— Five Years Later —"Yo, ready ka na?" Tinanong ko siya.
Hindi siya nakasagot agad kasi nakipaglaro pa siya sa bata habang naghihintay kami na magboard sa plane.
"Yes, Ming. I'm always ready." Ngumiti siya sa akin. "Ming, picturan mo naman kami. Ang cute kasi ng bata."
Hindi ko alam kung bakit nakahiligan na niya ang mga bata. Kapag nakakita siya ng cute na bata ay palagi niya ko inuutusan na magpapicture.
Kinuha ko yung iPhone ko at kinunan sila ng larawan. Para niyang anak ang bata. Ang ganda at cute ng batang babae. Tuwang tuwa naman ang bata dahil inakala pa nito na mommy niya si Wayo.
"Baby, I need to go now." Sabi niya sa bata nang nag-announce na ng boarding.
"Will I see you again, mommy?"
Tumawa kami ni Yo pati na rin ang tunay na mama ng bata.
"I think not baby. But your real mommy is here to take care of you."
Tumingin yung bata sa totoong mommy niya at yumakap agad ito. Parang naguluhan ang bata kasi alam ng bata na magkamukha sila ni Yo. Hahahaha!
"Yo, tara na. Uuwi na tayo ng Bangkok."
Ngumiti siya ng matamis sa akin at hinawakan ko ang kamay niya. Proud pa ako na magpublic display of affection ako kay Yo. Hindi naman pumapalag si Yo dahil nakasanayan na niya. Palagi ko kasi ginagawa yung PDA sa kanya. Nagboarding na kami sa plane at bumiyahe.
——————————————————————————
After 19hours of flight, nakarating kami ng Bangkok ng ligtas. Natagalan kami sa pagkuha ng mga bagahe dahil halos dala na namin yung mga gamit namin. Paglabas namin ay sinalubong kami ni Mo.
"Mo? Bakit andito ka?"
"Wait, I'll look for my brother. He said he'll fetch us." Sabi ni Wayo.
Di kasi namin inasahan na makita si Mo dito at ang nakakaalm lang na uuwi na kami ng Bangkok ay si P'Joss.
"Yo, wag mo ng hanapin kuya mo." Sabi niya.
"Teka, bakit alam mo na uuwi na kami?" Tanong ko kay Mo.
Hindi sumagot si Mo at parang nahihiya siya. Parang bulati 'tong babae na 'to at parang kinikilig pa. Nag fujoshi mode na naman siya dahil nakita niya kami ni Yo?
Napansin ko na may kotse huminto sa likod ni Mo at lumabas si P'Joss.
"Hon, di mo man lang ako tinawagan na nakita mo na sina Yo." Sabi ni P'Joss.
Teka, bakit hon ang tawag ni P'Joss kay Mo?
"Oh my gah! Don't tell me P' that Mo is the one you always keep on telling me about your girlfriend!" Napalakas pa ng boses si Yo.
Huh? Ano raw? Magkasintahan si P'Joss at Mo? Agad ko hinablot si Mo sa leeg at lumayo ng konti.
"Anong kalandian ang ginawa mo sa kapatid ni Yo?" Tanong ko sa kanya.
"Wow! Judgmental lang? Kalandian agad?" She said. "Wala akong ginawa Ming, kusang tadhana siguro ang gumawa ng paraan na magkilala kami."
Agad siya kinilig at parang natandaan pa niya yung unang araw ng pagkikita nila.
"Umamin ka nga.. ilang taon na kayo?"
"Four years na Ming" kinilig na naman siya.
"Gaga!" Binatukan ko siya.
"Ayaw mo nun? Maging sister-in-law mo ako." Tumawa siya nang tinukso niya ako.
BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...