Andreise at sila na daw ang bahala para mapa payag ang kanyang ang at ang mga kaibigan nito."
Ma luha luha kong ibinaba ang cellphone ko, pero mayron akong tiwala kay Mr. Jeong hindi siya gagawa ng ano mang hakbang ng hindi sigurado dahil nandun rin sa paaralang iyun ang kaisa-isa niyang anak.

Four Elements Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon