Act 1. Friends

1.1K 51 1
                                    

Sa dami ng trabaho ko nung mga nakaraang araw ay sa wakas nakapag-break ako. Sabado ngayon at magkikita kami nila Forth at Mo... at yung taong na may galit ata sakin noon na si Beam.

Nang nalaman ko na magjowa yung kaibigan ko at si Beam ay parang bumabalik yung koneksyon ko sa nakaraan, lalo na't kaibigan pa ni Phana. Hindi ko talaga maisip na kung paano sila naging magkarelasyon.

Maaga ako umalis ng condo at naghihintay na ako dito sa airport. Nainip ako at halos matapos na yung playlist sa iPod shuffle. Nauna na ako magcheck-in kaya nasa waiting lounge na ko. Nagtext din sakin si P'Sean na ginawa na niyang off yung Sunday ko kaya sa Monday na ko babalik ng trabaho. Nagulat ako nang may biglang nagtanggal ng earphones.

"Muntik na kita di makilala Ming."

Panira talaga ng mood 'to si Mo. Nag-eenjoy na sana ako sa pakikinig ng music.

"Ang tagal mo!" Reklamo ko sa kanya.

"Excuse me! Ikaw kaya tong maaga." Sabi niya sakin.

"Ayoko maiwan ng eroplano kaya maaga ako. Saka, umiwas na din sa traffic."

Umupo siya sa tabi ko at napansin ko na malaki yung bag niya. Parang magkacamping siya. Ibabalik ko sana yung earphones sa tenga ko pero pinigilan niya ko.

"Minsan nga lang tayo nagkita at mas gusto mo pang makinig ng music kesa kausapin ako." Nagtatampo naman siya oh!

"Ano naman pag-uusapan natin? Nasa social media naman yung mga ganap sa buhay ko." Naging sarcastic yung dating ko sa kanya.

Nag sigh siya bago nagsalita. "Nagbago ka na talaga Ming." Pinaalala na naman niya sakin yung mga pagbabago ko. "Pati pangalan mo binago mo din."

"Screenname ko lang yun. Ayoko kasi gamitin yung totoong pangalan ko sa trabaho."

"Bakit naman?" Tanong niya sakin.

"Dahil hindi ko gusto dalhin yung buhay ko as Ming sa career ko. Alam mo naman na madali masangkot sa mga issue pag sikat ka. Ayoko din sirain yun paghihirap ni mommy sa business niya." Paliwanag ko sa kanya.

Napafrown pa siya sa paliwanag ko. "At sino naman nagsabi sayo na sikat ka ha?"

"Yung mga tao? I guess?" Nagkunwari pa ako kahit alam naman namin na sikat na din ako as a model.

Bigla nalang siya napahalakhak ng malakas. Hanggang ngayon loka-loka pa din siya. Pero namiss ko din yung companionship niya gaya nung binisita nila ako sa New York two years ago.

"Ikaw? Kamusta na ang pagiging chef mo?" Tinanong ko na siya dahil mahigit dalawang buwan na kami hindi nagkita at saglit lang din yung kwentuhan namin sa chat.

"Heto, magbubukas na ako ng second branch ng restaurant ko. Medyo busy nga ako last month dahil sa pagprepare ng bagong restaurant." Kwento niya.

Nag-aral si Mo sa Europe after ng graduation niya three years ago. Almost two years siya nag-aral ng culinary at bumalik siya ng Bangkok nang natapos niya yung lessons. Magaling siya magbake ng pastries at saka magluto ng ibat-ibang putahe from different cuisines. Talent na niya ang pagluluto. Kaya nga pag successful yung fashion show na kasama ako ay magkaka-diabetes ako sa isang malaking mango cake na bigay niya. Minsan nga pinapasara ko pa yung restaurant niya dahil doon ako kumakain. Ayaw niya kasi na maraming tao at media na magpapicture sa kanya. Sabi pa niya hindi daw photoshoot set yung restaurant niya. Kaya ayon, sa tuwing maisipan kong kumain, sirado agad yung restaurant niya.

"Ang dami ng nagbago after three years. Ikaw isang sikat na model at si Forth naman 3rd year medical student na." Nagsisimula na magdrama si ate.

Summer's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon