I'm still not okay nang bumaba ako mula sa private plane.
Napahawak naman ako sa railings nung rooftop nang biglang umihip ang malakas na hangin.
Nasaan kami?
Napatingin naman ako sa baba. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pamilyar ito.
Nasa mansion kami?
Nagkasya ang private plane sa rooftop ng mansion niya?
Dali-dali akong bumaba pero napahinto ako sa pagod dahil sa taas ng hagdan mula 4th floor to 3rd floor.
Humihingal ako nang umabot na sa second floor.
Napanganga talaga ako dahil di ko inakalang nasa mansion nga kami.
Nasaan yung mga kaibigan niya?
Bakit ang tahimik naman?
Naisipan kong dumiretso sa aking kwarto. Pero nanigas ako saking kinatatayuan nang marealize na sa kwarto niya pala ako namamalagi bago kami umalis.
Tinatagan ko ang loob at binuksan iyon. Akala ko nandun siya pero wala. Nagchange clothes ako bago bumaba para hanapin siya.
Naabutan ko siya sa kusina na nagluluto.
Nahihiya akong lumikha ng ingay kaya hindi ako humakbang papalapit.
At isa pa, iniisip ko pa rin ang mga sinabi niya.
Alam kong nasasaktan siya sa mga sinabi ko pero yun naman talaga ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang totoo. Kung aksidente ba talaga ang nangyari 3 years ago o tama si Rita na siya at ang pamilya niya ang puno't dulo nun.
“Are you done observing?” napakurap-kurap ako nang magsalita siya.
Nagkibi't-balikat ako at naglakad papasok.
Tapos na siyang magluto at hinubad ang aprong suot.
Humila ako ng upuan at hinintay na mapaupo siya.
He just looked at me.
“I'm sorry.” mahina kong sabi at ang mga mata'y nakatingin lang sa kaniya.
Siya ang umiwas ng tingin.
Mapait lang akong ngumiti dahil wala siyang isinagot.
“Let's eat.” sabi niya kaya sumunod nalang ako.
We are eating silently.
Hindi ko kaya na ganito. I can't afford na magkasala without being forgiven.
So I apologized again.
“I'm sorry.” sabi ko na nagpatigil sa kaniya at siya'y nag-angat ng tingin.
“I'm sorry for saying those words. But I'm too upset awhile ago. I don't really know what's the truth and if Rita is being honest with me.” tuloy kong sabi.
“Can you forgive me?” nagmamakaawang sabi ko.
Tumitig siya at ngumiti lang.
Nabuhayan ang dugo ko.
“Is it a yes?” I asked.
“Can I say no to you?” he said while smiling at kinurot ang cheeks ko.
Oh that hurts. Napapikit nalang ako nang dali siyang tumayo at niyakap ako patalikod.
“But promise me one thing.” he whispered.
I nodded.
“Let me know your every fucking move. Coz I can't forgive myself if I'll lost again the other part of my life.” he said.
BINABASA MO ANG
A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)
Acción"One wrong answer and I'll bury you alive." Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang pero mayroon siyang mga kaibigan na itinuturi...