Act 21. Guilt and Love (Part 2)

630 36 1
                                    

Mahigit 19 hours yung biniyahe ko at nakarating ako ng maayos sa New York. Gabi na ako nakarating at ang problema ko ngayon ay kung saan ako titira. Bigla ko naalala si dad at mom kaya bumili ako ng simcard dito para macontact ko man lang sila at magsorry.

Agad ko pinasok yung sim sa phone ko at tinignan ko yung FB Messenger. Mabuti naman online si daddy kaya nag video call na ako.

Sermon ang sumalubong sakin galing kay dad at napangisi nalang ako.

"Ano ba naisip mo ha at tumakbo ka pa nung nag boarding?" Tanong sakin ni daddy.

"I'm sorry daddy. Pero kailangan talaga eh."

"Nababaliw ka na talaga! Nagpa-iwan ka pa sa Bangkok."

"Again dad, sorry. Nasa New York ako ngayon."

"ANO!!!!!?" Napasigaw pa siya. "Bakit nandiyan ka ha?"

"Daddy, wag mo sana ipagkalat yung rason ko kung bakit nandito ako."

"Ano na naman yan bata ka? Pinag-aalala mo na ako. Mabuti sana kung nasa Bangkok ka nagpa-iwan."

"Ang totoo dad kung bakit ako nandito ay dahil andito si Wayo."

Kitang kita sa mukha ni daddy yung pagkalito. "Anak, kakalibing lang ng kapatid mo at sasabihin mo na buhay pa siya? Pareho kayo ng kuya mo, nababaliw na."

"Totoo po ang sinabi ko dad. Buhay po si Wayo."

Hindi naniwala sakin si daddy kaya di ko nalang siya pinilit.

"Dinala ni Pree at Joss si Wayo dito para ipagamot at malamang itago sa gustong pumatay sa kanya. Kaya, bigyan mo ko ng panahon na patunayan sa inyo na buhay si Wayo."

Napa-facepalm nalang si daddy.

"Sige, pag hindi mo napatunayan sakin na buhay si Wayo, pupunta ka dito sa London!"

"Okay dad." Ngumiti ako sa kanya. "Dad, I'm really sorry kung nagawa ko ito. Gusto ko lang makabayad kay Wayo sa ginawa ni kuya. Napakabigat kasi sa damdamin."

Hindi napigilan na umiyak ni daddy dahil alam ko na pati siya nasasaktan sa mga nangyari. Minahal kasi nila si Wayo na parang anak kaya ayon napagdesisyonan nila na lumayo. Hindi naman sinisi ni P'Joss yung magulang ko kaya nilipat nalang ng lugar para magtrabaho sa ibang company.

"Kung alam ko lang anak na labis na yung pagmamahal ni Phana kay Wayo ay sana di ko nalang pinakilala na stepbrother niyo siya."

"Okay lang dad. Hindi naman mahirap mahalin si Wayo kaya nga nagparaya ako kay kuya."

Quota na sa gulatan si daddy dahil inamin ko din yung pagmamahal ko kay Wayo.

"Don't worry dad. Hindi ako obsess kay Wayo. Gusto ko lang malaman yung kalagayan niya dito."

"Ewan ko sa inyo magkapatid. Yun nga lang, iba lang ang paraan ng pagmamahal mo kay Wayo kaya I'm proud of you, Oreo. Balitaan mo ko ha."

Tumango ako sa kanya dahil alam ko naniniwala siya sa akin.

"Alam ko na dinala mo yung credit card mo kaya gamitin mo ng maayos ha. Ako na ang magbabayad sa bill niyan."

Maswerte talaga ako dahil mabuti ang mga magulang ko. Nagpipigil ako ng luha ko dahil parang iiyak na ako eh.

"Sige anak, mag-ingat ka diyan ha."

Nagpaalam na ako kay daddy at naghanap ako ng matutuluyan para sa mga backpacker. Ayoko gumastos ng malaki para lang sa accommodation.

Summer's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon