Act 9. The Comeback

718 41 4
                                    

Naging busy kami buong umaga dahil sa mga photoshoots ko. Medyo demanding yung client kaya mabuti naman magaling si Bas sa pagstyle sakin kundi lagot kaming dalawa. Kasama din namin si P'Sean para sumuporta sa amin ni Bas.

Gusto sana ng client na isama si Bas sa photoshoot dahil para sa kanya bagay kami o meron daw chemistry. Pero, alam ko naman na ayaw ni Bas mag pose.

Nang matapos yung photoshoot ay umupo kami ni Bas sa couch dahil sa sobrang pagod.

"Pupunta ba kayo mamaya sa grand opening ng restaurant ng kaibigan ko?" Tanong ko sa kanya.

Nagyawn pa siya bago sumagot. "Titignan ko pa kung makakapunta kami ng asawa ko."

"Sana naman makapunta ka dahil gusto ka makilala ng kaibigan ko."

Tumango lang siya at pumikit. Nasa tabi ko lang siya nakaupo habang nag Facebook ako nang biglang sumandal yung ulo niya sa kanang balikat ko. Nakatulog siya dahil sa sobrang pagod kanina kaya hinahayaan ko na lang.

Bumilis naman yung tibok ng puso ko. Tinignan ko kung talagang natutulog siya. Di rin naman siguro siya nagkukunwari kaya kinuha ko yung ulo niya at nilagay sa lap ko.

Kahit anong anggulo ay mukha talaga ni Yo ang nakikita ko kay Bas. Hinawakan ko yung mukha niya habang tinititigan. Lumakas tuloy yung pakiramdam ko na baka tama yung hinala ni Mo. Baka buhay pa talaga si Yo at di siya yung namatay sa pagsabog. Napahawak na din ako sa labi niya tapos sa kamay niya. Bawat paghaplos ko kay nararamdaman ko talaga si Yo.

Tinititigan ko lang siya habang natutulog at naging masaya yung puso ko. Pero, hindi siya Yo, magkaiba sila ng ugali at pananalita. Kahit hawak ko yung kamay niya parang kakaiba yung nararamdaman ko. Kailangan ko na ba magmahal ulit? Pero may asawa na siya. Hindi talaga matatahimik ang puso ko sa pagtibok na parang kumakarera.

Mga 30 minutes na yung nakalipas nang nagising siya at ngumiti pa sakin. Kumakarera na naman yung puso ko.

"Gising ka na?" Tanong ko sa kanya.

"No, Kim... Nanaginip pa."

Aba! Pilosopo din pala siya. Narinig ko pa na nagchuckle pa siya.

"I'm sorry Kim if I slept." Napa-rub pa siya ng mga mata niya. "Wala na ba tayong gagawin mamayang hapon?"

"I think wala na. Yung photoshoot lang kasi ang nakasched sa umaga."

"Okay." Tumayo na siya at niligpit niya yung mga gamit. "I need to go Kim. My husband is waiting."

Ganun ba niya kamahal yung asawa niya na palagi nalang niya iniisip kapag tapos na yung trabaho namin? Kasi yung puso ko parang nasasaktan kapag binabanggit niya yung asawa niya.

"I'll go now Kim." He said.

Tumango lang ako at umalis na siya sa dressing room. Naiwan ako dito at napahawak sa kaliwang dibdib ko. May konting kirot!

—————————————————————————

"Bro, andito na kami sa baba ng condo mo."

Tumawag si Forth habang nag-aayos pa ako ng buhok ko. Gusto ko kasi yung hairstyle na ginawa ni Bas nung photoshoot namin sa series, yung parang ragged.

"Sandali lang Forth. Nag-aayos pa ko ng buhok ko."

"Bilisan mo na diyan baka magagalit si Mo pag nalate tayo."

"Oo na. Sige, ibababa ko muna 'to."

Dali-dali kong inayos yung buhok ko dahil naghihintay na sila sakin sa baba. Baka kasama na din niya si Beam. Nang medyo nakuha ko na yung hairstyle ay agad na akong bumaba.

Summer's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon