Chapter 1

10.6K 155 2
                                    

Pauwi na ako sa aking apartment nang mapadaan ako sa isang liblib na lugar. Madilim at walang katao-tao roon. Alas-onse na ng gabi, galing pa ako sa bahay ng ka-groupmate ko dahil tinapos namin ang final output printing ng aming thesis, submission date na kasi bukas. Noong uwian na, di na ako nagpahatid pa dahil malapit lang naman ang apartment na tinutuloyan ko. Sanay na rin akong umuwing mag-isa kahit dis oras na ng gabi. Pero kakaiba ang nararamdaman ko sa gabing ito. Kahit may pangamba, tuloy lang ako sa paglakad. Napayakap ako sa sarili sa lamig ng simoy ng hangin.

Maya't-maya pa, awtomatikong napatago ako sa isang gilid nang may makita akong mga naka-itim na kalalakihan na pumapalibot sa isang duguang babae na pilit gumagapang para makatayo. Tinadyakan,
pinagsisipa-sipa at tinutukan ng baril. Halos hindi ako makahinga rito sa kinatatayuan ko.

Napasinghap at napatakip ako ng bibig nang kasahin nung isang lalaki ang hawak niyang baril. Sapol na sapol nito ang babae. Napaiktad ito at napaawang ang bibig. Pagkatapos nilang gawin iyon, iniwan nila yung katawan nung babae na parang basura. Nang makalayo't makaalis ang mga ito. Lumabas ako sa pinagtataguan at patakbong nilapitan yung babae. Nakakaawa ang postura nito— naliligo sa sariling dugo at puno ng pasa't sugat sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Agad kong hinanap ang nabaril niyang bahagi. Hinubad ko ang T-shirt na suot, pinunit ko yun at agad itinakip sa sugat niyang walang tigil sa kadurugo. Hindi ko na inisip pa ang lamig at ang suot na manipis na puting sleeveless tank top.  Ginamit ko naman ang isang kamay para dali-daling buksan ang aking bag. Hinalungkat ko roon ang aking cellphone at denial  ang numero ng kaibigan. Mabuti nalang at sumagot naman ito agad.

"Hello?"

"E-ethan, I need your help." sabi ko rito na puno ng pangamba at takot.

"Huh? Bakit? What happened?" nag-alala niyang tugon.

"I'll explain it later but please, please come here." halos mangingiyak-ngiyak kong tono.

"Okay. Where are you?" nababahala niyang sabi.

"Dito malapit sa apartment ko." sagot ko agad at tiningnan muli yung babaeng halos kaedad ko lang.

Minuto ang lumipas,nakarinig ako ng busina at humintong kotse saking likuran.

"Abi!" pasigaw niyang sabi at patakbong lumapit sakin.

"E-Ethan. Tulungan natin siya. S-She's dying." nanginginig kong sabi habang nakahawak parin sa babae.

Napatingin naman siya roon sa tinutukoy ko. Napaatras at nanlaki ang mga mata niya na para bang nakakita ng multo nang masilayan ang babae. Bigla siyang natulala kaya't nagtaka ako. Ngunit nangingibaw ang pag-alala ko kaya sinigawan ko siya.

"Ethan, naririnig mo ba ako?" napailing-iling siya at kalauna'y dinaluhan yung babae pero kakaibang emosyon ang nakikita ko sa kaniyang mga mata..

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon