Chapter 5

105 13 3
                                    

Chapter 5
Appearance

Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang pumasok ako. Lahat ay tila natatakot gumawa ng maling galaw. Si Ma'am Vanellope ay seryosong nagsusulat ng kanyang leksyon sa Blackboard na nasa kanyang harapan.

"Excuse me Ma'am,Sorry I'm late." Panimula ko habang Pilit na binabasag ang nakakabinging katahimikang bumabalot sa aming classroom.

Hindi lumingon sa aking kinaroroonan si Ma'am Vanellope. Sa halip ay nagpatuloy sya sa pagsusulat. Ni hindi rin sya nag-abalang sagutin ako.Ang dating class A na sobrang active ngayon ay nagmistulang hardin na wala nang kabuhay buhay. Like a retro cinematic scene where all you can see is monotonic sadness. Walang kakulay kulay.

Pinili ko na lamang umupo sa aking upuan at makisabay sa katahimikang nabubuo dito sa aming silid.

Ilang saglit pa ay tumayo si Elaine. Her eyes darted on me as if she's blaming me for something I didn't do.

"Kasalanan mo lahat nang ito!" She shouted sabay turo sa akin. Lumingon lingon muna ako para siguraduhin kung ako nga ang tinutukoy nya.

Elaine Delaney O'brien a bitch. Just by saying She's a bitch, maiintindihan mo na kaagad kung anong klaseng tao sya. She's woman coated with bitterness all over her vessel. She likes Jude very much na kahit lumapit lang ito sa isang babae ay nagagalit na sya. She's a total brat who treats almost everyone in a savage manner.She never liked me ever since. Though magkaibigan sila ni Larra at napapasama sya sa aming bonding, nararamdaman ko na napipilitan lang syang maging mabait sa akin knowing that I'm Larra's friend;pero in reality, alam kong abot langit ang galit nya sa akin.

"Ako?" Pagkukumpirma ko.

"Sino pa ba? Oo, ikaw!" Sagot nya habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.

Gusto kong sigawan din sya ngunit ayoko ng gulo kaya hinayaan ko syang sabihin kung anong gusto nyang sabihin.

"Alam ko ikaw ang pumatay kay Jude. Pinalabas mo na may gustong pumatay sa kanya para hindi namin malaman ang totoo mong balak." Sambit nya.

Sasagot na sana ako pero bigla namang tumayo si Larra.

"Hey Elaine, watch your words." She reprimanded.

"Totoo naman diba? Jude is our Valedictorian dapat kung di lang pumapel tong si Shaen. Can't ya'll see na matapos ang first semester, hindi na masyadong active si Jude? That's all because hindi sya ang nanalo bilang Student Council President at ang nanalo ay itong si Shaen. Siguro umalma si Jude dito kay feeling damsel in distress kaya pinatahimik sya ni Shaen by killing him!" Pamimintang ni Elaine sa akin.

The tension rose pero hindi padin tumitigil si Ma'am Vanellope sa pagsusulat. Tumayo ako upang sagutin si Elaine.

"Yes, natalo ko sya. Pero sa tingin nyo ba ginusto ko yun? These achievements are all nothing to me! Kung yun ang basehan mo para pagbintangan akong mamamatay tao. Napakababaw mo naman atang mag-isip." At tuluyan nang napigtas ang kakarampot na pasensyang aking pinipilit igawad sa kanya.

Wala syang karapatang pagbintangan ako dahil ako mismo hindi matanggap ang mga nangyayari. Ako mismo,naguguluhan!

"You bitch," umambang sasampal si Elaine sa akin ngunit natigil kami nang biglang hinampas ni ma'am Vanellope ang kanyang desk.

"Magsitigil kayo!" Sigaw nya habang umiiyak.

"Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kung hindi ko sana pinaalam sa inyo ang tungkol sa Erotic Lair, wala sanang mapapahamak ng ganito. I'm better off dead." Pag-amin nya sa kasalanang hindi nya naman ginawa.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon