Mabilis akong tumakbo sa kabilang silid. Alam kong agad iyong napansin ng mga kalalakihan.
Nakahanda at nakatutok ang mga baril nila nang pasimpleng umabante.
Nang dumaan sa harapan namin ang tatlo, nagkatinginan kami ni Marga at sabay na lumabas.
Inagaw ko ang baril nung isa at pinatid ito. Ihinagis ko naman sa isang kalaban ni Marga yung hawak kong kutsilyo.
Braso lang nito ang tinamaan ko.
Masama ako nitong tiningnan. Hinampas ko yung isa na nakatayo na ngayon mula sa pagkakatumba.
Kumuha ako ulit ng kutsilyo sa bulsa at sinaksak ito sa bandang leeg niya.
Napaiwas naman ako at mahigpit na hinuli ang paa nung isa na mabilis na nakalapit at binigyan ako ng sipa.
With all force kong inikot ang paa nito. Hindi niya naman siguro inasahan yun dahil madali itong natumba.
Pumaibabaw ako rito at saka siya sinaksak. Pero nagawa nitong iblock ang ginawa ko. Nahawakan niya ang kamay ko kaya nag-aagawan na kami ngayon ng kutsilyo.
"Ahh!" napatingin ako nang marinig iyon kay Marga.
Natumba siya.
"Fuck! Ah!" mura ko nang makalimutan na may kalaban pa pala ako.
Ako na naman ngayon ang nasa ilalim.
Ngumisi ito. Inis ko siyang tinuhod dahilan para mabitawan niya ang mga kamay ko.
So wala ng ibang weakness ang mga lalaki? Ito lang? Matamaan lang yung junior nila, nanghihina na sila agad?Bago pa siya muling umatake, mahigpit kong hinawakan ang kutsilyo at mabilis na sinaksak siya sa bandang puso. Napaliyad ito at napanganga.
Itinulak ko ito at pinagpagan ang sarili. Nang bumaling ako kay Marga, halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang nakatutok na ang baril nung kalaban sa kaniya.
Dali-dali kong ihinagis ang may bahid pang dugong kutsilyo sa malaking nilalang. Nabitawan nito ang hawak na baril at agad na natumba.
Lumapit ako rito para tuluyang patayin ito. Pero napataas nalang ako ng kilay nang makitang may kutsilyo rin palang nakabaon sa bandang dibdib nito.
Marga hit him too.
Nang bumaling ako sa kaniya. Nakatayo na ito at pinulot ang baril na napunta sa gilid.
Hinugot ko ang dalawang kutsilyo mula sa katawan nung kalaban. Akmang isasauli ko kay Marga yung sa kaniya pero awtomatiko ko itong ihinagis sa bukana nung hallway nang may lumabas doon.
Medyo mahaba yung kutsilyo ni Marga kaya siguradong patay na ang isang yun na sapol kong tinamaan.
"Let's go."
"Yung kutsilyo mo?" concern ko pang tanong.
Ngumisi naman siya at itinaas ang suot. Napakurap-kurap ako nang makitang napapalibutan ng mga kutsilyo ang hips niya.
She's really a fighter.
Hindi na namin kinuha yun. Patakbo naming tinahak ulit ang daan.
May nakasalubong kami pero hindi na ito nakakilos pa dahil binaril na ito agad ni Marga.
Napahinto kami sa isang pinto. Dito ba nila itinago si Clinton?
Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Marga.
Walang door knob pero may mga buttons dito with letters.
May passcode.
Agad na hinawakan ito ni Marga at may pinindot siya. Pero nataranta kami pareho nang umingay ang paligid.
BINABASA MO ANG
A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)
Acción"One wrong answer and I'll bury you alive." Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang pero mayroon siyang mga kaibigan na itinuturi...