Parang pinagbiyak si Yo at Bas sa iisang bunga nang nakita ko siya na bagong stylist ko. Yung hugis ng mukha, yung mata at pinkish na lips, yung kutis niya at pati height ay parehong pareho talaga maliban nalang sa buhok niya na parang grey. Pati yung boses niya ay kapareho ng boses ni baby Yo. Kaso, yung pananalita niya ay iba.
Nung siniko ako ni P'Sean at sinabihan ako na makipagkamay ay nagdalawang isip ako na hawakan.
"Okay. I think you're not in the mood to shake hands with me." Binawi na niya yung kamay niya at umupo sa couch.
Natulala pa rin ako sa nakita ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko na parang nagkarera.
"Kim, ano ka ba? Nakakahiya kay Bas." Bulong ni P'Sean sakin habang natulala ako.
Agad ako natauhan ng inirapan ako ni P'Sean. Umupo ulit ako sa couch at panay yung titig ko kay Bas. Magkamukha talaga sila ni baby Yo.
"Mr. Kim, will you tell me about yourself?"
Di ako agad nakasagot dahil na mesmerize pa rin ako sa kanya. Parang bumalik si Yo sa buhay ko pero sa ibang pagkatao nga lang.
"Kim!" Napalakas yung boses ni P'Sean.
"All I can say is..." napapause pa ako dahil nakatitig talaga ako kay Bas. "You're beautiful."
Parang nagtaka siya sa sinabi ko at bigla siyang napatawa. Nakisabay din si P'Sean tumawa na parang pilit pa.
"This is the 19th time that someone tell me I'm beautiful." Tumawa ulit si Bas.
Napansin ko yung pamumula ng pisngi niya at pati yun ay magkatulad din kay baby Yo. Napaisip tuloy ako na baka si Bas at Yo ay iisang tao. Kung ganun ang iniisip ko, sino yung nilibing namin?
Pero hindi naman siguro dahil magka-iba sila ng personality. Parang may pagka aggressive 'to si Bas at medyo straightforward. Tinignan ko yung kamay niya habang tumatawa siya at parang sinasabi ng utak ko na hawakan ko pero pinigilan ko yung iniisip ko. Narealize ko na lang na mali pala yung sagot ko kay Bas.
"I'm sorry. I mean, I don't have any preference when it comes to clothes. Just style it and I'm okay as long as it satisfy our client." Napa english tuloy ako dahil kanina pa nag i-english si Bas.
"It's okay to speak the native language. I can speak it too."
So kung kaya pala niya magsalita ng lingwahe namin ay bakit panay yung pag english niya. Dahil ba nakatira siya sa New York? Hindi kaya yun excuse.
"Dito pinanganak si Bas sa Bangkok at lumipat siya sa New York nung 10 years old siya." Sabi ni P'Sean.
Ngumiti siya sakin at di pa rin nawala yung pamumula niya sa pisngi. Hindi ko talaga magawa na di tumingin sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin dahil siguro magkamukha sila ng baby Yo ko.
"By the way, pinapunta agad ako ni P'Sean dahil may audition ka today kaya bumiyahe na ako the other day. I'm excited too to be back home." Kwento niya sakin habang natulala pa din ako sa ganda niya na katulad kay Yo.
"I already had a style in my mind for your audition later. And else, P'Sean told me about an upcoming fashion show this month." Kwento lang siya ng kwento habang ako titig ng titig sa kanya.
"I'll be working with you till you fired me?" Parang nagmock siya sakin pero di ko pinansin dahil di pa rin ako tapos sa pagtingin sa kanya.
Napatingin tuloy ako sa mga labi niya na pinkish. Parang gusto ko siyang halikan ngayon. Parang mina-magnet ako ni Bas. Yung kulay at kislap ng mata niya ay kapareho talaga ni baby Yo. Yung pagsmile niya, yung built at kahit anong parte ng katawan niya ay pareho kay Yo.
BINABASA MO ANG
Summer's Kiss
Romansa"Let's go somewhere where the stars kiss the ocean." This the sequel of my first work "Spring of Love". The only constant in this world is change just as the characters. The story continues as they challenge again for the sake of love. Note: Some of...