Nanginig ang tuhod ko nang makitang dahan-dahang pilit na inabot ni Elizabeth ang isang baril sa kanang gilid niya while Anabel keeps on smashing her.
Napasinghap ako nang makuha niya ito at agad na hinampas kay Anabel.
Agad na nawalan ito ng malay. Dahan-dahan namang tumayo ang bruha at pinagpagan ang sarili.
Para itong baliw na napapahalakhak. Pinatid-patid pa niya kahit wala na itong malay.
“Sinabi ko naman sayo eh. Pero matigas ang ulo mo. Ako pa talaga ang kinalaban mo ha? Sisiguraduhin kong hanggang ngayong gabi nalang ang mga buhay niyo ng pinsan mo. Alam mo bang ako ang susunod sa puwesto ni Lolo? Hahaha letting him know na napatay ko yung traydor will surely makes him so proud of me.” nagdilim ang paningin ko sa aking narinig.
Siya? Bakit siya? Siya ba ang karapatdapat?
“Mabuti at lumabas ang totoo mong kulay bago pa napasa sa akin ang puwesto. Pwes, ito na ang kabayaran sa pagtataksil mo!” nakangising parang demonyita niyang sabi at tinutok ang baril sa nakakaawang si Anabel.
Naalarma ang buong pagkatao ko at wala sa sariling itinaas ang baril na hawak.
Sorry Elizabeth, but once my enemy, it'll always be one.
“Goodbye.” aniya.
Akmang kakasahin ko ang gatilyo nito pero isang tunog nang baril ang umalingawngaw sa buong kwarto.
Pati ako ay nagulat nang mapaigtad si Elizabeth.
Sino ang bumaril sa kaniya?
Napaawang ang bibig at hindi makapaniwala. Nabitawan niya ang hawak na baril at dahan-dahang natumba.
Sino ang may gawa?
Halos lumuwa ang mga mata ko nang maaniag mula sa dilim ang isang anino.
Nang mas lumapit ito sa dalawa, halos atakihin ang puso ko sa aking nakita.
C-clinton?
Nangangatug ang mga paa ko.
Siya ang pinsan ni Anabel?
Gulat na gulat ako pero mas nagulat ako nang hindi niya dinaluhan ang akala ko'y pinsan niyang si Anabel.
Napakunot ang noo ko nang maglakad siya at binaril yung kadena sa nakalock na pinto.
Agad na naputol ang kadena at kusa itong bumukas.
Nagwawala naman ang puso ko sa posibleng makita.
Anong ginagawa niya?
Anong meron sa loob nito?
Wala siyang kagalus-galos.Wala siyang pasa o kaya'y sugat.
Ang sabi nung tauhan sa narinig kong pag-uusap. Tinorture nila iyong bihag kaya malabong si Clinton iyon.
Sino ba ang pinsan ni Anabel?
Anong ginagawa ni Clinton dito?
Anong kailangan niya sa pinsan ni Anabel?
Di kaya bigating tao itong pinsan ni Anabel kaya siya pinag-aagawan nina lolo at Clinton? Gagawin niya rin ba itong bihag niya? Hindi ito maaari.
Agad akong lumabas at sumunod papasok.
Nanginginig ang kamay kong itinutok ang baril ko sa kaniya na ngayo'y nakatalikod pa lang.
“Don't you ever dare touch your filthy hands on Anabel's cousin.”galit kong sigaw.
Kinakabahan ako nang dahan-dahan siyang lumingon sa akin.
“A-abi?” nauutal niyang sambit.
Kita ko ang gulat at mga katanungan sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)
Action"One wrong answer and I'll bury you alive." Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang pero mayroon siyang mga kaibigan na itinuturi...