Chapter 14

49 12 1
                                    

Chapter 14
Zoie

Namatay ang apoy na nakatulala kaming lahat. Balisa, hindi alam kung anong gagawin at hindi alam kung paano magsisimula ulit.

Lumapit ako sa may lata at tiningnan ang itim at sunog na balat ni Elaine at Damon. Napahagulgol na lamang ako sa nakita.

Sa kalagitnaan ng aking paghagulgol, biglang tumunog ang bell ng school namin. Senyas iyon na sa mga ganitong oras, dapat uwian na.

Naglakad ako papunta sa gym. Sumunod naman si Sir Javier at ang aking natitirang mga kaklase. Nang nasa may pintuan na kami, napansin kong nag-iba ang display sa LED screen.

Picture ito ng isang babaeng nakasabit gamit ang isang alambre habang naliligo sya sa kanyang sariling dugo.

Game #2: I looked above the night sky and saw your eyes twinkle brighter than the stars and the moon. Oh dear, there's nothing I wanna dive into but your eyes.

Naramdaman kong may kung anong malapot at mainit na likidong tumulo sa aking mukha. Agad ko itong pinalis at tumingala. Nanlamig na lamang ako nang nakitang nakabitin ang katawan ni Angelie.

"What the fuck." Inis kong sambit na sya namang nagpatingala rin sa aking mga kaklase.

Nagpanic ang buong klase at hindi alam kung paano namin ibababa si Angelie sa taas. Umiiyak ito ngunit hindi na ito makapagsalita dahil sa may nakatakip na binalatang patay na daga sa bibig nito.

Putol na ang mga daliri ni Angelie at may nakasulat sa kanyang mukha na Death.Hindi ko maiwasang masuka sa nakikita ko. Napakasama mo talaga Narcissus.

Sa muling pagkakataon, tumunog na naman ang speaker. Hudyat na mayroon na namang ibibigay na instructions si Narcissus.

"She will die in 2minutes. You don't have any other choice but to find a way to bring her down. Calling the police is nonsense for I'm monitoring every phone call you're trying to make." Panimula nya.

"Ano bang gusto mo? Ako nalang patayin mo!" Halos maputol ang ugat ni Crystal sa lakas ng sigaw nito na agad namang pinigilan ni Aimah.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Masyado na syang malupit.

"Wag kang mag-alala Crystal, isusunod kita. Wait a little longer babygirl."Sagot ni Narcissus sa daing ni Crystal.

"I'll help you take your friend out of that wire." Dagdag nya.

"May ladder sa New storage room malapit sa room natin. Pwede nyo yung gamitin para makuha nyo yang kaibigan nyo. Your 2 minutes starts now."

Mabilisang tumakbo si Zeph,Gino at sir Javier palabas ng gym upang hanapin ang ladder na tinutukoy ni Narcissus. Ako naman ay napahilamos nalang ng aking kamay at umupo sa gitna ng gym.

Si Zoie naman ay naninigarilyo sa upuang may di kalayuan sa bleachers na parang wala lang ang lahat.Bawal yun. Bawal ang sigarilyo dito sa school. Pero sa panahong to, wala na akong pakialam kung anong bawal at hindi kaya hinayaan ko nalang sya.

"Wala na tayong magagawa, hayaan nalang natin syang mamatay." Ani Lazarus na nakaupo sa bleachers nitong gym.

Nilapitan sya ni Ira habang ang mga nag-aalab na mata nito ay nakapako sa direksyon ni Narcissus.

"What now?" Tanong ni Lazarus ng mapansing galit na galit na lumapit sa kanyang harapan si Ira.

Hindi umimik si Ira at ginawaran ng isang malakas na sipa sa Mukha si Lazarus.

Pumutok ang labi nito at dumugo ang kanyang matangos na ilong.

"Hey! Ano bang problema mo." Galit na tanong ni Lazarus.

"Isn't it obvious na ikaw ang problema ko? Sa dami ng nangyayari, may gana ka pang sabihin yan? Napakawalang hiya mo Lazarus." Galit na galit na tugon ni Ira. Akmang susuntukin nya na sana si Lazarus nang bigla na lamang bumagsak ang katawan ng walang buhay na si Angelie.

"ANGELIE!" Mangiyak ngiyak na sigaw ni Crystal sabay takbo papunta sa walang buhay na katawan ni Angelie.

Inalog alog nya ito sa pagbabakasakaling magigising pa ang dalaga pero wala na.

Nadungisan ng dugo si Crystal ngunit ayaw nya pading bitawan ang bangkay ni Angelie.

"Napakasama nila. Wala silang kaluluwa!" Nanginginig na umiiyak si Crystal habang sinasambit ang mga salitang iyon. Mahihimigan ang naghahalong galit at pighati sa kanyang tinig. Naaawa ako sa kanya. Dalawang mahalagang tao na ang nawala sa buhay nya. Hindi ko na tuloy alam kung kakayanin na pang makasurvive pag nakalabas sya dito ng buhay.

Maya maya ay bumalik na sila Zeph sir Javier at Gino. Napasabunot na lamang sa kanyang buhok si Sir Javier habang si Zeph naman ay iyak ng iyak.

Lumapit ako kay Crystal upang tingnan ang bangkay ni Angelie. Para akong binuhusan ng kumukulong mainit na tubig nang makita ko sa kanyang kamay ang kwintas na binigay ko kay Larra nung Birthday nya.

Mabilisan kong hinablot iyon sa kamay ni Angelie at nagtungo sa tabi ni Zoie kung saan nakalagay ang aking bag upang hanapin ang patalim na lagi kong dala.

"Sama ako." Mahinang sambit ni Zoie nang makita akong may hinahanap sa bag ko. Ngunit hindi ko sya pinanasin. Sa halip ay nagpatuloy ako sa paghahanap.

"I'll go with you. Matagal na din akong bwisit na bwisit sa babaeng yun." Napatigil ako sa sinabi nya.

"Sabihin mo nga sa akin Zoie, sino ka ba? Anong alam mo? Bago ka palang dito pero bakit parang ang dami mo nang alam." Tiningnan ko sya ng masama habang ang aking kamay hindi padin naaalis sa aking bag.

"Sabihin nalang nating alumni ako dito at napagtripan ko lang bumalik." Sagot nya sabay buga ulit ng usok galing sa kanyang nauupos nang sigarilyo.

"Mag-iingat ka Shaen, doesn't mean mabait ka sa lahat, wala nang may galit sayo. Ang hindi mo lang alam, sa bawat kabutihang pinapakita mo, nakakakita sila ng butas para sirain ka." Sagot nya sabay shoot nung isang patalim sa bag ko.

Tumayo na sya at nilagpasan ako. Naiwan naman akong nakatulala doon habang pilit na pinoproseso ang mga bagay na narinig.

Dali dali kong isinilid ang maliit na patalim sa aking bulsa at sinundan si Zoie papalabas ng Gym. Lahat sila'y gulat na gulat sa paglabas namin.

Nagbadya si Sir Javier na pigilan kami.Marahil alam niyang masyadong mapanganib, lalo na ngayon na madilim na sa labas. Ngunit sa halip na pansinin ang pag-aalala ng guro, dumiretso lamang kami sa paglalakad palabas ng gym.

Patay sindi ang ilaw sa buong Corridor. Nasa kalagitnaan na kami ng aming paglalakad papunta sa auditorium kung saan nakakunekta ang lahat ng speaker sa aming school nang may biglang humila sa akin at itinulak ako sa may locker sabay tutok ng isang malamig na patalim sa aking leeg.

"You really think you're a sort of heroine huh? Fuck you Shaen but I won't let you kill me." Bulong nya sa aking tenga na sinundan ng malakas na sabunot.

Alam ko naririnig kami ni Zoie ngunit hindi mang lang sya tumigil sa paglalakad. Hahayaan nya lang ata akong patayin nitong babaeng demonyo na nasa harapan ko.

"Look Larra, ano bang kasalanan ko sayo? Magkaibigan naman tayo diba?" Mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya. Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit nya ginagawa sa amin to.

"Hindi kita kaibigan" galit nyang sigaw.

"Anong kasalanan ko larra?" Humahagulgol ko nang tanong.

"Marami Shaen! Marami! Sa sobrang dami, wala ka nang magagawa para pagbayaran ang lahat dahil maging ang buhay mo ay hindi sapat upang maging kapalit sa lahat ng utang mo sakin." Mangiyak ngiyak at nangggagalaiti nyang sagot.

Hindi ko sya maintindihan. Mas lalo nya lang ginugulo ang isip ko.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon