Chapter 10
Broken VowElaine's POV
A familiar man stood up in front of us. Goddammit, why is this world too small for our paths to still meet.Dumako ang kanyang tingin sa aking direksyon ngunit agad nya naman itong binawi. Tinitigan ko sya, umaasang tititig din sya pabalik but I failed.
Pinagpatuloy nya lamang ang pag iintroduce sa sarili nya without even gazing at my direction. Okay, let's pretend na hindi tayo magkakilala. Akala mo ikaw lang marunong?
At binaling ko ang aking tingin sa Philosophy book na nakalagay sa aking armchair habang kulang nalang ay pira pirasuhin nang aking nanggigil na kamay ang ballpen na hawak ko.Hindi ako Affected sa kanya no. Hindi na!
Damon was my First Love. We broke up the day before our second anniversary sa kadahilanang may mahal na daw syang iba.
Masakit. It's like a thousand tons of hollow blocks was thrown downwards to my heart. It's like no bandaid can ever suppress the bleeding of my heart. He broke me into pieces and left me scattered on the ground. How cruel.
Hinayaan ko syang iwan ako dahil alam kong pag pinilit ko syang mahalin ako pabalik, magmumukha lang akong desperada.
Natapos ang buong klase na tila minamartilyo ang puso kong unti unting nawawasak pag napapadako ang aking mga mata sa kanyang kinaroroonan.
Pumunta ako sa girl's locker room na kaharap lang ng boy's locker room upang magpalit ng damit.
I should probably hit the bar tonight and get wasted. Bakit ba kasi sa dami ng schools dito sa pinas, dito pa sya napadpad. Is he trying to piss me off o nagkataon lang ang lahat?
Ayokong mag-isip. Gusto kong pilitin ang sarili kong maniwala na I'm completely over him. Wala nakong nararamdaman para sa kanya. Yes, ganyan dapat Elaine Delaney O'brien. Wag mo syang isipin.Wag na wag kang magpapaapekto!
Matapos kong magpalit ng damit, agad kong tinungo ang daan papalabas ng Locker room.
Nang makalabas ako ng locker room, bigla akong nabundol ng isang pamilyar na lalaki. He's so familiar that even my heart races just by seeing him in here.
Napatitig ako saglit sa kanya at ganun din sya sa akin. Ngunit agad ko namang binawi ang aking titig at tinalikuran na sya upang makaalis na.
Sampung hakbang pa lang ang aking natatahak nang bigla syang magsalita.
"We need to talk" he uttered in his usual baritone voice.
Huminga ako ng malalim at hinugot ang aking natitirang lakas bago sya lingunin.
"For what?" Wala sa sarili kong tanong. Unti unting nangangatog ang aking mga paa na animoy anomang segundo simula ngayon ay pwede nakong matumba.
Nanghihina ako. Gusto ko syang sumbatan at sigawan pero hindi ko magawa. Masyado ko syang mahal. Shit! what's with you Damon? Damn you!
Imbis na sagutin ang aking tanong, naglakad lamang sya papalapit sa akin at inangkin ang distansyang naglalayo samin sa isa't-isa.
Hinawakan nya ang kamay ko at marahan akong hinila papalabas ng campus.
Dinala nya ako sa isang Restaurant malapit sa School. Inalalayan nya akong lumabas sa kanyang sasakyan ngunit hindi ko sya pinaunlakan at naglakad palabas nang hindi man lang inaabot ang kanyang nakaambang kamay. What do you expect?
Naupo kami sa loob at hinintay na lumapit ang waiter na kukuha ng aming order.
Hindi na nya nagawang magtanong kung anong gusto ko at Umorder na sya ng dalawang Carbonara at dalawang Piña Colada. Hanggang ngayon kilalang kilala nya padin ako at ang mga bagay na gusto ko.

BINABASA MO ANG
Finding Narcissus
Mistério / SuspenseThis world is a rendezvous of devils dwelling inside an angel's mask. Trust none. (HIGHEST RANK: #99 in Mystery/Thriller)