Pinatigil ko muna siya sa pagmamaneho dahil nagkakagulo na ang mga alaga ko. Base lang sa instinct ko ha. I think it's passed 1:00 in the afternoon na.
"Let's just go to the nearest restaurant."bsabi niya.
Halos umirap naman ako. Kita niya namang may baon akong dala.
"Ano ka ba! Ang dami nitong pagkaing binaon ko." giit ko.
"How can we eat these?" tanong niya pa sabay tingin sa mga nakalatag na tupper wares.
May paghingang malalim pa siyang nalalaman.
Bakit ko ba kasi nakalimutang magdala ng spoon & fork? Iba yung dinala ko eh.
Binuksan ko ang mga tupper wares na may lamang rice at ulam.
Hinalungkat ko sa paper bag ang dala kong plastic roll.
I smiled at ipinakita sa kaniya ang 5 by 9 na plastic roll.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
Abi, mayaman yan. Kaya for sure, wala yang alam sa kung ano man yang nakagawian mong gawin dati.
Advantage rin talaga ang pagiging mahirap noh?
Kumuha ako ng dalawa. Kinuha ko yung kamay niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
Clueless at nakakunot ang noo siyang napatingin doon at sakin.
"e-blow mo. Like a balloon." utos kong sabi.
Nag-alinlangan pa siya nung una.
But I give him a do-it-now-look!
Kinuha ko naman yung right hand niya at ipinasok ito sa loob nung plastic.
Tinali ko ito para walang sagabal pag kumain na siya.
"What the hell is this?" mukhang di niya napigilan ang sarili eh?
"Hell-hell ka diyan. Eh as wala tayong spoon. Kaya magpasalamat ka nalang diyan at pwede na yan para makakain na tayo." sagot ko at kinuha yung sakin.
"Are you kidding me?" di-makapaniwalang saad niya.
Minsan mahirap talagang pakisamahan ang mga mayayaman noh?
Inirapan ko nalang siya. Pang-ilang irap ko na ba ito?
Ang daming satsat, ba't di nalang siya lumamon nang sa mabusog siya. Ehh ako nga gutom na gutom na.
"Kumain ka lang. Daming says!" I said.
I heard him sighed.
"Itali mo nga." sabi ko sabay abot ng kamay kong may plastic. Di ko kasi matali.
Mabuti nalang at di siya umayaw kundi sinunod nalang ang gusto kong mangyari.
"Ayan perfect. Thank you." sayang-saya kong sabi.
Hindi naman siya kumilos o nagreact ng kung ano.
"Tsibog na." pagtsi-cheer ko pa.
Wala pa rin akong nakuhang reaction from him.
Kunti nalang talaga masasabuyan ko siya nitong ulam nang sa sumabay siya sa magandang vibes ko.
Nakakainis na ah. Para akong tangang nagsasalita nang mag-isa.
Pero anyway, mayaman siya eh. Kaya clueless siya sa mga ganitong bagay.
Ako nga nung una, kagaya niya wala ring alam.
My bestfriend Nichole taught me this. Sabi niya lagi daw namin itong ginagawa dati sa probinsya when we're just in elementary.
BINABASA MO ANG
A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)
Action"One wrong answer and I'll bury you alive." Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang pero mayroon siyang mga kaibigan na itinuturi...