Act 10. Doubts

695 37 1
                                    

Kanina pa masama yung tingin ko kay Pree dahil may something fishy sa kanya. Hindi naman siguro na coincidence ang lahat ng nangyari na siya ang asawa ni Bas.

"I've heard na naging sikat na model ka na Kim at ang asawa ko pa ang stylist mo." Sabi ni Pree sakin.

Nainis tuloy ako sa pagmumukha niya at yung mga ngiti niya na parang nanadya. Gigil na gigil ako sa kanya na malaman yung totoo. At saka, di niya ako tinawag sa totoo kong pangalan. Nakakapagtaka talaga.

"Oo at parang tadhana din na si Bas yung stylist ko." Sinadya kong inisin si Pree.

Pero, hindi man lang siya nainis sa sinabi ko. Nakangiti pa rin siya sa akin.

"Mabuti naman at si Bas yung stylist mo para mas sisikat ka pa lalo nat may upcoming tv series pa kayo ng asawa ko." Sabi niya sakin.

Tumingin agad sakin yung magjowa na parang gusto nila akong batukan ngayon. Busy kaya sila kaya di ko na sila nasabihan.

"Mas mabuti nga yun at makakasama ko si Bas ng mas matagal...yun ay kung okay lang sayo?" Trying to get into his nerves.

"Sobrang okay Kim. And I know my baby is faithful so I have all my trust in him." Confident pa niya sinabi sakin 'to.

"Thank you, daddy!" Sabi ni Bas sabay halik sa pisngi ni Pree.

Sobrang lovey-dovey silang dalawa na mas lalo kong kinaiinisan. Parang gusto ko bugbugin si Pree!!

"Pree, ano ba nangyari sayo after ng pagkamatay ni Yo? Bigla ka lang umalis ng bansa?" Napatanong si Forth.

"Daddy, may I know who's this Yo? Kim also called me Yo when he first saw me." Tanong ni Bas.

Base sa tanong ni Bas ay wala talagang nakwento si Pree tungkol kay Yo. Hindi nga niya alam na magkamukha talaga sila.

"Baby, he's my first love." Sagot naman ni Pree.

"Nang namatay si Yo ay di ko kinaya yung heartbreak kaya ako umalis at gusto kong kalimutan ang lahat until I found you." Dagdag ni Pree sabay tingin kay Bas.

"I'm sorry daddy."

Aba! May pa tweetams pa talaga tong si Pree. Kakainis!!!!

"It's okay baby. That heartbreak fade away when you love me." Sabi ni Pree.

"Magkwento ka naman Pree tungkol sa love story niyo ni Bas, kung saan kayo nagkita?" Tanong ni Beam sa kanya.

Napatingin ako kay Pree dahil gusto ko din malaman kung paano o saan sila nagkita. Feeling ko kasi may tinatago si Pree.

"I met Bas in a hospital kung saan ako nag-internship. That time naaksidente siya."

Aksidente?? Bakit pakiramdam ko ay hindi totoo yung mga sinasabi niya.

"Yeah. That time I lost my memories and my husband was my nurse." Sumingit si Bas sa pagkwento.

"When I first saw him, I was surprised na kamukha siya ni Yo so I volunteered to be his nurse in charge kahit ayaw ng chief nurse. Pero mapilit ako so wala na din sila nagawa. And that I'm helping Bas to recall all his memories but sad thing, he didn't." Kwento ni Pree samin.

Mukha naman sincere o totoo yung kwento niya at sumasang-ayon din naman si Bas.

"After that, my husband took me in and cared for me. Help me recover and cope up with time. He really cared for me till I get better until I fell in love with him." Kwento ni Bas na sabay tingin pa kay Pree at ngumingiti.

Summer's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon