Chapter 17

39 13 4
                                    

Chapter 17
Truth

"Kabaliwan! Transferee? May alam. Manahimik ka Zoie kung ayaw mong tapusin ko ng maaga buhay mo." Pagtataray na naman nitong si Ira. Alam ko hindi sya maniniwala na mas marami pakong alam sa kanya.

Napabuntong hininga ako at kinapa ang switch ng ilaw nitong silid. Nang magtagumpay ako sa pagpapailaw nito, nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Of course I know who's that Narcissus Guy. He's my ex. My first love." I said.

Masakit maalala kung paano natapos ang lahat sa amin. Pero mas masakit maalala na dati kaming masaya. Na dati, may isang sya at ako.

"Tangina mo pala Zoie. Bakit hindi mo sinabi agad sa amin na Kilala mo sya? Pinagtatakpan mo ba sya? Baka ikaw si Mnemosyne." Pang-aakusa nya.

"Hindi ako si Mnemosyne. At hindi ko sya pinagtatakpan. Hinihintay ko lang na ipakilala nya ang sarili nya dahil ayokong pangunahan ang mga desisyon nya. And btw, patay na yung tinutukoy mong si Mnemosyne pinatay sya ni Shaen. Kanina lang." sagot ko.

"At sino naman si Mnemosyne aber?" Tanong nya.

"Si Larra."

Ira's POV
Gagong Zoie to uupakan ko na talaga to. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nya pa ako dinala dito gayong wala naman syang matinong sinasabi.

"Gago!" Mura ko.
"Okay, alam ko namang hindi ka maniniwala pero bahala ka. Basta nagsasabi ako ng totoo." Mahihimigan ang pagiging hopeless na mapaniwala ako sa pagkakadeliver nya nung sinabi nya.

"Narcissus' Mother died when we were still in grade 10. Hindi pa kami naghihiwalay nun. And you know who killed his mother? It's his father." Panimula ni Zoie.

"At bakit naman magagawa ng papa ni Narcissus yun? Sa mismong asawa nya pa? Hibang na ba sya?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Of course he'll do that. Nalaman kasi ng mama ni Narcissus na may kabit itong papa nya. Sa sobrang desperada ng mama nya nung mga panahon na yun, handa nya nang patayin ang papa ni Narcissus para lang hindi ito mapunta sa iba but unfortunately, naunahan sya ng papa ni Narcissus kaya namatay ito." Patuloy nya.

"After killing Narcissus' mother, tumalon sa tulay ang papa ni Narcissus upang pagbayaran ang nagawang kasalanan. No one found his dead body the week after the rumored incident. Nakita na lamang nila itong naaagnas na isang buwan ang nakalipas."

"He's so devastated back then. Nakita din namin si Shaen sa hospital nung araw na dineklarang patay na ang mama ni Narcissus. And I must say, mapaglaro nga ang tadhana. Sinong mag-aakala na ang kabit ng papa ni Narcissus ay sya rin naman palang mama ni Shaen."

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking buong katawan sa narinig. Hirap din akong isink in ang mga nalamang impormasyon sa aking utak. Masyadong mabigat.

"Nakausap ko din si Narcissus bago mangyari tong mga nangyayari ngayon. Nakipag-inuman pa nga sya sa akin e. And he told me about how he love Shaen that much to the point na hindi nya ito kayang idamay sa mga kasalanan ng nanay nya. He made erotic lair just to be close with her but as time passes by, nabaliw na masyado si Narcissus kay Shaen. Minsan hindi nya na alam ang ginagawa nya." Dagdag nya.

"Bakit mo sinasabi sa akin to?" Tanong ko kay Zoie habang nangangatog ang aking mga paa.

"Kasi alam kong kaya mo silang protektahan." Sagot nya.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng takbuhan mula sa taas nitong underground mayroon ding sumisigaw. Sa pagkakaalam ko si Aimah iyon. May isang malakas na tunog din ng Chainsaw ang narinig ko mula sa itaas.

Tumayo ako upang iligtas ang kaibigan ngunit agad naman akong pinigilan ni Zoie.

"Kaya mo silang protektahan Ira pero hindi sa ngayon."

