Act 30. Rescue

598 38 6
                                    

Kim's POV

Nakatakas ako sa mga goons na dumukot kay Wayo. Agad ko pinuntahan si Oreo sa bahay niya. Nagulat siya kung bakit messy ang hitsura ko ngayon.

"Ano nangyari sayo P'Ming?"

"Dinukot nila si Wayo!"

"Ano?!" Napasigaw si Oreo nang pinaalam ko sa kanya. "Akala ko ba mahigpit yung security mo at ni Pree."

"Mahigpit nga kaso binayaran sila ng malaking halaga." Sabi ko sa kanya. "Kukuha pa ako ng bagong bodyguards."

Nasabi ko yun dahil pati yung bodyguards na palaging sumusunod kay Yo ay tumulong pa sa pagbugbog sakin.

"Anong gagawin natin P'Ming? Baka ano na gawin nila kay Wayo." Takot na si Oreo sa kalagayan ni Wayo.

"Wag kang mag-alala Oreo. Naglagay ako ng tracker chip sa pantalon ni Yo."

Mabuti nalang na naisip ko yun dahil malakas yung pakiramdam ko na may mangyari sa event. Habang naliligo si Yo kanina pagkatapos namin magsex, doon ko nilagay yung chip, isang tracker chip para alam ko kung saan si Yo.

Kaya nga ako nakipagsex kay Wayo dahil kinabahan ako bigla pagkatapos ko naligo kaninang umaga. Napakalma din naman ako.

Dala-dala ko pa yung laptop ko at pinabuksan ko kay Oreo. Nagtrack na si Oreo gamit yung software at nakita niya sa map yung red na nag-identify kay Yo. Lumabas yung address at nagtaka ako kung bakit sa office ni Rambo.

Naglinis ako ng mukha dahil medyo duguan at saka kami umalis ni Oreo. Mabilis yung pagdrive ni Oreo at tinawagan ko yung mga securities ko na pumunta sa address na binigay ko.

Biglang napatawag si Mo. "Ming, anong nangyari sa fashion show at bakit nakipagsuntukan ka?"

"Dinukot nila si Yo." Yan lang ang nasabi ko.

"Ano?!" Pareho sila ng reaksyon ni Oreo. "Tatawagan ko si Pree."

"Wag!! Baka kasi pati si Pree nadukot din. Wag mong tawagan baka malaman ng dumukot sa kanila na alam natin kung anong nangyari kay Pree."

"Sige... tatawagan ko si Kit para tulungan tayo."

Agad ko binaba yung tawag at malapit na kami sa company building ni Rambo. Napansin namin ni Oreo na madaming security na nakaabang sa labas kaya mahihirapan kami.

"Anong plano mo P'Ming?"

"Dumaan tayo sa likod."

Bumaba kami at nagkunwari na dumadaan lang at agad kami tumakbo papunta sa fire exit ng building na nasa likod.

"Oreo, tignan mo yung tracker, dali." Utos ko sa kanya.

Nakita namin na nasa building pa si Yo.

"I.track mo kung saang floor sila." Utos ko ulit.

"Nasa 11th floor, yung penthouse ng building na ito."

"Tara!"

"Teka P'Ming, gumalaw yung red."

"Ano?!"

Hinintay pa namin yung red tracker kung saan pupunta. Bumaba ito ng mga ilang floors hanggang sa basement 2.

"Bumalik ka sa kotse at mag-abang." Utos ko kay Oreo.

Agad ako tumakbo sa basement floor na di naman masyadong malayo sa kinaroroonan namin.

Hinanap ko kung saan sila hanggang nakita ko na may grupong lalake at isang babae na may hawak na baril. Nakita ko na pinasok nila si Yo sa van at agad ako bumalik sa kotse.

Summer's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon