<<Note: I'm sorry for the delay. I was admitted last week for 4days and recovering after I got discharged. Though this chapter together with chapters 9-11 were in draft days before I was admitted and also I was busy preparing for my case presentation. Supposedly, I was planning to publish chapters 8 & 9 after the case presentation but unfortunately, I got sick. Anyway, I will slowly publish the chapters 9-11. Thank you. 😊😊😘>>
——————————————————————————
Hindi ko maintindihan yung tanong niya sakin. Simple lang naman ang sagot kundi ako si Kim. Pero bakit iba yung timpla ng tanong niya?
"What do you mean?" I asked.
"I mean, sino ka ba talaga? Nagkita na ba tayo dati? O kilala mo ko noon pa?" Huwow!! Sunod sunod talaga ang mga tanong.
Ang totoo niyan ay naguluhan din ako kasi parang siya si Yo pero hindi niya ko kilala.
"Hindi kita ma gets Bas. Ano ba kasi iniisip mo at napatanong ka ng ganyan?"
Bago siya sumagot sakin ay parang napaisip siya dahil nakita ko sa mga mata niya na naguguluhan siya. Pareho talaga sila ni Yo, sobrang expressive ng mga mata yung tipong nasa mata lang niya alam mo na yung totoo.
"It seems familiar."
"Ang alin yung familiar?"
Parang nag-iisip talaga siya. "Nevermind." Tipid na sagot niya. "Magbihis ka na. May next outfit pa tayo."
Binigay na niya yung black long sleeves at ragged pants. Nagbihis na ako pero yung junior ko di pa humupa. Leche naman 'to oh!
Inayos niya ulit yung buhok na babagay sa outfit ko yung parang may tipong pagka badboy image at ang dali lang niya ginawa. Nagmumukha na akong gangster nung tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Pareho kami ng outfit pero yung hairstyle niya ay parang goodboy lang pero naglagay siya ng eyeliner. Nagulat ako nang lumapit ulit siya sakin. Tinanggal niya yung dalawang buttones sa long sleeves ko.
"This looks good if you show a little bit of your chest."
Wait, bakit na-arouse na naman ako sa ginawa niya? Shut it down Ming!!!
"Tara na?" Sabi niya sakin nang natapos na siya.
Bumalik ulit kami sa set at napa-nganga yung mga babae sa look ko.
"Ang gwapo ni Kim." Narinig ko yung bulong ng isang babae.
"Oo nga! Sino kaya ang stylist niya at kaya niyang pagwapohin ng masyado si Kim kahit ragged ang outfit nila."
Napangisi nalang ako sa chismis nila.
"Yung partner niya ay sobrang ganda. Mas makinis pa siya kesa sa atin gurl!" Patuloy pa din yung chikahan nila.
"Bagay sila teh! Para silang magjowa!"
Wow mga ate, wag gumawa ng chismis baka ma-issue kami.
"Bas, bakit ang galing mo magstyle ha?" Napa comment si Divine sa kanya. "Gusto mo ikaw na lang kukunin namin na stylist sa series?"
Napansin ko na kuminang yung mga mata niya. Talagang love niya yung trabaho niya as stylist. Pero bigla nag-iba yung expression ng mukha niya.
"I'm sorry P'. Parang hindi ko kaya pagsabayin yung acting at pagstyle."
Di ko akalain na tanggihan niya yung offer ni Divine. Pero, di naman siya malungkot at tama naman siya. Baka mapagod lang siya kapag siya pa magstyle lahat ng cast sa series na 'to.
BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...