Binisita ako ni mommy at may dala pa siyang mango cheesecake. I sliced the cheesecake at naglagay ako ng isang slice para kay mommy.
"Di mo naman ako sinabihan na nagbakasyon ka pala." Parang nagtatampo si mommy.
"Busy ka kaya sa business mo."
Kumain muna siya ng cheesecake bago nagsalita. "Kaya ko naman mag leave kahit isang araw anak para sayo."
"Maybe next time mom."
"Nga pala, nabanggit ni Joss na dumalaw ka sa puntod ni Yo." Sinabi niya sakin na may pag-alala sa mga mata niya.
"Oo. Two years na ako di nakadalaw kay Yo. Baka magtampo yun."
"So, okay ka na ba talaga?" Nagtaka ako sa tanong niya. "I mean, di ka na nahihiya nang nakita mo si Joss?"
Napainum ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Uneasy pa din yung feeling Ma. Parang nahihiya pa rin ako na humarap kay P'Joss."
"Wag mo na kasi sisihin ang sarili mo. Di ka naman nila sinisi eh. Ikaw lang ang nag-iisip nun."
Kahit ako pa yung nag-iisip ng ganun ay parte pa din ako sa pagkawala at pagkamatay ni Yo. Pero, ano magagawa ko eh nangyari na yun. Hindi pa ako kumportable na makausap si P'Joss.
"Nga pala. Magtatayo pala kami ng isang clothing line at gusto ko na..."
"Yes mom. Papayag ako na maging model mo." Siningit ko na kasi alam ko naman yung plano niya nang sinabi ni P'Joss.
"Okay. Sinabi pala ni Joss yung plano namin. Aasahan ko yan anak ha?"
Tumango ako sa kanya napakain sa mango cheesecake. Masarap siya pero namiss ko yung gawa ng baby ko.
"Naging successful ka sa modeling career mo anak at ang gwapo gwapo mo sa mga pictures." Puri sakin ni mommy.
"Thanks Ma."
"Pero ayaw ko yung naka brief ka lang." kitang-kita sa mukha niya na di niya gusto yung pagmomodel ko ng mga brief. "Malaki kasi yung bakat mo anak."
Talaga yun pa napansin ni mommy ha. Natatawa ako sa kanya kasi para siyang teenager ngayon na napatingin na sa mga nakabakat ng mga male models.
"Pinagpala siguro ako Ma." Biro ko sa kanya.
"Ayy ganun?" Sumabay siya sa biro ko. "Andami siguro naghahabol sayo ngayon."
"Baka, pero di ko sila i-entertain." Sagot ko.
"Si Yo pa rin ba anak?"
Ngumiti muna ako bago sumagot. "Yes Mom. Hanggang ngayon si Yo pa rin."
"Pwede ka naman tumingin sa iba anak. Ayoko lang na tumanda ka ng mag-isa. Baka sa home for the aged ang bagsak mo." Biniro pa niya ako.
Naisip pa talaga niya yun noh?
"Hindi naman. Baka sa tamang panahon mom...kung may magpatibok ulit sa puso ko."
Napabuntong hininga nalang siya. Alam ko kasi na concern siya sa future ko. Baka daw di ko na maisipan mag-asawa. Biglang nagring yung phone niya at sinagot niya. Napakain nalang ako sa mango cheesecake habang kinakausap niya yung nasa kabilang linya.
"Anak, kailangan ko ng umalis. Pupuntahan pa namin ni Joss yung location ng clothing line namin."
Tumayo na siya from the couch at niyakap ko siya bago siya umalis.

BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...