Chapter 37

1.6K 23 0
                                    

Pinagpawisan ako nang magising.

“Ako yung babaeng yun?” tanong ko sa sarili.

Ako talaga ang original na babae? At para sa akin talaga ang surprise na iyon.

Napakagat-labi ako ako nang maisip yung pagpili ko sa left path.

Doon pa talaga ako tumungo sa daang maraming sagabal? Napalunok ako nang maalala yung tunog ng baril.

Matagal na pala akong tinutugis ng mga kalaban?

Kusang tumulo ang luha ko nang sunod-sunod na nagflashback sa isip ang nangyari sa nakaraan.

Nung sumakay ako sa jet ski at nahulog sa dagat.

Nasan ako?” naguguluhang tanong ko habang nililibot ang mga mata sa puting kwarto.

May babaeng nagbukas ng pinto.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita ako.

Abi!” sigaw niya at patakbo akong niyakap.

Bumilis ang tibok ng aking puso.

“Finally, gising ka na.” maluha-luha niyang sabi.

“Sino ka?” para siyang napako sa kaniyang kinatatayuan.

Nanigas siya at kunot-noong tumingin sa akin.

“Y-you don't r-recognize me?” nauutal niyang saad at kita sa mga mata na nasasaktan siya.

Umiling-iling ako. Napakagat-labi naman siya at malungkot na tumitig sa akin.

“I am Nichole, your b-bestfriend.” nauutal niyang sambit.

Napalunok naman ako.

Bestfriend? Eh bakit hindi ko siya kilala? Hindi ko siya maalala?

“A-anong pangalan mo?” umiiyak at halos hindi niya magawang itanong yun ng maayos.

Napakunot ako ng noo.

Akala ko ba bestfriend ko siya? Eh bakit hindi niya alam ang pangalan ko? Is she disguising to be my bestfriend?

Para akong nabunutan ng tinik nang pumasok sa isip kung ano ang pangalan ko?

Sino ako? Napaawang ang bibig ko nang isipin kung sino at ano ako. Bakit wala akong maalala?

Napakagat-labi ako at napailing-iling siyang tiningnan.

“Y-you even have forgotten your name?” di makapaniwalang saad niya.

Napahilamos siya ng mukha bago tumawag ng doctor.

Napatulala ako.

Pilit ko mang isipin ang gusto kong isipin. Walang alaalang bumabalik.

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon