Chapter 10

3K 61 0
                                    

“Paano niya natutuhang gumamit ng baril?"

"Hindi siya ordinaryo at inosenteng tao lang. Kakaiba siya..."

"Sa mga kilos niya, para siyang sanay na sanay kaya imposibleng wala siyang alam."

"Sino ba talaga siya?"

Naalimpungatan ako sa ingay ng mga nag-uusap.

"Ano ba! Kitang may natutulog dito,  ang ingay-ingay niyo. Kunting manners naman oh." inis kong sigaw habang nakapikit ang mga mata. Tinakpan ko pa ng comforter ang aking tenga at hinila ang unan para hindi ko sila marinig.

Napahinto naman sila kaya curious ako kung anong ginagawa nila ngayon. Dahan-dahan kong ibinaba ang comforter pero;

"Ahhhhhhh."sigaw ko dahil silang lahat ay nakapalibot pala sakin.

Sino ba naman ang hindi magugulat dun?

Napalayo naman sila sa kama.

"Boooggggshhhh"

Napalingon kami sa biglaang pagbukas ng pinto ng bathroom.

"What happened?" nagtatakang tanong ni Clinton.

Ako nama'y napanganga sa kaniya.

Bakit ka ito lumabas ng nakatuwalya lang?

Nagbago bigla ang expression ng kaniyang mukha na ikinataka ko.

Bumaling siya sa mga friends niya at magkasalubong ang mga kilay nito.

"And why are you all here?" parang kulog niyang tanong sa naiinis na tono.

Pinagmasdan ko naman ang mga kaibigan niyang hilaw na ngumisi. Napalunok ang mga ito at napakapit pa sa isa't-isa except kay Miranda na nakataas ang kilay rin. Yung dalawang guys talaga ang halatang takot sa boss nila.

Ang OA naman kong makareact ng gagong 'to. Bakit sila nandito? It's pretty obvious na binisita nila ako.

"Ano sagot?" dagdag pa ni Clinton kaya naman napaatras ang mga baliw niyang friends.

"Tumigil ka nga Zach! Para kang sira. Tinatakot mo sila eh." hirit ko kaya't napabaling siya sa akin.

Inis siyang tumitig sakin na pinantayan ko naman.

Akala mo ha!

Napairap ako bago ulit nagtanong.

"Teka...nasan si Marga?" nagtinginan naman sila.

Nakita ko si Josh na nagsasalita na walang boses pero nakuha ko naman.

Salamat daw? Bakit? Para saan?

Ano ba kayang meron dito sa boss nila na kinakakatakutan nila ng sobra?

"Hehe. Hi Abi. Nandoon si Marga sa guest room nagpapahinga." parang timang na saad ni Matt habang ngumiti-ngiti.

"Okay lang ba siya?"tanong ko naman.

Napatango naman sila.

"Ikaw Abi? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" nag-aalalang tanong ni Josh at lumapit pa talaga sakin. Tinap niya ang noo ko at chinecheck ang aking mga kamay.

Eh? Hindi naman ako nilalagnat ah?

Anong trip ng isang 'to?

Narinig ko ang mga malalakas na yabag. Nagulat nalang ako at ang lahat nang hilanin ni Clinton si Josh at itinapon kay Matt.

Nakapameywang siyang humarap sa kanila.

"Kayo! G-E-T O-U-T!"sigaw niya pa at itinuro ang pintuan ng kaniyang kwarto.

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon