Chapter 22

56 7 0
                                    

Chapter 22
Remuneration

Zoie's POV
Matapos iputok ni Jude ang baril sa direksyon ni Shaen, nagmistulang huminto ang ikot ng mundo. Bakas ang pagkabigla sa mga mukha ng lahat ng taong kasama namin dito sa loob. Sa sobrang galit ko, hindi ko na hinintay na itutok ni Jude ang baril sa aking direksyon at sinipa ko ang kanyang kamay ng sobrang lakas dahilan upang mabitawan nya ang hawak na baril at tumilapon ito sa kung saan.

Tatayo pa sana si Jude ngunit hindi nya na nagawa dahil agad kong inapakan ang kanyang ulo. Let my stiletto talk to your demonic countenance Poor Narcissus. Agad namang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng baril si Ira at nanginginig na pinulot ito.

Sinenyasan ko naman si Carl at Crystal na dalhin na sa may pinakamalapit na Hospital si Shaen at Zeph.Dali dali namang sinunod ng dalawa ang aking utos at dali dali na din silang nagsilabasan sa pinto.

"So ano nang gagawin natin sa isang to mad people?" Tanong ko sabay lingon sa mga taong nasa state of shock padin na nasa aking likuran.

"Maybe, let my fist give its justice." Ani Gino.

"Count me in." Ani Lazarus habang pinapatunog ang mga buto ng kanyang mga kamao.

Lumapit na ang dalawa upang simulan ang palabas. Ngunit pinigilan sila bigla ni Ira.

"Sandali lang!" Ani Ira.

"Kung papatayin nyo sya ngayon, bakit di muna natin alamin ang side nya?" Dagdag pa ni Ira.

"Bobo ka ba inday Ira, as if a thief will tell you where he pawned his stolen bag of golds. Aasa ka pa ba na magsasalita yan?" Sagot ko.

She's a warfreak bitch, ewan ko kung anong kabobohan ang pumasok sa utak nya at nagagawa nya pang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Jude.

"After all, kaklase din naman natin sya e. Jude, minahal mo ba talaga si Zoie nung kayo pa? Bakit mo nagawa saming lahat ito?" Ira said.

Damn, bakit kailangan nya pang iopen up yung ganyang mga klaseng topic. Kailangan kong magalit ngayon. Hindi pwedeng maapektuhan ng aking nakaraan ang aking kasalukuyan.

Hindi sumagot si Jude. Sa halip ay tahimik lamang syang umiyak. Inalis ko ang pagkakatapak ko sa kanyang ulo. Nagkatitigan kami ni Gino at Lazarus hanggang sa binawi ko ang aking titig at Pinagmasdan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ni Jude.

"Akala nyo ba madaling maging ako? Hindi! If you're thinking na ginusto ko lahat ng to, nagkakamali kayo! I've been feeding my mom's greed when it comes to grades and fame since I was born but I ended up losing her. Sorry Zoie if I ditched you and put you in a situation where you're supposed to be not involved." Ani Jude sabay Hagulgol.

"Sorry, if I've been killing everyone who has plans of ruining my ways to have Shaen as my wife. I can't understand myself either. Sorry for being an asshole my whole life. And I know forgiveness is not what I deserved. So please, kill me now." Dagdag pa ni Jude sabay abot sa aking kamay.

"Kill me now Zoie." Pagpapatuloy nya. Habang wala pading tigil sa pag-iyak.

Sa hindi malamang dahilan, napaiyak nalang din ako habang nakikita syang ganyan. I may be denying everything the whole time pero to be honest,hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. To be honest, kahit sobrang sakit na, hindi padin nagsawa ang puso ko sa pagsigaw ng pangalan nya. Binitawan ko ang kamay nya at pinalis ang luhang dumadaloy sa aking mga mata.

"Kayo nang bahala sa kanya. But please, teach him a lesson but don't you dare to kill him. Or else..." tinitigan ko si Lazarus at Gino ng matalim.

"Ako mismo ang papatay sa inyo." Patuloy ko sabay labas sa pinto. Agad namang sumunod si Ira sa akin. Nang tuluyan ko nang malisan ang silid, pinagpatuloy ko ang naudlot na dalamhati.

"Hey, Zoie. What's wrong with you?" Asar na tanong ni Ira sabay tulak sa aking balikat. Imbis na itulak ko sya pabalik, I found myself hugging her in return. I can feel her hesitation to hug me back. But eventually, she did.

Umiyak ako habang inaalu ako ni Ira. How can I suddenly become so soft and fragile when it comes to Jude even after knowing the fact that he almost killed my twin sister.

"Please Ira, call the cops." I pleaded between my sobs.

"Okay, I will." She said sabay kalas mula sa pagkakayakap sa akin at tinawagan ang pulis.

Carl's POV
Ilang oras na kaming naghihintay dito sa labas ng emergency room.Hindi padin ako mapakali. Sana okay lang sya. Maya maya pa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko naman itong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Ira na nagpop up sa aking screen.

"Hello." Panimula ko.

"Hello Carl. Kamusta na jan? Okay lang ba si Zeph? Anong balita kay Shaen?" Nag-aalalang tanong ni Ira.

"Si Zeph, nagpapahinga na sa kwarto nya nagamot na din ang mga sugat nya. Si Shaen, shit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kanina pako di mapakali." I answered out of frustration. Nagsisisi ako na natakot akong iligtas sya. Nagsisisi ako na nagpakaduwag ako. Damn I loathe myself just by remembering that fucked up fact.

"Magiging okay din sya Carl, magtiwala ka lang sa Diyos. By the way, nahuli na ng mga pulis si Jude. Next week na magsisimula ang hearing. Si Zoie nalang daw ang dadalo. Sige na, dadalaw nalang kami ni Lazarus bukas. See you! Bye! ." Sagot ni Ira mula sa kabilang linya.

Matapos maibaba ni Ira ang tawag sya rin namang paglabas ng doctor galing sa emergency room.

"Sir Carl?" Tanong ng Doctor sa akin.

"Yes doc ako po si Carl." Nagmamadali kong sagot.

"Fortunately, naalis na namin ang bala sa kanyang tiyan. Medyo may mga kailangan lang tayong obserbahan kaya hindi pa natin sya pwedeng pauwiin. We will be transferring her to a private room as dictated by you sa isa sa mga nurses kanina. Unfortunately,she will need some rest by now kaya hindi muna natin sya makakausap sa kadahilanang tulog sya. " paliwanag ng doctor.

"Sige po doc maraming salamat po." Mangiyak ngiyak kong pasasalamat sa kanya. Tumango lamang ito at tinapik ang aking balikat bago tuluyang umalis.Thanks God for letting her live. Thanks for giving me this chance to protect her more.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon