Chapter 15

51 13 2
                                    

Chapter 15
Beast inside

Larra's POV
I'm a good friend but a very bad rival. Behind Mnemosyne's bad image is a very unacceptable reason.

I always get what I want. Even the man of my dreams;but it all changed nung naging magkaklase kami ni Shaen.

She's always the number 1 in class diba ang saya. Tapos pag-uwi mo papagalitan ka pa ng parents mo dahil hanggang top 3 ka lang sa klase nyo? Fuck you all retarded imbeciles. Pinaghirapan ko yun tapos basta basta nyo lang huhusgahan? Rude.

Isang gabi, I got home drunk because They scolded me the morning prior. Ang rason? Hindi ko naperfect ang aming second periodical exam sa math.

They know exactly how I hate that subject and no matter how hard I try to draw my interest in such, I can't seem to understand why that stupid founder of math combined numbers and letters. Like what the hell, they're not even compatible for each other.

Kakatapak ko pa lamang sa amba ng aming pintuan,sinalubong na ako kaagad ng malakas na sampal mula sa aking ama. Halos mawasak ang aking mukha sa sobrang lakas ng sampal na iyon.You know what hurts the most? Is yung tiningnan ka lang ng mama mo sabay sabing "buti nga sayo." "You deserve that para magtanda ka." I'm expecting for a loving embrace of my mother pa naman nung mga panahon na iyon.

Naiiyak akong pumasok sa kwarto ko nun. Nag-iisip kung paano ko mababago ang isip nila sa pagdideklara ng Grounded state ko.

Naalala ko na nakipagdeal ako sa isang lalaking nakilala ko sa Club nung gabing yun. Nagtitinda sya ng iba't-ibang klase ng lason kaya Bumili ako dahil alam ko nang ganito ang mangyayari.

Kinuha ko mula sa aking clutch ang isang maliit na bote ng Wolfsbane. Isa itong lason na mas kilala sa tawag na Devil's helmet. Tinitigan ko ito ng ilang segundo habang umiiyak at nanginginig ang aking kanang kamay.

Naalala ko bigla ang malakas na pagsampal ni dad sa akin kanina at ang rason kung bakit nya iyon nagawa sa sarili nyang anak. He's so greedy and ruthless para saktan ako ng dahil lang sa ganung napakababaw na rason.

Kinabukasan ng umaga, maaga akong gumising. Sinadya ko iyon. Sinilip ko ang kwarto ni mommy at daddy bago bumaba at pinag day out ang aming mga katulong.

Nang makaalis na ang mga ito I brewed a coffee bean and put the brewed one on a two small white cups. Luckily, matagal nagigising yung mga walang kwentang magulang ko na yun.

Luminga linga muna ako sa paligid upang siguraduhing walang ibang taong makakakita sa gagawin ko.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang maliit na bote ng wolfsbane saka ibinuhos ito sa dalawang tasa ng kape na inihanda ko. I even prepared a sandwich for the both of them at nilagyan ko din ito ng wolfsbane.

Inilagay ko sa tray ang pagkaing inihanda at tumulak na papunta sa kwarto ng dalawa. Pinakiramdaman ko muna kung gising na ba sila. At nung makumpirma kong gising na nga sila, kumatok ako sa pintuan nila na agad din naman nilang pinaunlakan.

"Anong ginagawa mo dito?" Asar na bungad ni dad. Nagpatuloy ako sa paglalakad at inilapag ang tray sa mini table na nasa loob lamang ng kwarto nila.

"Gusto ko lang po sanang magsorry dad and mom for breaking your rules. I even prepared a breakfast for the both of you para maniwala kayong sincere ako. I know you just want the best for me." Panimula ko. Nandiri tuloy ako bigla sa mga sinabi ko.

"Halika nga dito anak." Pag aaya ni mommy na lapitan ko sya na sya naman ding ginawa ko.

"Mahal ka lang kasi namin ng daddy mo. No parent wants to see their babies suffering from the bad fate na pwede namang maiwasan kung sinulusyonan lang ng mas maaga." Mahinahon nyang alu sakin sabay yakap sa akin. Dad even hugged me when he saw us weeping.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon