Chapter 6

84 14 2
                                    

Chapter 6
Reason

Isang buwan na din ang nakakalipas nang nangyari ang tragedyang kumitil sa buhay ni Ma'am Vanellope at ni Ayna. Paunti unti nang nakakaahon mula sa pagdadalamhati ang aking classmates; Kahit papaano'y nakakangiti na sila ng totohanan.

Umayos kaming lahat ng upo nang biglang pumasok principal ng aming school. Siguro may iaanunsyo sya na kung ano kaya sya nandito.

"Okay Class A, it's been one month na puro substitute teacher lang ang nagtuturo sa inyo tuwing time ni Ms.Vanellope. And nadidistorbo na ang free time ng ibang teachers." Panimula nya.

"Dahil dun, humanap kami ng papalit sa kanya" dagdag nya.

"Mr.Echavez," sabay senyas sa taong nasa labas na pwede na syang pumasok.

Isang lalaking di gaanong katangkaran at nakasalamin ang pumasok sa aming silid. Sa aking tantya ay nasa mga mid 30s ata ang edad nitong isang to.

"Mr.Echavez Introduce yourself." Utos ng aming principal.

"Hi,Goodmorning I'm Javier Francisco Echavez, your new adviser. I'll also be here during your psychology subject." Pagpapakilala nya. Madami pa syang sinabi aside from that pero hindi na ako nag-abalang makinig.

Wala kaming masyadong ginawa sa advisory Class namin dahil puro lang sya introduce yourself. Nag suggest na kami na wag nalang pero sabi nya, dapat daw para makilala nya kami isa-isa.

I opened my phone. Nagtungo ako sa facebook na application. Naiiyak nalang ako nang makita ko ang picture namin ni Ira,Larra at Aimah. Isang taon na din pala tong litratong ito.

Abby is my neighbor.She's the korni type of person na napakachildish. She's also hospitable kaya kahit na hindi ako masyadong palakaibigan ay naging magkaibigan kami. Magkaharap lang ang bintana ng mga kwarto namin. Tuwing gabi, sumisilip sya doon at kumakaway sa akin. I find her weird kaya lagi ko syang pinagsasarhan ng kurtina. She's so persistent when it comes to catching my attention. But I'm also persistent in getting rid of her. We're always like that hanggang sa naging magkaklase kami. Natutunan ko syang tanggapin bilang kaibigan ko and I was right at making that decision. Nakakapanghinayang lang na wala na sya.

Napaupo na lamang ako nang walang magawa kundi tanggapin ang sobrang pait na katotoohanang wala na sila. Na hanggang sa Ala-ala ko nalang sila pwedeng makasama.

Nagpakawala ako ng isang malalim buntong hininga bago ako nagpatianod sa aking antok.

NARCISSUS' SHORT POV
Isang buwan na din ang nakakalipas simula nung pinili kong wag na munang guluhin si Shaen. Isang buwan na din nang pinili kong patayin si Abby at lasunin si Ayna. Yes kagagawan ko ang lahat ng ito.

Marahil napapatanong kayo kung bakit kailangan kong patayin si abby; kaya bibigyan ko kayo ng kakaunting kaalaman.

Flashback- - -
"Isusumbong kita sa kanila!Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan" Pananakot ni Abby sa akin nang makita nya ako isang hating gabi sa Mt.Déces.

"Hanggang saan lang ang alam mo?" Tanong ko upang kumpirmahin ang iniisip ko na wala pa syang masyadong alam.

"Lahat, I know ikaw si Narcissus. Alam ko lahat." Sagot nya sa tonong nanginginig. Shit masisira lahat ng pinagplanuhan ko kapag nagsalita itong isang to.

"Mapag-uusapan pa ba natin to?" Tanong ko sa kanya habang pilit na hinahabaan ang aking pasensya.

"No, magsusumbong ako sa Autoridad as soon as makababa kami rito. You're not doing the right thing. Whatever your reason is, wala akong pakealam dahil alam kong wala ka namang magandang gagawin." At tuluyan na syang tumakbo papalayo sa akin.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon