Kim's POV
— One Month Later —
Hindi natuloy yung fashion show dahil namatayan daw yung fashion designer kaya sinulit ko nalang yung dalawang araw na off ko from work. Reschedule naman yung fashion show na yun.
Si Bas naman ay inaayos niya yung relasyon nilang mag-asawa. Huling pagkikita namin ay four days after niyang nakitulog sa condo unit ko. Kahit papano ay naging masaya ako sa gabi na yun na kayakap ko siya kahit iniisip ko na lang na kayakap ko si Yo. Wala naman nangyari sa amin dahil nirespeto ko pa din yung marriage nila.
Ngayon, nasa isang studio room ako para sa workshop. Mostly sa napiling casts ay wala pa dito at mabuti naman di pa dumating yung maghahandle ng workshop namin. Nagtext na din si Bas sa akin na malapit na siya at ito na rin yung araw na magkikita kami ulit after four days. Medyo excited din ako na makita ko siya ulit.
Mga ilang minuto, pumasok na yung ka third party namin sa series, si Tod. Binati ko siya at nag wai din ako saka ganun din siya. Kahit sa series may kahati din ako sa eksena kay Bas.
"Kim, wala pa ba si Bas?" Tanong ni Tod.
"Bakit mo siya hinahanap?" Medyo irritated yung pagkasabi ko.
"Gusto ko lang magpakilala sa kanya. Alam mo naman na ako yung third party niyo sa series." Ngumisi pa siya.
Hindi ko na talaga maiwasan na ma-annoy ako sa mga lalake na naghahanap at lumalapit kay Bas. Ganito din ako kay Yo dati.
"Ahh.. malapit na daw siya kaya anytime from now darating na yun." Pinaalam ko sa kanya.
"Mabuti naman. Gusto ko rin na magpractice ng lines with him para mawala yung awkwardness sa amin at maging ready when it comes to actual shooting na."
Parang iba yung pahiwatig ni Tod ah... o baka nag assume ako na may gagawin siyang iba. Ilang minuto lang yung nakalipas ay dumating na si Bas at kumaway ako sa kanya. Napansin niya ko at naglakad papunta sa amin ni To.
"Oh sh*t! Kinakabahan na ako na makasama si Bas." Bulong ni Tod sa akin.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Sobrang ganda kaya niya. Baka nga ma-in love ako sa kanya in the process of shooting."
Wow ha! May pa ganun na nalalaman tong mokong na 'to. Halos lalake ang nagagandahan kay Bas at gusto pa nila angkinin. Biglang tumayo si Tod ng nasa harap na namin si Bas.
"Hi Bas. I'm Tod at ako yung bubulabog sa love team niyo ni Kim."
Napatawa pa si Bas bago sumagot. "Hello and I'm Bas."
Nilahad ni Bas yung kamay niya as a gesture pero iba ang ginawa ni Tod na di ko kinaya. Nagbeso siya kay Bas!!!
"Ang lambot talaga ng balat mo. Kaya pala madaming lalake na gusto kang mahawakan."
Napatingin ako kay Tod nang sinabi niya yun. Bakit iba yung pakiramdam ko sa kanya? Parang may di magandang gagawin tong lalake na ito.
"Stop making lies Tod." Tumawa lang si Bas.
"Dito ka na umupo sa tabi ko." Pinutol ko na yung conversation nila.

BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...