Oreo's POV
— Two Months Earlier —
Nagulat ako nang tumawag si P'Ming sa akin habang susunduin ko pa si Yo. Sinagot ko yung tawag nang nag stoplight.
"P'Ming, napatawag ka?"
"Oreo, magkita tayo. Alam ko na may nalalaman ka."
Hindi ko nagets agad yung sinabi niya hanggang narealize ko na kasama niya si Yo sa workshop nila kaya di na ako nagtanong dahil alam ko na tungkol ito ni Yo.
"Okay, saan tayo magkikita?"
"Sa condo ko."
"Magkita tayo after ko ihatid si Bas sa condo niya."
Binaba na niya agad yung tawag at nagmamadali ako puntahan si Yo. Nang dumating ako ay nakita ko si Yo na tulala. Nagbeep ako at bumalik siya sa wisyo niya dahil nasa harap na niya yung kotse. Agad siya pumasok at inutusan niya ko na ihatid pauwi.
Hindi siya nagsasalita habang nasa daan pa kami. Napansin ko na nag-iisip siya kaya di ko na mapigilan magtanong.
"Boss, may problema ka ba?"
Hindi muna siya sumagot sa akin dahil parang malalim yung iniisip niya. Inulit ko yung tanong ko at saka pa siya sumagot.
"No, I don't have a problem."
"Okay."
Hindi ko na siya kinulit dahil alam ko naman na may problema at saka ayoko din marinig ni P'Earth yung usapan namin dahil may nakakabit dito na bug...wire tap kung hindi ako nagkakamali.
Naka-uwi ng maayos si Yo at lumabas ako sa condo building. Tumingin muna ako sa paligid kung sinusundan ba ako ng mga bodyguards ni Yo at mabuti naman hindi. Sumakay agad ako ng taxi at pumunta sa condo ni P'Ming.
Kinakabahan ako nang nasa harap na ako ng condo unit ni P'Ming. Alam ko na tatanungin na niya ako tungkol kay Bas na si Yo. Kumatok ako at agad naman binuksan ni P'Ming pero nagulat ako nang makita ko ang mga kaibigan niya.
Bakit andito lahat ng kaibigan mo?" Tanong ko kay P'Ming.
"Oreo, kailan ka pa bumalik? Ang alam ko ay nasa New York ka pa." Sabi ni Kit.
"Five weeks ago." Sagot ni Oreo.
"Sinabi mo na ba sa kanila yung totoo?" Tinanong sakin ni Kit.
Parang ito na siguro yung panahon na sasabihin ko yung nalalaman ko tungkol sa nangyari kay Yo.
"Teka, ano ba talaga 'to at bakit tayo nagtitipon-tipon?" Tanong ni Mo.
"Dahil, may dapat kayong malaman." Sagot ko. "Itatama natin yung kasinungalingan."
Nagulat yung mga kaibigan ni P'Ming maliban kay P'Kit dahil nagkita kami sa New York last year dahil sa pagsunod ko kay Yo.
— Flashback —
"Pha, anong nangyari sayo?"
BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...