Nagpupumiglas ako dahil hindi makatarungan itong ginagawa nila.
Pinapahiya nila ako.
Napakagat-labi nalang ako dahil hindi ako makaalma. Nanlumo akong napatingin sa mga taong kinukunan ako ng video.
Napailing-iling ako at halos mawala sa katinuan.
Napaiyak ako nang kinaladkad akong ipasok nung dalawang guard sa isang building.
Pinaupo ako nito at kaharap ko ngayon yung head manager.
Nasa gilid ko pa rin yung dalawang guards.
“Ma'am wala po akong ginagawang masama.” nagmamakaawa kong sabi.
Napakunot noo lang akong tiningnan nung babae na sa tingin koy kaedad ko lang.
“Ms. hindi tutunog yung human detection alarm kung wala kang ginawang bawal.” mahinahon nitong sabi.
“Ma'am wala po akong ginawang masama. Intindihin niyo naman po ako.” umiiyak kong sabi.
Narinig kong padabog na bumukas ang pinto ng office.
Nanatili akong umiiyak.
“Abi?” napalingon ako at tumambad sakin ang humahangos at gulat na gulat na si Jam at Thomas.
Tiningnan ko nalang sila na puno ng pagmamakaawa.
“What's happening here?” galit na sigaw ni Jam.
Kita ko naman ang pagkabigla at takot nung head at dalawang security guards.
“Ano? Wala nalang bang magsasalita sa inyo?” galit na sabi ni Thomas.
Nakita kong nanlumo yung head at mukhang maiiyak na.
Kita ko naman sa dalawang guards ang paglunok ng ilang beses.
“S-sir k-kasi pumunta siya sa restricted area.” nauutal na sabi nung isa.
Restricted Area? Saan ang restricted area na pinuntahan ko? Yung eroplano ba?
“Pumasok po kasi siya sa Airplane Statue at may kung anong hinawakan kaya agad tumunog yung detection alarm .” yung isa naman ang nagsalita na tila'y bumubulong lang.
Mas lalo akong naiyak nang marinig ang rason kung bakit nila ginawa yun.
I am fucking so damn careless. Kasalanan ko nga pero I swear to God, wala akong alam na bawal pumasok roon o humawak man ng mga bagay-bagay sa loob.
“Okay, I totally understand that case, but who the hell are you to dragged her like a thief?” akala ko ako ang sinabihan nun.
Gaya nung mga staff maski ako'y nagulat sa sinabi ni Thomas.
“Do you know na bisita namin siya? Hindi lang siya ang pinahiya niyo. Kami ang pinahiya niyo ng husto! Damn it.” galit na galit na saad ni Thomas.
Gulat na gulat ang reaction nung dalawang guards.
Napakagat-labi nalang ako at nanginginig na nagbabalak sanang tumayo.
“Get out!” sabi ni Jam sa cold na boses.
Nakakatakot sila. God! It's all my fault.
“I said get out!” maski ako'y halos mapalukso.
Dali-daling nagsilabasan ang dalawang guards at hahakbang na sana yung kaedad ko lang yatang head manager pero napatigil ito sa sinabi ni Jam.
“Did I say na kasama ka?” tila nanigas yung babaeng head at napaangat ng tingin kay Jam.
Yumuko lang ito at bumalik sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)
Acción"One wrong answer and I'll bury you alive." Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang pero mayroon siyang mga kaibigan na itinuturi...