Nasa sala kaming lahat ngayon. Ang weird lang ng mga 'to. Ikaw ba naman ang titigan na parang sinusuri?
“Hoy? Anong klaseng tingin yan?”nagtatakang tanong ko.
Problema ng mga 'to.
“May mga itatanong lang kami.” sabi ni Miranda.
Oh yes, we all heard it right.Si Miranda yun.
Sa wakas at friends na rin kami ng babaeng ito. Kinausap niya ako noong isang araw at nag sorry sa bitchy treatment niya sakin.Nagpasalamat pa siya dahil iniligtas ko raw ang bestfriend niyang si Marga. Kaya ayon, we're finally cool with each other.
Napaayos naman ako ng upo sa aking narinig.
“Hmmm...Sige, pero kung masagot ko yung mga questions niyo. May reward ba akong makukuha?” nakangiting saad ko.
Napanganga naman silang lahat except kay Clinton.
“Yes! You can claim your reward afterwards.” saad ni Clinton na talagang nagpatwinkle ng mga mata ko like there are stars scintillating brightly.
Breathe in, breathe out. Abi, focus!
Usapang reward na ito.
“Game...” excited kong sabi.
Nagtinginan naman sila. Unang nagtanong ay si Marga. Mag-iisang linggo na rin after nung naencounter naming laban. Mabuti nalang at naging mabilis ang recovery niya.
Though kailangan siyang alalayan kong tatayo siya kasi nga diba nabaril yung binti niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko. Kaya ko palang makipagbakbakan sa mga ungas na yun.
“Paano ka natutong makipaglaban?" seryosong tanong ni Miranda.
“Humawak ng baril at makipagsuntu—.”hindi niya natapos ang pagtatanong dahil nagtaas ako ng kamay.
“Stoppppp....Wait a minute...”
Napahawak ako ng baba at inisip kung paano nga ba?
Napataas naman ng kilay si Marga. Habang nakakunot ang mga noo ng tatlo except kay Clinton na wala manlang reaction.
Napahawak ako sa batok ko..
“Ano kasi eh. Ano nga ulit yung tanong? Isa-isa lang kasi dapat.”
Napabuntong hininga naman si Miranda at inulit yung first question.
“Paano ka natutong makipaglaban?”
“Ganito kasi yun.” panimulang sabi ko at napansin ko talaga na napaayos sila ng upo.
Aba! Interesado ah.
“Nung naghigh school ako. Nakahiligan namin ng bestfriend ko ang panunuod ng Secret Agent Movies at simula nun, pinagsikapan namin talagang mapag-aralan ang mga ginagawa ng isang agent. Nagsearch kami sa internet kung paano at ano ang gagawin like paggamit ng baril, paghawak ng kutsilyo, throwing of daggers, at yung martial arts.” mahabang pagsasalaysay ko.
Mas lalo namang napapakunot ang mga noo nila.
“Pero nung nagsimula na kaming magcollege. Ayon, natauhan at tumigil sa kinababaliwan at nagfocus nalang sa studies namin.” dagdag ko pa.
Nagtinginan naman sila pero walang nangahas na magfollow-up question.
“Pero yun nga. Nakita niyo naman diba? Nakakagulat na nagagawa ko na talaga for real ang galawan ng isang secret agent, it is like a dream come true for me. Though risky siyang gawin pero ang cool ko nun diba? Napapatumba ko yung mga ungas na naghahabol sa amin at—.”
BINABASA MO ANG
A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)
Боевик"One wrong answer and I'll bury you alive." Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang pero mayroon siyang mga kaibigan na itinuturi...