Pree's POV
Pinalaya ko na si Yo nang nalaman ko na unti-unti na bumabalik ang memorya dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kanya sa lahat ng kasinungalingan na ginawa ko.
Nagawa ko lang yung lahat dahil mahal na mahal ko talaga si Yo at ayaw ko sana na bumalik yung ala-ala niya nang nanging sobrang saya ko na. Kaso, hindi ko talaga kaya pigilan bumalik yung mga memories niya lalo na't naalala na niya si Ming at nanumbalik naman ang pagseselos ko. Selos at takot ang naramdaman ko nang nabasa ko yung conversation nila sa phone habang natutulog siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at napadala ako sa nararamdaman ko kaya nasaktan ko si Yo.
Tumira na si Yo kay Ming at masakit isipin na dito magtatapos yung kaligayahan ko. Hindi ko naman ipipilit kay Yo na mahalin ako kaya napagdesisyonan ko na yung annulment. Sinabi ko na yung plano ko magpa-annul kaso walang sinabi sakin si Yo. Pinirmahan ko nalang yung documents at tinago sa tuwing maisipan na ni Yo ang annulment.
"Pree, saan ka ngayon?"
Tumawag si Rambo sakin. "Nasa office ko, bakit?"
"Puntahan kita diyan. May sasabihin lang ako."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ng kaibigan ko. Papunta naman siya dito kaya malalaman ko din yun mamaya.
Nagpakabusy ako dahil ayoko isipin yung nangyari sa amin ni Yo. Gusto ko lang din makalimutan ang lahat.
Dumating si Rambo sa office ko na may dalang folder. Binigay niya sakin 'to at binuksan ko naman. Nakita ko mga larawan ni Yo at Ming na magkasama.
"Ano 'to Rambo?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig.
"Tignan mo ang asawa mo, may kabit!" Medyo napalakas yung boses niya. "Di ka ba nagagalit na nagtataksil ang asawa mo?"
Sinara ko na yung folder at tinabi sa may gilid. Kinuha ko yung mga papers sa kumpanya.
"Hindi. Sa totoo naman sila talaga ang nagmamahalan. Kahit nakalimutan ni Yo ang memorya niya, yung puso naman niya ang nagbalik sa kanya kay Ming." Sagot ko sa kaibigan ko na medyo galit.
"Bakit ka ba nagpakatanga sa taong yan kung alam mo naman hindi ka talaga lubusang minahal?"
"Alam ko na minahal ako ni Yo nang hindi pa bumalik ang memorya niya. Naramdaman ko yun mahigit limang taon."
Napatingin ako sa kaibigan ko dahil hindi siya umimik. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya ngayon.
"Eh pano kung ako na lang ang mahalin mo?"
Bigla akong natulala sa tanong niya dahil hindi ko inaasahan yun.
"Nagbibiro ka ba bro?"
"Hindi." Mukhang seryoso siya sa sinabi niya.
Tumayo ako at kumuha ng tubig sa refrigerator. Uminom muna ako dahil nag-iisip ako kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Noong bata pa tayo Pree, ikaw lang gusto ko. Hindi pa yun malala dahil gusto pa lang kita kaso naramdaman ko na mahal na kita." Dagdag pa niya. "Pero, naisipan mo magpakasal sa ate ni Yo kaya..."
Hindi niya tinapos yung sinabi niya. Nagtataka na ako dahil may gusto pa siyang sabihin kaso ayaw siguro niya na malaman ko.
"Kaya ano, Rambo?" Tinanong ko na siya dahil kanina pa ako naghintay sa sagot niya.
Napayuko siya at tumahimik. Bumalik ako sa upuan ko at inisikaso ko ang mga projects para sa kumpanya pero bigla akong kinain ng galit ko dahil sa sinabi ni Rambo.

BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...