Chapter 19

56 9 0
                                    

Chapter 19
Somewhere down resolution

"Kung pumunta ka dito para mangamusta, umalis kana." Bungad ni Jude ng makita nya akong papunta sa kanyang kinauupuan. The handcuff,the orange t-shirt and his blank face are telling me na pinaparusahan na sya sa kanyang kasalanang nagawa.

Dahan dahan akong umupo sa upuang nasa kanyang harapan at inilapag ang pagkaing aking dala. Kasabay ng pag-upo ko ang pagpatak ng mga luhang dulot ng aking matinding galit sa kanya. Naikuyom ko na lamang ang aking kamay bilang tanda ng pagpipigil.

"May isang tanong ako Jude," nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga. Hindi sya tumingin sa akin nang ako ay magsalita, nakatingin lamang sya sa kawalan.

"Nagsisi ka man lang ba na ginawa mo to? Does your conscience even bothered you just once?" Mariin kong tanong.

Dahan dahan nyang ibinaling sa akin ang kanyang tingin at sinabing

"Hindi, why would I?"

Napigtas ang kanina ko pa pinipigilang pagtitimpi. Sinampal ko sya ng malakas at pinagsusuntok ko din ang kanyang dibdib. Agad naman akong inawat ng pulis na nakabantay sa kanya. Inilayo na sya ng pulis sa akin. Ngunit bago paman sya makalayo, lumingon sya sa akin.

"Mabubulok ka dito! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungang ito!" Sigaw ko.

"Hindi pa tayo tapos." Sagot nya bago sya tuluyang malayo ng mga pulis.

Naiwan akong lantang lanta. Napaupo na lamang ako habang umiiyak. Bakit ba napakawalang puso nya. Bakit hindi man lang sya nagsisi?!

Lazarus' POV
"Pumili kana." Utos ko kay Ira na kanina pa nakatingin sa Menu nitong cafe na pinagdalhan ko sa kanya.

Isang taon na din simula ng mangyari ang kasindak sindak na gabing iyon. Ni hindi ko nga akalaing mabubuhay pa pala ako at makakalabas pa sa impyernong iyon.

"Pag pumili ako dito, sigurado akong wala kang ipangbabayad. Kaya kung ako sayo, ikaw nalang pumili." Mataray nyang sagot.

"Anong tingin mo saken? Dukha?" Sagot ko. Aba,talagang hinahamon ako ng isang to ah.

"Okay, buy me all the best seller for today and also buy me their biggest milkshake." Sagot nya.

Tinawag ko ang waitress at isinaad ang kanyang order. Matapos naming kumain ay tumayo na ako papunta sa may counter upang bayaran ang kanyang kinain.

"Miss,here." Bungad ko sabay abot nung aking credit card.

"Sorry sir but we don't accept cards" sagot ng cashier.

"Wait what? How come?! Anong klaseng Cafe ito?!" Sigaw ko.

"Sorry po, trabaho lang." sagot nung cashier.
Mula sa pagkakaupo sa aming kinauupuan kanina, tumayo si Ira papunta sa aking kinaroroonan.

"How much is that goddamn bill?" Mataray nyang tanong sa Cashier.

"Five thousand three hundred fifty eight po ma'am." Tugon ng cashier.

Hinugot ni Ira ang kanyang wallet at kumuha ng cash. Mapapawow ka nalang dahil halos sumabog na yung pitaka nya sa sobrang dami ng laman.

"That's seven thousand. Keep the change." Tugon ni Ira bago sya tuluyang tumalikod sa counter at naglakad papalabas. Shit, nakakahiya. Ako paman din ang nagdala sa kanya rito tapos sya pa nagbayad. Bat naman kase ang arte nitong cafe na to e.

Wala nakong ibang ginawa kundi sumunod na lamang sa kanya. Nang marating ko ang parking lot, nakaupo na sya  sa passenger seat ng aking sasakyan. Nakalimutan ko palang ilock tong walang hiyang sasakyan na ito.

"Sorry," tipid kong bungad nang makapasok na ako sa aking sasakyan.

"Wag kang magsorry, utang yun. Take me to the mall. I'll go shopping, you pay." Utos nya sa akin na sya naman ding sinunod ko.

Halos umabot kami ng tatlong oras sa mall. Lahat na ata ng high-end shops dito sa mall pinasukan nya na. And the worst thing is sa bawat shop na pinapasukan nya, lalabas sya ng may isa o tatlong paper bag na dala. Ang ending? Ako na nagbayad, ako pa nagbitbit. Men's fate are really unacceptable.

Matapos nyang mamili, tumigil muna kami sa harap ng isang cafe. Ng dahil sa pagkatrauma ko sa kahihiyan ko kanina, nagpaalam muna ako sa kanya na magwiwithdraw  muna ako. Iniwan ko sya sa loob ng cafe at mabilis akong nagtungo sa bangko. Nang matapos akong mag withdraw agad ko din syang binalikan.

To my amusement, may nakalatag na kaagad na pagkain sa aming lamesa. She looked at me with her crossed arms and brows facing up when she saw me walking towards our table. To be honest, wala akong pakealam kung anomang bilhin nya. I can manage to provide her whims pero goddamn, ganito ba talaga to kalakas kumain? Parang di appetite ng yayamaning babae.

"Patay gutom ka ba?" Tanong ko sa di malamang dahilan.

Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglantak nung pagkaing kanyang inorder. Maya maya pa ay iniangat nya ang kanyang ulo at tiningnan ako ng matalim. Napalunok na lamang ako.

"Hindi ako patay gutom. Gutom lang. ikaw? Patay na patay ka ba talaga sakin?" Seryoso nyang sagot.

Shit crap! Bakit bigla yatang nagwala ang puso ko sa narinig?

"Tell me. Kasi kung oo, ililibing kita." Pagpapatuloy nya bago sumimsim sa juice na nasa kanyang kiliran. Feeling ko kasing pula ko na ang kamatis na hinog jusko tulong lalaki po ako.

"Ililibing kita sa puso ko." Sagot nya. Hindi ko na talaga mapigilan tong nararamdaman ko. Ang pula na ng mukha ko nararamdaman ko.

"Cr lang ako." Agad agad akong tumayo papunta sa kinaroroonan ng Cr. Bago ako makalayo, nilingon ko sya at nakitang walang reaksyon syang nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Damn baliw na ata ako sa kanya. Baliw na ata ako sayo Ira Vittoria.

Zoie's POV
Naglalakad ako papunta sa park nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Binilisan ko ang aking lakad at inihanda ang patalim na nilagay ko sa aking tagiliran. Takipsilim na din kaya medyo nagsisilabasan na ang mga ulupong.

Nasa kalagitnaan nako ng aking paglalakad ng bigla kong naramdaman na papalapit na yung taong nakasunod sa akin. Inilabas ko ang aking patalim at hinarap ko ang aking likod upang itutok ang kutsilyo sa kung sino mang nasa likod ko.

"Woah Zoie ako to! Si Gino!" Gulat na pagpigil ni Gino sa akin.

"Fuck you." Mariin kong mura. Muntik nakong makapatay ng dahil sa kanya.

"Sorry, gugulatin lang naman sana kita." Sagot nito.

Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad.

Nakasunod lamang si Gino sa aking likuran. Madami na syang nadaldal sa akin pero hindi ko sya sinagot. Ni hindi din ako nag abalang makinig. Maya maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone na agad nya namang sinagot.

"Hello, ano? Anong nangyari kay Jude?" Sagot nya sa kausap mula sa kabilang linya. Sa lahat ng daldal ni Gino, dito lang napukaw ang atensyon ko.

Anong nangyari kay Jude? Sana okay lang sya.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon