Chapter 27

1.8K 31 1
                                    

I am now dialing his number na hiningi ko pa talaga kay Jam through the telephone.

Feeling ko kasi karapatan ni Clinton na malaman yung tungkol sa sumusunod sa akin.

Pero hindi niya ako sinagot.

Binitawan ko ang telepono nang makatanggap ng text from Rita.

From Rita: Huwag ka ng pumunta sa restaurant. Delikado!

Napataas ang kilay ko sa aking nabasa.

Bakit delikado? Is she giving me a warning?

To Rita: Bakit?

Kahit alam kong yung sumusunod siguro sakin ang tinutukoy niya. Pero paano namang alam niya ang tungkol dun. Wala siya sa lugar kanina.

From Rita: I spotted three people watching over you at the restaurant.

Napasinghap ako at talagang napatakip ng bibig.

Paano niya nalamang may nakamasid sa mga kilos ko?

To Rita: Nandoon ka sa restaurant kanina?

She's acting weird. Akala ko ba hindi siya ligtas sa restaurant?

Ano ba talaga ang totoo?

Ang gulo.

From Rita: Mag-ingat ka nalang. Btw, sa susunod nalang tayo mag-usap. Wag kang nadadala sa mga nakikita mo.

Napasabunot ako ng buhok out of frustration.

Ano bang gusto niyang palabasin? Na delikado ang buhay ko ngayon?

Hindi ko siya maintindihan.

Napatingin ako sa telephone nang magring ito.

Nanlaki ang mga mata ko at kinakabahang sinagot ang tawag.

"H-hello?" sabi ko.

"Are you alright?" tanong niya na may nag-aalalang tono.

Saglit akong nagulat.

"Hmm, yeah." sagot ko pa.

I bite my tongue dahil iniisip kong sabihin sa kaniya yung nasaksihan ko kanina.

"Uhmm Z-zach?"

"Hmmm?"

"I think someone is watching over me." sumbong ko pa.

"I'll go there." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya

"No, no. Okay naman ako. It's just that worried ako. I'm feeling uncomfortable as I've noticed someone's following me kanina sa restaurant." sabi ko.

Narinig kong napasinghap siya at napabuntong hininga.

"Sinong kasama mong lumabas?" napakagat-labi ako sa tanong niyang iyon.

"Ako lang." mahina kong pag-amin.

I'm being honest here. Buhay na ang nakasalalay rito.

"You alone?" gulat niyang sabi at medyo tumaas pa yung boses.

Napapikit nalang ako.

"You shouldn't go out alone. You're my wife now! Remember that the enemies' eyes are always on us. Stick with Jam, Thomas, and Elle." pagpapaalala niya pa.

"Ano pala, may bodyguards ako, nirequest ko kina Jam at Thomas. Pati driver na rin. Sila ang kasama ko."

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon