"Kamusta ka na Ming? Ang tagal natin di nagkita."
Di ko akalain na yung taong iniiwasan ko for two years ay andito sa harap ko, si P'Joss. Hindi ako nakasagot agad dahil sa kaba ko. Parang nagpanic yung mga lamang loob ko.
"O-okay lang, P'." Nagstutter pa ako sa pagsagot. Pinaupo siya ni Forth sa table namin.
"Binisita mo yung puntod ni Yo?" Tanong niya sakin.
"Oo. Ikaw?"
"Yes. Parang nauna lang ako sa inyo ng konti." Sagot naman niya.
Siya pala yung naglagay ng bulaklak sa puntod ni Yo kaya pala fresh pa ang mga iyon.
Kinakabahan pa din ako dahil sa kanya kasi di ko pa rin alam kung paano haharapin ang pamilya ni Yo. Bigla ko kasi pinutol yung koneksyon ko sa kanila kahit palagi sinasabi ni mommy na nangangamusta sila sa akin. Ang totoong dahilan niyan ay ayoko ko sana madistract yung trabaho ko kasi sa tuwing naalala ko yung mga nangyari ay nawawalan ako ng ganang magtrabaho. Kahit tatlong taon na ang nakalipas ay masakit pa din sa damdamin ang pagkawala ni Yo.
"Di na talaga kita makontak Ming at saka nakikita nalang kita sa mga magazines at poster ads." Sabi ni Joss habang ako ay kumakain.
"Masyadong busy kasi P." Tipid na sagot ko.
"Naintindihan ko naman. Bumisita ka naman paminsan-minsan sa corporation."
Tumango nalang ako sa kanya at nagpatuloy na kumain. Di umimik yung mga kaibigan ko sa usapan namin.
"Nga pala, naisipan ng mommy mo na mag business ng isang clothing line sa Bangkok at ikaw yung model niya if matuloy." Pinaalam niya sakin yung plano ni mommy.
Wala na akong balita sa mga business ni mommy kaya medyo nagulat ako sa mga nalaman ko.
"At mag-iinvest din ako sa plano niya. May mga proposals na siya at..."
"P', if matutuloy yung plano niyo ni mommy at ako talaga ang gusto niyong maging model, tawagan niyo nalang yung agency o kaya ang manager ko. Sila ang magpapaalam sa akin." Bigla ko pinutol yung sinasabi ni P'Joss. "Pero sakin pa din ang desisyon kung tatanggapin ko o hindi." Dagdag ko pa.
Di ko kasi forte ang mga ganung bagay kaya nga si P'Sean ang palaging kumakausap sa mga clients tapos siya na yung mag-explain ng lahat sa akin. At saka, depende na din yun sa proposal at offer nila kung maganda o hindi.
"Sige. Sabihan ko na lang yung mommy mo if matuloy yung plano namin." Tumayo na si Joss at nagpaalam. "Mauna na ako. Babalik na ako ng Bangkok dahil may mga meeting pa ako. Mag-ingat kayo ha."
Tumango lang ako sa kanya habang ang mga kaibigan ko ay kumaway. Nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.
"Bakit parang cold ka kay P'Joss?" Napatanong si Mo sakin.
Di ako sumagot at patuloy pa rin yung pagsubo ko sa pagkain.
"May problema ba kayo ni P'Joss?" Sumali na sa Q&A si Forth.
Di pa ako ready na humarap kay P'Joss. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya dahil kay Yo. Parang sinisisi ko na naman yung sarili ko sa nakaraan.
"Huwag nalang natin pilitin si Ming. Baka may rason siya na di niya masabi satin." Sabi ni Beam.
Mabuti naman at sinabi ni Beam yun at hindi na sila nagtanong ulit. Kumain na din sila. Bumalik na kami sa hotel pagkatapos namin kumain.
——————————————————————————
Naistorbo yung tulog ko dahil sa pagriring ng phone ko. Kanina pa kasi nagriring ang phone ko dahil palagi ko binababa yung tawag hanggang nainis na tuloy ako.

BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...