Chapter 15

2.8K 57 1
                                    

Kinabukasan, nagising ako ng mga bandang 8:00 o'clock in the morning. Agad akong naligo at after magbihis, bumaba para sa breakfast. Tahimik ang bawat sulok ng mansion habang binaybay ko ang daan na dala-dala ang bagong templang gatas.

Di kaya iniwan ako na naman ako ng mga yun ng mag-isa?

Pero maaga pa naman. So baka natutulog pa ang mga yun. 8 am, maaga? Tinawanan ko ang sarili.

At si Clinton naman. Sure akong gising na yun. Wala na siya sa kwarto eh.

Tinungo ko nalang ang swimming pool pero nang nasa malapit na ako. Gusto kong tumalikod at umatras nalang dahil nakita kong naliligo si Clinton. Pero dumiretso ako nang matapos ikalma ang sarili at tinungo ang lounger malapit doon.

Nakita niya ako kaya siguro umahon siya at kinuha ang tuwalya sa gilid ko.

Napainom nalang ako ng gatas.Pero shit, ang init pala. Todo iwas ako na makaharap siya sakin lalo pa't nakaboxer short lang siya ngayon.

Abi, kalma. Wag mong ipakitang naaapektuhan ka sa kaniya.

"Good Morning." bati niya pa.

"Good morning too." sabi ko naman na hindi manlang siya ginawaran ng tingin.

Abi, wag kang titingin. Nakaboxer lang siya okay? Pagpapaalala ko sarili.

"Hmm. Nasaan pala ang mga friends mo? Yung mga tauhan mo?" diko napigilang itanong.

"Pinaalis ko muna." sagot niya pa.

"What?" diko napigilang mapasigaw.

Nakanunot-noo niya naman akong tiningnan.

"Pinalayas mo mga friends mo? Anong klase kang kaibigan? At yung mga tauhan? Gosh, they have families to feed on. You're really ruthless." madramang sambit ko.

"Tsssss." na sabi niya at tiningnan akong parang di siya makapaniwala.

"Sa lahat ng taong nakilala ko. Ikaw ang pinakamasama at walang puso." inis na inis kong saad.

How could he be this walang puso?

"Pero aminin mo. Sa lahat, ako ang pinakahot at pinakagwapo?" sabi niya na nakangising parang aso.

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya.

Kahit kailan napakahambog at yabang ng lalaking ito. Ang lakas ng confidence sa sarili eh.

"Kapal! Saang banda? Sa kanan? Kaliwa, sa taas o sa baba?" nakataas kilay kong tanong.

"Lahat." sagot niya sabay kindat.

Ewww!

Tiningnan ko siya as if nandidiri ako

"Pinaalis ko lang sila for the mean time lang. You're overreacting.”

Over na over ba talaga yung reaction ko?

"Ba't mo naman sila pinaalis muna?" tanong ko at may diin sa panghuling salita.

"To spend a day with you." direktahan niyang sagot.

"Huh?" confused kong nasabi nalang.

Pinaalis niya yung mga tauhan at mga friends niya to spend a day with me?

Bigla akong nakaramdam na may nagkakagulo na naman sa bandang tiyan ko.

Gosh, this weird feeling again!

Anlakas ng trip niya Abi. Wag magpadala okay!

"Bakit?"nagtataka kong tanong.

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon