Act 6. Madly in Love

782 41 2
                                    

"Excuse me?" Sabi ni Bas ng napagkamalan ni Mo siya na si Yo.

Natulala ang kaibigan ko dahil di ko pa nabanggit sa kanya tungkol kay Bas. Nang di pa bumalik sa wisyo si Mo ay umalis na lang si Bas.

"Sino ba si Yo?" Napatanong na si P'Sean. "Nabanggit mo yang pangalan na yan tapos si Mo din." Curious na ang manager ko.

Wala kasi akong pinagsabihan about my past kaya nagtataka na si P'Sean kung sino si Yo. Hindi pa rin ako sumagot.

"Ming, buhay pa si Yo?" Napatanong na si Mo sakin dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Tumayo ako agad at nagpaalam kay P'Sean na ako'y aalis na saka ko hinila si Mo palabas ng office.

"Ming, ipaliwanag mo sakin kung bakit buhay pa si Yo!!" Napalakas na yung boses niya.

"Hindi siya si Yo."

"So, may kakambal siya?"

"Hindi rin. Ibang tao yun Mo."

Mas lalo ng nalito si Mo sa mga sagot ko sa kanya. Nang sumakay na kami ng elevator ay dun ko na sinabi sa kanya ang lahat.

"Siya ang bagong stylist mo? Pero, magkamukha talaga sila Ming. Di kaya buhay pa si Yo at siya ngayon si Bas?"

Napa-iling ako sa tanong ni Mo dahil naisip ko din yan nung una kong nakita si Bas.

"Di ko alam. Naiinis din ako sa tuwing makikita ko siya. Patay na si Yo pero parang nabuhay siya. Kaso, hindi niya ko kilala." Kwento ko sa kanya.

"Baka nagpapanggap lang siya na hindi ka kilala?"

Kahit magpanggap siya na di ako kilala ay magkaiba pa din yung ugali at personality ni Bas.

"I don't think so."

"Bakit naman?"

"Iba ang ugali ni Bas. Masyadong aggressive, mareklamo, at saka wala siyang pake sa ibang tao." Nainis naman ako nang naalala ko yung ginawa niya na pagpayag as a cast sa series.

Tumunog yung elevator at nasa basement na kami. Tinawagan ko yung driver ko na sunduin ako.

"Wait Ming, bakit di mo imbestigahan yung stylist mo? Malaki ang kutob ko na siya si Yo." Payo niya sakin.

"Para ano pa? Para masaktan ako ulit? At saka Mo, may asawa na yun." Pinaalam ko na sa kanya.

"Asawa?" Nagtataka siya nang nalaman niya na may asawa si Bas. "Nakita mo na ba yung asawa niya?"

"Bakit kailangan ko pa makita yung asawa niya? Para akong gago pag sinabi ko na gusto ko makita yung asawa niya."

Dumating na yung coaster ko at pumasok na kami ni Mo. Nag-iisip pa din siya tungkol kay Bas. Alam ko na nagdududa siya sa pagkatao ni Bas at ganun din ako. Pero, enough na siguro yun na magkaiba sila ng ugali at personalidad ni Yo.

"I'm so sorry Ming pero iba talaga ang kutob ko sa Bas na yun. I'm sure siya si Yo." Sabi niya sakin.

"Wag na natin palakihin 'to Mo dahil nakasama ko na si Bas for three days."

Tumango nalang siya at biglang may inabot sakin na paperbag na may lamang mango cake at pasta. Kahit paborito ko pa ang mga ito ay nawalan na ako ng gana dahil kay Bas. Matigas talaga ang ulo niya at ang bastos. Di lang niya pinaalam sakin na tatanggapin niya yung role at may contract pa siya samin ng manager ko. Kung pwede lang siya sipain kanina ko pa nagawa.

"San ka pala pupunta?" Tinanong ko siya dahil kanina pa siya napa-isip.

"Pupuntahan ko si Forth."

Summer's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon