Chapter 20

2.4K 43 3
                                    

Ilang minuto rin ang pag-iyak ko bago nahimasmasan. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Hindi ako tumayo at hinayaan lang itong magsawa.

Nangangamba ako paano kung siya ito?

I can't afford to see him right now. Affected pa rin ako sa nangyari.

Pero agad akong tumayo at napalunok nang magsalita ito.

"Ma'am?" tawag nito.

Hala! Yung kasambahay pala.

Agad ko itong pinagbuksan.

"Ma'am breakfast niyo po." saad niya at inabot sa akin ang tray ng pagkain.

Agad ko itong tinanggap. Tamang-tama, gutom na gutom na ako eh. Pero para naman akong nawalan ng gana nang maisip na baka yung gago ang nagpadala nito.

"Si Ma'am Victoria po ang nagpadala nito." gulat naman ako sa sinabi niya.

"Si Tita?" di makapaniwalang saad ko. Tumango naman ito at nagpaalam.

Nagkibit-balikat nalang ako at sinara ang pinto.

Naubos ko naman lahat. Hindi naman ako ganun ka gutom noh?

May gatas at tubig pang kasama kaya di ko na kailangang bumaba para may mainom. Pero ayoko namang isipin ng family niya na nagfefeeling prinsesa ako rito.

Di na ako nagtawag pa ng kasambahay para lang ihatid itong pinagkainan. Ako na mismo ang naghatid nito.

Good thing. Wala akong Zacharias na nakasalubong.

Ewan ko nalang 'pag nagkaharap na naman kami.

Kinakabahan ako habang pabalik sa kwarto ko. Madadaan ko kasi ulit ang room ni Clinton.

Napabuntong hininga ako at nagtuloy-tuloy lang sa paghakbang. Nang nandoon na ako sa tapat, hindi ko man gustong tumigil pero napapahinto nalang ako.

Hindi na naman ito nakalock ng maayos. So I heard everything sa labas.

"Anong nangyari son?" rinig kong nag-aalalang tanong ni tita.

Napalunok ako.

"Alam niya na ba ang katotohanan?" napasinghap ako sa sinabi na naman ni tita.

Katotohanan?

Anong katotohanan?

Anong katotohanan na dapat kong malaman?

Wala naman akong narinig na sagot mula kay Clinton.

Grabe yung sikdo ng puso ko.

"Please son. Wala siyang kaalam-alam. She's totally innocent." nagmamakaawang tono ni tita.

Napakunot naman ang noo ko at tila nawala sa tamang pag-iisip.

Naguguluhan na talaga ako.

Wala akong alam? Anong ibig sabihin ni Tita?

Napalingon ako at napapitlag nang may sumigaw sa baba.

"Hey kuya, give it to me." si Cassy Kendrea ito.

Nakita ko namang natatawang tumakbo si Mavy Kendrei.

Nawala sa isip ko ang pag e-earvesdropping nang dahil sa kambal.

Nang bumaling ako sa kwarto ni Clinton. Napalunok ako pero di ko pinahalatang nagulat nang makita roon si tita na nakatayo.

Kanina pa ba siya?Baka nahahalata niya akong nakikinig dito.

"Itong kambal talaga." sabi niya pa at ngumiti.

Tapos na ba silang mag-usap ni Clinton?

“Abi? Kumain ka na ba?" she asked me.

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon