It feels like this is the taste of the lips that I'm longing for. The smoothness of his skin, the breath that I also breathe, and the warmth that makes me at ease. This feeling leads me back to the past that I missed. The past that I once loved a person in my whole life. The person who kissed me back when I do it passionately.
"C-U-T!!!"
Napatigil ako sa paghalik pero nakadampi pa rin yung labi ko sa kanya. Sa kakaisip ko kay baby Yo ay narealize ko na si Bas pala ang hinahalikan ko. Agad binawi ni Bas yung labi niya. Tinititigan niya ko na at parang reaksyon ni Yo nung unang hinalikan ko siya. Yung titig na parang kinakausap ako, yung titig na puno ng emosyon na malalaman ko agad kung anong nararamdaman niya, at yung mga titig na dun ko palagi makikita yung totoo sa kanya.
Bakit ganun din makatitig si Bas? Naguguluhan na yung utak at puso ko. Yung puso ko ay tumitibok ng mabilis pero ang utak ko madaming iniisip.
"I'm sorry." Bulong ko kay Bas.
Nakatitig pa din siya sakin at kitang-kita ko sa mga mata niya na naguguluhan siya.
"Kim, that was too emotional!" Sabi nung lalake na pumigil kay Bas.
Humarap na ako sa kanila dahil parang sasabog na yung puso ko kay Bas. Nakikita ko talaga sa kanya si Yo. Pinunasan ko yung mga luha ko bago sila nagsalita ulit.
"Yeah! Naramdaman ko yung pagka-miss mo sa isang tao kahit yung pinagawa namin sayo ay yung nasaktan ka dahil iniwan ka." Sabi naman ng isang lalake.
"Nasaktan ka na ba Kim?" Tinanong ako ng isang babae na nakatayo sa likod ng mga panel.
"Hindi naman po." I lied.
"It feels like you've been hurt before. Kahit isang linya lang ang sinabi mo ay nararamdaman ko yung sakit." She added.
"Nga pala, sino pala kasama mo?" Tanong naman ng isang lalake na nasa may kanan.
Tinignan ko si Bas na nakatayo lang. Akala ko kasi ay umalis na siya. Parang nagulat din siya sa ginawa ko kanina.
"I'm Bas, his stylist." Sagot niya.
"Bakit di ka nag-audition kasama si Kim? May chemistry talaga kayo dahil sa halikan niyo. At saka, ang gandang lalake mo."
Totoo naman na maganda si Bas. Parang alam naman niya na ganun talaga ang tingin ng mga tao sa kanya.
"No, I was hired as a stylist only. And, I'm not good at acting." He honestly answered.
"Pero may workshop kami at kaya ka namin turuan kung paano umarte. Malay mo, marunong ka pala pero di mo pa lang alam."
Parang gusto nila kunin si Bas isa mga characters ng boys love series nila. Tanggap ko naman na di ako makuha dahil wala naman akong talent sa aktingan. Pero bakit gusto ko din matanggap kung sakali kukunin nila si Bas? Ang gulo ko!
"Sir, I'm sorry. Hindi rin ako official na nagpalista sa audition na 'to. I was only his stylist." Sabi ni Bas.
"Sayang! Mukhang sisikat ka eh."
Nakita ko na nagbubulungan na yung mga panel. Baka nag discuss na sila tungkol sakin. Napansin ko na aalis na sana si Bas pero hinawakan ko yung kamay niya kaya napigilan ko. Ayoko din maiwan dito mag-isa at kinakabahan din ako.
"Kim, tatanggapin ka namin in one condition..."
Ano raw? Kukunin nila ako na isang linya lang yung binitawan ko kanina? Mga weirdo!!!
"Ano po yun?" Parang sumang-ayon ako ahh!! Dapat di ko tatangapin.
"Dapat mo mapapayag si Bas na sumali sa series na 'to as your partner." Sabi nung babae na nasa likod.

BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romance"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...