Pree's POV
— Flashback —
Napasok namin ng mga bodyguards ko ang warehouse kung saan tinago si Yo. Pinagbabaril ng mga bodyguards ko yung mga lalake na naka maskara. Agad ako tumakbo paakyat at pumasok sa isang kwarto. Nakita ko na nirerape ni Pha si Yo. Agad ko siya hinila at sinuntok ko ng malakas. Natumba siya sa pagsuntok ko at agad ko nilapitan si Yo. Tinanggal ko yung mga tali sa kamay niya. Yumakap siya sakin at umiiyak.
"Ohh! Andito na pala yung fiance. Hulaan ko, di mo pa rin natikman si Yo? Ang malas mo dahil naunahan pa kita." Sabi ni Pha.
Lalapitan ko sana siya para suntukin ulit pero pinigilan ako ni Yo. Dumating na din yung mga bodyguards ko sa kwarto at si Moo Wan. Inalayan ko si Yo na tumayo at lumabas kami sa kwarto. Nang lalabas na kami ng warehouse ay sumigaw ang isang babae na may hawak na baril. Nang nakita ko siya ay agad ko tinakpan si Yo gamit ang katawan ko.
Mabuti nalang ay natamaan ako sa balikat. Tumingin ulit ako sa babae na bumaril at agad siyang tumakbo ng mabilis. Inutusan ko yung ibang security ko na habulin nila yung babae.
Inutusan ko na din si Moo Wan na itakas na si Yo. Ayaw pa sana ni Yo dahil maiiwan ako pero pinilit ko sila kaya hinila siya ni Moo Wan. Binigay ko na din yung susi ng kotse ko.
Nang nakaalis na sila ay lumabas si Pha ng kwarto at hawak ang isang baril na nakatutok sa ulo niya.
"Ipuputok ko toh pag di niyo ko pinatakas." Pagbabanta niya.
Nakipag-agawan pala siya sa isang security ko sa loob ng kwarto. Di ko rin kayang pumatay ng tao at kung uutosan ko yung mga bodyguards ko na wag siyang patakasin ay baka maging iba ang tingin ni Yo sakin kaya sumenyas na ako na patakasin siya. Tumakbo si Pha sa may likod ng warehouse at agad lumapit yung mga security sakin ng napa-aray ako sa balikat ko.
Tinulungan nila ako tumayo at yung isang bodyguard ko ay pinunit yung long sleeves niya at tinakpan niya yung sugat ko putting some pressure. Inalalayan nila ako papunta sa kotse.
"Sundan natin sila Yo. Di pa yun nakakalayo." Utos ko sa kanila.
Mabilis nagdrive yung bodyguard ko. Medyo malayo-layo din ang narating nila Yo.
"Sir, may banggaan." Sabi ng nagdrive.
Tumingin ako at nakita ko may isang truck na umuusok. Pinalapit ko yung sasakyan at nanlaki ang mata ko nang nakita ko yung sasakyan ko.
Inutusan ko na ihinto ang sasakyan at agad akong lumabas. Tumakbo ako sa driver's seat at nakita ko si Moo Wan na duguan pero may malay pa siya."Sir Pree..." mahina na yung boses niya.
"Ililigtas ko kayo." Tinawag ko yung mga bodyguards ko para tulungan sila.
Hinila ko si Moo Wan pero di ko siya magawang ialis sa upuan niya. Masyadong wasak yung harapan ng kotse at baka naipit ang paa niya.
"Unahin niyo na yung pinsan ko." Sabi niya sakin kahit mahina na siya.
Inutusan ko yung bodyguard ko na hilahin nila si Moo Wan at pumunta ako sa kabila. Nakita ko yung sitwasyon ni Yo. Lumampas na siya sa windshield at duguan din ang ulo niya. Parang tumama yung ulo niya sa windshield bago nabasag. Napakasakit na makita ko ang minamahal ko sa ganitong sitwasyon. Umiiyak na ako ng hinila ko si Yo kahit masakit na yong balikat ko ay binuhat ko na siya. Tumakbo ako sa kotse at pinasok ko si Yo. Bumalik ako para kay Moo Wan dahil hindi pa nila nagawang i-alis siya. Tinulungan ko na sila hanggang nagsalita na si Moo Wan.
"Pree..." Pinatahan ko siya pero pilit pa rin niya magsalita. "Pree, kunin mo yung necklace na suot ni Yo at isuot mo sakin."
"Ha? Bakit Moo Wan? Ano naman ang iniisip mo?"
Tinanong ko siya.

BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...