Nagising ako kinabukasan dahil sa init ng sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Pumunta ako ng banyo para maghilamos at saka bumaba.
"Clinton?" tawag ko rito habang binubuksan ang dining room. May nakahanda namang pagkain sa dining table. Pero nasaan siya?
"Zacharias?" tawag ko habang papalabas ng entrance.
"McHarry?" sigaw ko.
Nasaan kaya ang gagong yun?
Buong pangalan niya na ang tinawag ko. Nasaan na ba kasi yun?
Napagpasyahan ko nalang na maghanap sa labas at nilanghap ang maaliwalas na simoy ng hangin sa may dalampasigan.
Tinanaw ko ang malawak na karagatan na napakaasul ang kulay at napakalinis pa nito.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang inaayos ang tikas ng aking buhok na nililipad ng hangin.
This place is a paradise. The environment is so refreshing. The sand is white and wispy while the shells are scattered in the area. Dahil sa attract na attract ako sa buhangin, di ko napigilang mapaupo at kumuha ng isang shell at ginamit iyong pansulat sa buhangin.
"Ti Amo." I read what I have written.
Naglakad-lakad ako hanggang sa narating ko yung bandang may malaking bato.
Ewan ko ba, but I just felt an excitement sa naiisip ko.
Napalingon-lingon ako sa paligid bago hinubad ang suot kong T-shirt & shorts, leaving alone my sky blue bikini. Ipinatong ko ang mga damit sa ibabaw ng malapad na bato kasama na ang suot kong pair of slippers. Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa tubig-dagat.
"Ohhh." I said as the water touches my body. It's cold & refreshing. Huminto ako sa part na hanggang balikat ko while freely hanging my hands off the air. I swim underwater & I was literally in awed of what my eyes' witnessing.
From the small fishes, coral reefs, & shells.
I've realized that I am just in the not-so deep part of the ocean. What's more if I'll explore to the deeper area? That thought brings so much excitement and curiosity to me.
Kaya naman lumangoy ulit ako and this time papunta sa bandang malalim na pero sure naman akong hindi lagpas sa akin ang tubig. And yes, hindi nga ako nagkamali dahil ngayon, kakaibang kulay ng isda ang aking nakikita, nabibighani rin ako sa marine plants na may isdang Nemo ang pumapalibot dito.
Lumangoy ako papalapit dito at hinawakan ang seaweed. Natakot yata ang isda na nandirito lang kanina dahil lumangoy ito papalayo. Aahon na sana ako, but something caught my eyes. It's shining dahil nasisikatan ito ng sun rays.
What's that?
Out of curiosity, lumangoy ako para rito. Kinuha ko iyon sa ilalim ng algae at tinago sa may bra ko.
It's a necklace.
Mamaya ko na siguro ito susuriin kong peke ba or something na pagkakakitaan ko 'pag isinangla.
I tried to swim pabalik sa may dalampasigan, but I felt something wrong. I kicked my foot para naman makaahon ako, but then I failed. I need some air.
I got panic. Kaya nakainom ako ng maraming tubig. Napunta na pala ako sa part na lampas na sa height ko. Nagpupumiglas ako sa tubig though wala nanang humahawak sakin. Maybe I was too scared of the possibilities. I can't scream, but I keep on trying na makaahon hanggang sa manghina ang buong katawan ko, di ko na talaga kaya. Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko at wala akong nagawa kundi hintayin ang sariling tumaob sa ilalim ng dagat.
BINABASA MO ANG
A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)
Ação"One wrong answer and I'll bury you alive." Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang pero mayroon siyang mga kaibigan na itinuturi...