Ang gulo. Bakit hindi ko alam kung anong pwede kong gawin?

Shaen's POV
Nagulat ako ng biglang nagvibrate ang cellphone na nasa aking bulsa. I switched it on silent mode simula nung natapos ang limang oras na binigay ni Narcissus sa amin dahil ayokong mapahamak pag may nakarinig ng ringtone ko. Hindi pa naman ako pwedeng magtiwala sa kahit na isa sa amin.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuhay ito upang basahin ang mensaheng kakarating pa lamang.

One Aimah Down.
-Narcissus

Wala na sa Aimah. Patay na sya.

Nagflashback bigla sa akin yung ala-ala nung sinabi ni aimah sa akin na pag naging beteranong doktor na daw sya, ako daw ang una nyang gagamutin. Naiiyak nalang ako nang malaman kong wala na pala sya. Ang sama mo Narcissus.

Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone nang may biglang naglagay ng sako sa ulo ko at binuhat ako papalayo sa aking pinagtataguan.

Naglakad lamang ang may karga sa akin. Ilang saglit pa ay naramdaman kong inilapag nya ako sa isang upuan sabay itinali ang aking kamay.

Matapos akong itali, tinanggal nya ang sako sa aking ulo at bumungad sa akin ang mukha nyang nakamask. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Bakit ganun? Parang nakita ko na tong pares ng mga matang ito sa kung saan.

Hindi ito mata ni Carl. Hindi rin mata ni Gino or maging kay Lazarus. Kilala ko itong mga matang ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko lang talaga maaalala kung sino.

Matapos makipagtitigan sa akin, hinaplos nya ang aking mukha bago sya tumalikod at nagtungo sa isang malaking screen ng auditorium at pinagmasdan ang mga nangyayari sa labas nitong silid.

Naaawa kong tinitingnan ang mga kaklase kong halatang takot na takot at halatang ayaw din pumatay.

"Pakawalan mo nalang kami Narcissus. I can marry you if you want." Pagkasabi na pagkasabi ko nung mga binigkas kong salita. Humarap ulit sya at mabilis nangtungo sa aking kinauupuan at ginawaran ako ng napakalakas na sampal. Halos madurog ang aking mukha sa kanyang ginawa.

Iniangat nya ang mukha ko gamit ang kanang kamay, habang hinuhubad naman ng kanyang kaliwang kamay ang maskarang nagkukubli sa kabuuan ng kanyang mukha.

Nang tuluyan nya nang matanggal ang maskara. Naestatwa agad ako sa aking kinauupuan at hindi makapaniwala sa natuklasan.

"J-jude?" Nanginginig kong tanong. Hindi. Patay kana jude. Panong nangyari na ikaw si Narcissus.

"Namiss mo ba ako Vishaentra Del Mundo Marshall. My persephone, my princess, my queen?" Nakangisi nyang amin sabay haplos muli sa aking mukha.

"Bakit? P-patay kana diba?" Nanginginig ko pading sagot.

"Tanga lang kayo Shaen. Hindi madaling namamatay ang masamang damo. Ni hindi nga kayo nakalapit sa bangkay ko nung idineklara akong patay e." Sagot nya.

"Alam mo bang nagalit ako sa Nurse ng Hotel namin sa Mt.Déces ng dahil sa katangahan nya. Ipapadala nya daw sa pamilya ko ang aking bangkay para icremate. Gago sya muntik ko syang sesantihin sa pagkakamaling yun. Hindi nya ba alam na wala akong pamilya?" Ani Jude habang matutunugan ang pagkairita.

Mas lalo syang lumapit sa akin upang kunin ang ang aking kamay. Nang makuha nya ito, idinampi nya ang kanyang labi rito upang magtanim ng isang halik.

"Shaen, be with me and be my queen. I'll give you everything you desire my lady." Aya nya habang di padin binibitawan ang aking mga kamat.

Naiyak na lamang ako habang hindi padin makapaniwala sa nangyayari. Ang hirap i sink in sa utak. Nanginginig ang buong katawan ko at nangangatog ang aking mga tuhod.

Naiinis tuloy ako sa sarili ko kung bakit ako pinanganak na tanga.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon