Chapter 18

44 10 0
                                    

Chapter 18
Trap

Jude's POV
Umuwi ako ng bahay galing sa school isang hapon ng maabutan kong may sinasabunutan si mama.

"Walang hiya ka! Malandi!" Sigaw ni mama sa babae habang hindi padin binibitawan ang buhok nito. Unang tingin palang kay mama, mahihinuha mo na kaagad ang nag-aalab nyang galit.

Naitapon ko ang aking dalang bag at dali-daling lumapit sa kanilang dalawa upang awatin sila sa ginagawa.

"Mama, tama na po! Tumigil na po kayo." Pagpipigil ko kay mama habang hinihila sya papalayo sa babaeng kanyang sinabunutan.

Nagpumiglas pa nung una si mama pero sa huli, nailayo ko din sya sa babaeng kinaiinisan nya.

"Pinakiusapn na kita noon Leonore! Pinakiusapan kita ng maayos na layuan mo na si Julio!" Nanggigigil na sigaw ni mama sa babaeng umiiyak ng walang kalaban laban.

"Delta, hindi ko sinasadya." Umiiyak na tugon ng babae.

Maya maya pa ay biglang dumating ang sasakyan ni dad. Bumukas ang pinto nito at iniluwa nito si Dad na sya namang natatarantang tumakbo para alalayan ang nanginginig na babaeng sinabunutan ni mama.

"Ano ka ba naman delta?! Buntis si Leonore. Pag namatay tong batang dinadala nya, ako mismo papatay sayo." Galit na pananakot ni papa kay mama habang dinuduro duro nya ito.

"Julio tulong!" Sigaw nung babae na may dugong dumadoy sa may binti nya. Mukhang nakunan ata.

Natarantang inakay ni papa yung babae sabay lingon sa akin.

"Jude! Tumawag ka ng ambulansya!" Nagmamadaling tugon ni Papa.

Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Nang dumating ang ambulansya, agad na sinugod nila yung babae sa hospital. Pero bago umalis si papa, binalaan nya na kaagad si mama.

"Magtutuos tayo mamaya Delta." Ani papa bago sya tuluyang sumabay sa ambulansya.

Nang makaalis na sila, pinatahan ko si mama. Masyado itong nasaktan sa mga nangyayari kaya hindi ito tumigil sa pagkakaiyak.

Mga dalawang oras lang ata ang itinagal ni dad sa labas. Nang dumating sya, agad syang nagtungo sa kwarto nila ni mama. Hindi ko na alam kung anong susunod na nangyari sa loob. Tanging ang mga hinaing na lamang ng aking ina ang naririnig ko mula sa labas.

Kinabukasan, nagtungo ako sa kwarto ni mama at papa upang icheck kung okay na ba sila. Pero sa halip na sila ang makita ko, nakita ko ang kapatid ni Papa na si Tita Josephine.

"Tita, bakit po kayo nandito?" Tanong ko.

"Asan po si mama at papa?" Dagdag ko.

"Jude, nasa hospital yung mama mo. Umuwi lang ako dito para kumuha ng mga damit ng mama mo." Tugon ni Tita.

"The maids can do the job tita. You should've not bothered yourself." I said.

"The maids are on their day out Jude. Pinauwi ko na muna sila dahil alam kong natrauma pa sila sa mga nangyari kagabi. Sabay na tayong pumunta sa hospital." Ani tita.

Isang buwan ding na comatose si mama bago sya tuluyang sumuko. Magmula noon, hindi ko na nakita si papa. Nabalitaan ko na lamang sa mga kapitbahay namin maging sa TV na patay na pala sya. Ako ang nagmana sa aming munting hotel na nakatayo sa tuktok ng isang sikat na kagubatan. Ang mt.déces.

Ito din ang binigay kong suhestiyon kay ma'am Vanellope nung nagtanong sya kung saan kami pwedeng mag field trip. Pumayag naman sya kaya everything happened as how I planned it. Hindi na ako nahirapan pang maghanap ng plan B.

Kasalukuyan ngayong nakaupo si Shaen sa sofa. Nakatulala. Hindi padin matanggap ang mga impormasyong nalaman. May mga pagkakataong bigla nalang may pumapatak na luha sa kanyang mga mata.

"Jude. Labas na tayo dito. Hayaan na natin sila." Ani Shaen.

"Masusunod aking binibini." At inabot ko ang aking kamay sa kanya upang ayain syang umalis.

Marami mang nangyayari ngayon na nagpapagulo sa isip ko, isa lang ang alam kong hindi magugulo. Yun ay ang pag-ibig ko sa natatanging kahinaan ko.

Shaen's POV
Pinatay ni Jude lahat ng ilaw sa auditorium at maging ang kanyang nag-iisang server. Sa wakas, mukhang gagana ang plano ko.

Sa kalagitnaan ng aming paglalakad palabas ng Campus, nagpaalam ako sa kanya na mag CCR lang ako. Agad naman itong pumayag. Hindi rin sya sumama sa loob ng CR. Masyado siguro syang may tiwala sa akin. Hibang, hindi ko palalampasin ang kalapastanganan mo.

Nagtipa ako ng mensahe at ipinasa ito sa lahat. Sinabi ko sa mensahe ko na kilala ko na kung sino si Narcissus at kung saan kami papunta. Pinasahan ko din si Kuya,Keira at Carl. Maging ang mga pulis ay hindi ko din pinalagpas. Nang matapos ako, agad naman akong lumabas dahil baka magduda na si Jude.

"Mahal ko, okay ka lang ba? Bakit parang medyo napatagal ang pagbabanyo mo?" Naghihinala nyang tanong.

"Medyo masama ang pakiramdam ko Jude kaya natagalan ako. LBM ata to. Basa e." Sagot ko sabay ngumiti ng peke.

Ngumiti lamang sya pabalik at inakbayan ako upang magpatuloy na sa paglalakad palabas.

Tumigil kami saglit sa isang park dahil sa suhestiyon nya. Ayaw ko man, wala naman akong magagawa dahil gusto kong kunin ang tiwala nya. Ayokong maghinala sya na may masama akong binabalak.

"Alam mo ba Mahal, iniisip ko tuwing gabi kung kamumuhian mo ba ako pag nalaman mong ako si Narcissus." He said out of nowhere habang nakahawak pa din sa aking balikat.

"Nung una, kinamuhian kita. Pero lahat naman ng tao nagkakamali e. And you're not an exepmtion kasi tao ka lang din naman." Sagot ko. Jusko Vishaentra! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi mo. Mababaliw na ako.

Ngumiti ulit sya sabay yuko. Ang cute talaga ni Jude. Kung hindi ko lang siguro sya kinamumuhian, malaki ang posibilidad na magustuhan ko sya. Pero nang dahil sa ginawa nya, nagbago ang pananaw ko sa kanya.

Tumayo sya at humarap sa akin. Inalay nya ang kanyang kamay sabay sabing.

"Tara my lady. Sayaw tayo." Agad ko itong inabot. Nang mahawakan ko na ng tuluyan ang kanyang palad, bigla na lamang tumunog ang taglong magkakasunod na putok ng baril.

"Wag kang kikilos!" Utos ng pulis na ngayon ay tinututukan na ng baril si Jude.

Hindi kumibo si Jude. Sa halip ay nasilayan ko sa kanyang mga nag-aalab na mata ang kanyang galit ang paghihinagpis. Waring ang mata nya ay nagtatanong kung bakit ko nagawang isuplong sya sa pulis. Hindi ko sya tiningnan ng diretso at hinayaan na lamang ang pulis na dalhin sya kung saan sya nararapat.

Maya maya pa ay may isang pamilyar na lalaki ang tumakbo papalapit sa akin. Halatang halata ang kanyang pag-aalala nang sinunggaban nya ako ng yakap.

"What the fuck Shaen. Sobrang nag-alala ako sayo." He said while he's still hugging me.

"Wag kang mag-alala Carl. Ayos lang ako. Ayos na ang lahat." Matapos kong sabihin iyon, narinig ko ang masayang sigaw ni Lazarus mula sa malayo.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Lazarus at nakitang kumpleto silang naglalakad papunta sa amin. Naiyak na lamang ako habang tinitingnan sila. Salamat Panginoon at hindi mo sila pinabayaan.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon